Kabanata 18
Umalis ako sa bahay dahil sa mga narinig ko galing kay mama. Si papa kasi hindi niya ako pinapansin simula ng umuwi ako. Ang hirap-hirap maging okay sa paningin ng ibang tao. Para akong pabagsak ng pabagsak sa tuwing nasa stage na ako ng pag-angat. Parati nilang hinihila pababa ang confidence ko. Mas mabuti pa kina tito lahat ng tao nagsusuportahan kahit ganoon. Sa bahay namin parating hila paibaba eh.
"So what happened?" tanong ni Ally bago siya naupo sa tabi ko. "Sabi na mangyayari yan. Iba mindset ng magulang mo eh no offense. Pansin ko kasi na parati silang namumuri ng iba pero hindi nila magawa sa inyo. Parati kasi diba kapag nakakasama natin sila super jolly nila na to the point na parang alam na alam na nila buhay namin at kung saan ito umiikot."
"Pabayaan mo na. Siguro doon nila nailalabas stress nila."
"Hoy! Nakakapatay kaya ang mga salita. Hindi ako approve diyan sa mindset mo na yan na parang okay lang ang lahat."
Ayoko na rin naman magtanim pa ng hinanakit. Nakakapagod maubos pero mas nakakapagod mapuno ng hinanakit ng sama ng loob at hinanakit. Ayoko na lang isipin ang lahat kaso ako lang naman yung mapapagod.
Matapos namin magkausap at magkita ni Ally ay pinili ko pa rin na umuwi. Ayoko na maging pabigat pa kahit alam ko na baka hindi naman sila nag-aalala.
Dahil sa magpapasko na isinama ko na lang ang tatlo kong mga kapatid pati ang partner ni kuya na si ate Mel. Hindi na sumama pa si ate kasi ayaw niya raw lumabas.
"Ate Mel, sa grocery muna tayo." Tumango siya habang nakaalalay kay Sapphire. Nakasunod naman sa kaniya si Sunny at Dawin kaya nasa likuran nila ako. "Kain na lang pala muna. Ihuli na natin ang pamimili ng groceries kasi mahirap mag-bibit. Jollibee?" tanong ko na ikinalingon ng mga kapatid ko saka sabay-sabay na tumango.
Masaya kaming pumasok. Pinaghanap ko na sila ng mauupuan habang magkasama naman kami ni ate Mel na mag-order ng pagkain. I ordered jolly spaghetti, chickenjoy, chicken sandwich, fries, and soda. Masayang-masaya ang mga kapatid ko na kumakain maging si ate ay talagang natutuwa silang pinapanood.
Matapos kumain ay minabuti ko na bumili para sa family shirts para sa pasko. Buti na lang at may nakuha kami. Hinayaan ko rin na bumili sila ng tig-iisang laruan. Ayoko rin naman na masanay sila na kung ano gusto nila ay dapat masunod parati.
Inabot kami ng hapon bago kami nakapasok sa grocery. Nakalista na rin ang kailangan namin bilhin kaya medyo mabilis. Hawak-hawak ko si Sapphire at magkasama naman si Dawin at Sunny. Si ate Mel ang may tulak ng cart maging ako ay may tulak din ngunit kinuha iyon nina Sunny at Dawin.
Bumili ako ng mga groceries at mga lulutuin para sa pasko at mga ingredients na pwede mailagay sa ref namin. Nakatulala kami habang nakatingin sa mga pinamili namin na problema namin kung paano iuuwi.
"Pasundo na lang tayo sa kuya mo. Paarkela na lang tayo sa kaniya. Malayo tayo, Shâ. Hindi natin ito kaya."
"Sige po. Pakitawagan na lang, ate. Iiwan ko na muna kayo rito. Bibili lang ako ng pasalubong sa bahay." Tumango naman siya. "Dawin samahan mo ako."
Bumili kami ng burger at donuts. Bumili rin kami ng walis tambo at mga potholder. Feeling ko pwede na ako mag-asawa sa lagay ko na ito. Halos naglampas 30 minutes din kami bago bumalik at sabay-sabay nag-antay kay kuya.
Pagdating ni kuya ay ttricle ng isang pinsan namin ang dala niya. Buti na lang at nagkasya naman kami maging ang pinamili namin. Tawang-tawa si kuya kasi napakatapang ko raw bumili ng marami tapos wala namang service. Pagkarating namin sa bahay ay kitang-kita ko ang pagkakabigla sa mukha ni papa at tuwa sa mulha ni mama. Para sa akin okay na ako doon. Masaya na ako na masaya sila. Na kahit papano nakakatulong ako sa kanila.
***
Tinawagan ako ni tito na sa bahay niya ako mag-New year. Sabi ko na lang oo kahit hindi pa naman ako nakakapagpaalam sa kanila. Bahala na ang tanging naisip ko.
Busy na busy sa bahay ng dumating ang bisperas ng pasko. Kani-kaniya kami ng ginagawa. Ako ang naka-assign sa paglulumpia at sa buko salad. Masaya ako na hindi na masyado nagsungit pa si mama sa akin. Dahil sa wala naman ako ginagawang iba napagdesisyonan ko na gumawa ng content. Si Dawin ang naging camera man ko sa tuwing hindi ko kaya hawakan ang camera. Hindi na rin naman pa pinuna pa ni papa ang pinaggagawa namin.
Habang pinagmamasdan ko sila na nagkakasiyahan, masaya na ako. This is my favorite Christmas. Yung nakita ko na masaya sila.
Nagulat ako ng yumakap si ate sa likuran ko. "Thank you," she whispered. "You made them happy. Thank you, Shâ."
"Masaya ako nakakakatulong ako, ate. Sobra," sabi ko na may bahid ng ngiti sa aking mga labi. "Masaya ako na makitang masaya kayo."
"Ako naman masaya ako kung masaya ka. Tuloy mo lang kung saan ka masaya ah. Huwag mo na isipin ang mga sasabihin ng iba dahil alam ko na wala kang tinatapakan na tao. I'm happy for you."
Ika 25 ng disyembre for the first time nagkaroon kami ng masayang family pictures at buo talaga kami. Indeed this is my favorite Christmas of all. Sobrang unforgettable experience ito para sa akin na masaya kami ng pamilya ko at nagbibigayan ng regalo sa isa't-isa.
December 30 umalis ako para bumalik sa bahay nina tito. Hindi na rin naman ako pinagtatanong pa nina mama ang naging desisyon ko. Gusto ko rin namam talaga samahan si tito sa bagong taon dahil alam ko na maiiwan siya mag-isa sa bahay na iyon.
Kung gaano kaingau iyon sa tuwing naroon kami ganoon yun katahimik kung lahat kami umuwi sa kani-kaniya naming mga pamilya. Naiwan siyang mag-isa kaya naman mas ginusto ko na lang din siyang balikan total nakapagpasko naman na akong kasama sina mama. Kahit papano ay sapat na iyon para sa akin. Oras naman para ako naman ang maging sandalan ng tito ko.
Dahil sa kaniya nandito ako sa sitwasyon na ito na hindi man lang sumagi sa isip ko na maratating ko. Na kaya ko pala dahil na rin sa tulong niya.
"Akala ko hindi ka uuwi." Ngumiti ako sa kaniya bago ako yumakap sa kaniya. "May kasama pala ako sa pagsalubong sa new year."
Alam ko iyon kaya umuwi talaga ako.
"Okay naman kina mama at papa, tito. Tsaka binigay ko sa kanila yung mga pamasko mo. Magkano ba yun? Ba't ako wala?"
Iginaya niya ako papasok sa bahay habang natatawa sa himutok ko. Totoo naman eh. Inutusan niya ako na ibigay yung mga ampaw sa pamilya ko ako wala talaga. Inisip ko ba na baka naiwala ko lang or nakalimot siya pero wala talaga.
"Iba kasi ang regalo ko sayo. Sa new year mo makukuha."
Sinimangutan ko na pang siya dahil sa bakit ba hindi niya maibigay kaagad. Well sobra-sobra na rin naman ang naging tulong niya sa akin kaya okay lang naman na wala akong regalo. Talagang nag-eemote lang ako para hindi na namin pag-usapan pa ang mga bagay-bagay na makapagpapahomesick sa akin dahil ito ang unang pagkakataon na magbabagong taon ako na wala sa bahay. Hindi man kami nakokompleto parati noon pero lagi akong nasa bahay kapag may mga ganitong okayson ngayon lang talaga wala.
BINABASA MO ANG
STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]
Подростковая литератураInfinity Series #3 Sharise Del Mundo The truths between off-cam and on-cam. Posted: July 28, 2021 Finished: November 29, 2021