47

11 0 0
                                    


Merry Christmas and Happy New Year everyone.

Luna's POV

Ang bilis ng mga araw. Isang buwan din nakalipas. Ngayon abala ang school sa paparating na Foundation Week.

Iba-iba ang pakulo ng bawat kurso. May photo booth, coffee shop at kung ano ano pa.

May mga palaro din. Parang entramural week kumbaga sa High school. Busy din ang school dahil open iyon sa outsider. Kaya talagang madami-daming tao ang dadagsa. Kilala na naman ang school kaya ine-expect na yun. Marami kasing pwedeng gawin dito.

At sa dinami dami ng pwedeng maisip. Yung pagiging artist yung trip ng kurso namin.

Dahil siguro sa kurso tong marami silang nakita na pwedeng maging artist. At isa na ako dun.

Well ano bang ginagawa namin?

Pwedeng pagpa costumize na work or pwedeng bilhin ang mga naka display na art na gawa din namin ngayon.

Marami rami din ang naging costumer namin.

" Done." I said to one of our costumer. Anong trip nito? Well nagpa guhit lang naman with his girl.

Yeah. I'll sketch both of them. Nakaramdam ako ng paglapit ng isang kasamahan ko. Napasinghap ito ng makita ang gawa ko.

Curios naman na tumingin ang couple at ibang tao sa gawa ko.  At kagaya sa una ganoon din ang reaction nila. What? I just sketch them. Tsk.

"Wow. Ang galing." Saad nung lalaki.

Trip ko din ang shading at kung ano dinagdag pa upang maging art talaga. Hindi dahil sa gusto ng costumer. Ginawa ko yun dahil trip ko lang ng mawala ng pagkabagot ko.

Dahan dahan na hinawakan yun ng babae. Kinuha nito at sinuri.

Namamanghang naka tingin ito sa guhit ko. Mula pa kasi pagkabata kahiligan ko na noon pa. Nagsimula sa stick stick na drawing hanggang sa nagkakalaman. At hanggang sa na improve ko. At syempre sino pa ba ang una kong costumer? Edi si King. Sino pa kaya?

" Magkano to? Bibilhin natin Hon." Wika nung babae.

Tumango ang lalaki. He immediately asked me about the price. I don't know either basta ginawa ko lang ang naka toka sa akin. Pati ba naman yun pasasakitin pa ang ulo ko.

Kaya ipinagbahala ko na sa president ng classroom namin.

" Paki bigay kay president and ask her about the price. Kayo na bahala." I said to one of my classmates. Tumango naman nito at sinunod ang ginawa ko. Alam ko naman makakatulong yun sa napili naming pwedeng matulungan. Yeah.

Hindi pa ako nakaka ligpit ng maayos ng may umupo agad sa harap ko.

" I love your arts Miss. Can you draw me as well?" Tanong ng babae.

No choice naman kaya tumango na lang ako. Hindi ko inaasahan na sariling gumawa ng isang linya yung ibang costumer sa gilid ko.

Hindi ko inaasahan na dadami ang costumer ko ngayon.

Haiiist bahala na nga.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon