13

35 3 0
                                    


🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁

Luna's POV

" Ano ba to?" Takang tanong ni King ng iabot ko sa kanya ang kapirasong papel na may laman na pangalan ng taong gusto kong singilin.

" Kainin mo." Saad ko at sinamaan ito ng tingin.

Napa busangot naman ang loko. Huwag kayo ganyan talaga iyan . Kung seryoso yan sa ibang tao. Iba naman pagdating sa akin.

" Hanapin mo sila." I commanded. Napakamot naman ito ng batok.

" At saan ko naman hahanap------------sabi ko nga mahahanap ko ang dalawang to." Sabi nito habang nakangiwi.

" They are student here. Kaya hindi ka na mahihirapan pa." Sabi ko na lang. Tumango ito.

" Ano namang kailangan mo sa kanila?" Hindi maiwasang itanong ni King iyon.

" Kailangan ko na yatang maningil.  Lalo na sa sitwasyon ko ngayon." Sabi ko naman.

" Huwag mong sabihin na ibabahagi mo ang totoo sa kanila.?" Gulat na ani ni King.

Nagkibit balikat na lamang ako.

" Hintayin mo ako dito. I have an idea to know whereabouts of the two ladies." He said. Tumango lang ako.

Kung nagtataka kayo. Nasa University kami. Ikalawang araw na ng loko.

Naisipan kong manatili sa gilid. At sinandal ang katawan ko sa pader. Kung nagtataka kayo nasa corridor lang naman kami. As usual andiyan yung masasamang tingin ng mga Babae.

Siguro ngatataka sila kung bakit ko kasama ang Isang King. Na naging instant popular sa University na to.

Sinundan ko ng tingin ang Loko. Nung una nagtaka pa ako kung ano ang plano ng loko. Pero ng makitang lumapit ito sa dalawang Babae. Agad kong nakuha ang plano nito.

Parang naghugis puso ang mga mata ng dalawang Babae ng makitang lumapit si King at nagtanong sa kanila.

Pinakita ni King ang kapirasong papel. Medyo kalayuan kasi ako sa kanila kaya hindi ko naririnig ang pinagsasabi nila. Pero alam ko ang punot dulo ng usapan na iyon ay dahil sa kapirasong papel. Nakita ko pang may itinuro ang dalawang Babae.

Ang Loko na ang bahala. Agad itong umalis. Parang mahihimatay naman ang dalawa. Tsk. OA naman ng mga iyon.

Nakangising lumapit si King sa akin.

" Alam ko na. Tara puntahan natin." He said. Tumango lang ako at sinundan na lamang ito. Kung nagtataka kayo. Wala kaming pasok ng first subject.

Ewan kung bakit pero yun ang nakuhang balita namin sa Prof na hindi ito makaka meet sa amin ngayon. Sayang nga. Kung alam ko na walang pasok edi sana itinuloy ko ang pagtulog. Kaysa nandito pero boring.

Mabuti na lang kasama ko ang Loko at  ma bawas-bawasan ang pagkabagot ko. At nang may pagkakaabalahan. Agad kong pinahanap ang mga Babae kay King.

Ilang minuto din ang nilakad namin hanggang sa marating ang Isang opisina. Para yata officer ng Student Council.

Nakalimutan ko yata. Officer pala sila ng Student Council. Sinabi nila iyon ng magpakilala.

Agad akong tumambay sa puno hindi kalayuan sa opisina ng Students Council. Inutusan ko na lamang si King na sunduin ang dalawang tao na kailangan ko.

Nakita ko ang pagkatok ni King. Hindi ko nakita ang taong nagbukas ng pinto kay King dahil hindi pa ito lumalabas. Sunod na nangyari nakita ko na lang si King at ang pagturo nito sa akin. Meron namang lumabas sa pinto. Siguro sinilip ang tinuro ni King.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon