Kabanata 19
Dali-dali ako nag-ayos ng sarili ko. Baka malate pa kasi ako at magalit na naman si Romelyn. Medyo nahihirapan na rin ako kung paano ibabalance ang pag-aaral at ang ilang mga endorsement at mga vlogs. Pati pagla-live at paggawa ng content sa tiktok. Ang kadalasan ko na lang nagagawa ay magstory sa IG dahil hindi ko inaasahan na sa pagtungtong ko sa 2nd year ay magiging mas mahirap pa pala ang buhay ko sa 3rd year.
"Glyssa, ano na?!" sigaw ni tito. "Ang issue mo! Anong scandal ba ang kumakalat na iyon! Gusto kailangan ireport ng mga video na iyon!"
"Sir, y-yung sa dati ko po kasing boyfriend yun." Natigil ako sa paglalagay ko ng liptint at napalingon ako sa kanila. Maging si tito ay gulat na gulat. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, sir." Napahilamos ng kamay sa mukha si tito.
Kaagad ko binitawan ang liptint ko saka ako dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng isang basong tubig at kaagad na nagmamadaling iniabot ko kay tito. Pinaupo ko rin muna siya at pinapaypayan niya ang sarili niya.
"Tito, kalma. Please baka kung atakehin kayo eh." Ininom niya lang ang tubig na iniabot ko ng walang sinasabi. "Eman! Ikaw muna bahala rito. May defense ako ngayon eh."
May mga nawala at may mga nadagdag. Mas marami na rin ang artist ni tito na namamayagpag sa mga social media. Kadalasan talagang nakukuha niya ay mga sikat na. After naman makagraduate ni Zyle ay pumasok muna siya bilang isang call center agent. Yun pinili niya eh. Mas nag-iipon pa raw siya ng pera para sa mga travel vlog na gusto niya.
"Shâ, sige na umalis ka na. Kami na bahala rito." Kagat-kagat ko pa ang labi ko bago tumango at kinuha ang mga gamit ko sa mesa. "Nga pala nasa labas si Zyle. Ihahatid ka na raw niya."
Tila nakahinga ako ng maluwag sa mga sinabi niya. Pagkalabas ko ng bahay ay may iilang talent na nagkukulitan. Binati niya ako kaya ngumiti ako at kumaway na lang dahil sa pagmamadali ko.
"Relax, aabot ka." Ni hindi ko magawang matuwa sa sinabi ni Zyle sa akin. "Trust me."
Sa nagdaang taon nandito pa rin kami. Nandito pa rin ang tambalang Zyle at Sharise na namamayagpag sa industriya ng pagba-vlog. Mayroon na kaming 3.5 million followers sa youtube kaya patuloy kami sa pagba-vlog as a couple.
Itinuturing naman ako ni Zyle na jowa niya. Hanggang ngayon ayos naman ang setup naming dalawa at hindi ko alam kung paano ko natatagalan pero dahil sa kumikita kami at na nabibigay ko na lahat ng mga pangarap nina mama okay lang ako.
"Natulog ka ba?" he asked.
I nodded.
Sabi niya noon kung ano isipin sa atin ng ibang tao ganoon tayo sa isa't-isa. Hindi siya mahigpit kaya naman hindi rin ako. Nagdiyan parati yung kapag kailangan ko siya ay darating siya. Kapag hindi ko na kaya nandiyan siya. Kapag kailangan ko ng kausap parati siyang nasa tabi ko pero yung salitang "kami" wala iyon sa amin.
Naging kami talagang dalawa. Almost 7 months noong bago pa ako mag-2nd year. We tried it pero super dami naming hindi napagkakasunduan. Until 1 day napagkasunduan na lang namin na itigil na lang muna ang lahat kasi parang hindi naman nagwowork kung ano man ang mayroon kami.
"Nga pala next week aalis tayo for shoot para sa isang beach clothes. Don't worry I got you."
Ibig sabihin siya bahala sa mga assignment ko, research ko, at mga gagawin ko. Tutulungan niya ako kaya parating ganoon. Tumango na lang ako at inayos ko ang necktie ko. Matalino siya pagdating sa math kaya okay lang. Ako kasi hindi ko alam kung bakit ko pinasok ang educ at major in Math pa.
Pagkarating namin sa school ay hindi mawala ang kaba ko. Halos nanginig na nga ang kamay ko at nakita iyon ni Zyle kaya nagulat ako ng kalasin niya ang seatbelt niya at medyo humarap sa akin at kinuha ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
STRIPPING THE TRUTHS [COMPLETED]
Fiksi RemajaInfinity Series #3 Sharise Del Mundo The truths between off-cam and on-cam. Posted: July 28, 2021 Finished: November 29, 2021