36

17 2 0
                                    

Luna's POV

" Let's talk." Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto nito sa akin. Boses at awra pa lang alam ko na agad kung sino to.

Nakapikit pa din ako habang naka takip ang braso ko sa mata ko. Kung nagtataka kayo naka uniform nga ako pero may suot na jogging pants sa baba. Kaya matiwasay akong nakahiga sa bench ng court. Kung inalala niyo na masisilipan ako. As if papayag ako. Kakatapos lang ng P.E. namin napagod ako kaya nagpaiwan muna ako dito. Gusto kung umidlip kaya lang di na matutuloy dahil sa lalaking to.

Pero ano daw?

Nagtaka naman ako sa lets talk na sabi nito. Feeling close to eh. Wala naman kong natatandaan na may dapat kaming pag-usapan.

" Nagkamali ka yata. Sa pagkakatanda ko wala tayong pag-uusapan. Please lang huwag mong guluhin ang idlip ko." sabi ko dito na di man lang kumilos sa pwesto ko. Ni hindi ko nga siya tinapunan ng tingin. Manigas siya diyan.

" Hindi ako pupunta dito kung hindi ikaw ang kakausapin ko." sabi nito.

" Bahala ka. Wala naman tayong pag-uusapan. FC mo. Asan ba mga kaibigan mo at iniwan ka dito." sabi ko na lang.

" Fine. Edi umidlip ka. Dito na lang ako manonood sayo." di ko inaasahan ang sasabihin nito.

Bigla akong na inis sa kanya. FC ANG LALAKING TO.

At bakit naman ako panonoorin nito.? Ang creepy nun mabuti sana kung si King to o kaibigan ko ayos lang pero di ko ka ano ano eh.

" Nasiraan ka na yata ng bait eh noh? Paki check please ng brain baka may sira." inis na anas ko sa kanya.

Imbis na magalit natigilan ako ng natawa pa ito. Hindi talaga ako sanay na nakikitang tumatawa ito eh. Pero may kung ano sa tiyan ko. Iwan di ko ma explain. Di ko na pinansin at di porket tumawa siya bawi na. Sininghalan ko to.

" May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Kahit na maganda sa pandinig ang tawa --------may sinabi ba ako?

Forget it.

" Let's talk" wika nito ulit ng mahimsmasan sa kakatawa.

" Ano bang let's talk let's talk na yan.?" di ko maintindihan ang lalaking to. Di naman kami close para may pag-usapan. Sa inis ko napabangon ako. Nakaupo na ako ngayon sa malinis na sahig habang siya na ka upo sa isang upuan.

Pilit man itago ng amusement nito. Nakita ko pa din iyon. Tsk.

" Mainit pa din ang ulo it means di pa tapos yung..." putol na sabi nito.

" Yung ano? Tapusin mo yang pinagsasabi mo. Sinabi ko na di ako si Madam Auring na magaling manghula. tsk." singhal ko sa kanya.

" Iwan ko sayo. Bakit nga ba nakikipag-usap ako sa tulad mo baka sugurin ako ng mga fans mo." saad ko at napalinga linga pa talaga. Di naman sa takot ako ayaw ko lang makaharap ng ibabalibag ko sa sobrang inis.

" Why? Takot ka ba?" tanong nito bigla.

" Sila ang dapat matakot. Baka ma ibalibag ko sila." may inis na turan ko.

" Meron pa nga." rinig kung sabi nito at tumawa ng mahina. Di ko ma intindihan ang lalaking to. Kung kasama ang mga kaibigan or sa ibang tao ang tahi-tahimik tapos nakakatakot dahil sa plain na expression nito.

Tapos makikita ko na ganito. Lalo na di kami close. Baka sinasaniban ito.

Agad akong kumuha ng isang piso sa bulsa ng jogging pants na suot suot ko. Mabuti na lang meron pa. Agad kong inabot ito sa kanya.

Taka man pero inilatag din nito ang kamay.

" Ito piso hanap ka ng makakausap." Sabi ko at bumalik sa kahihiga.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon