45

18 2 0
                                    


Zedon's POV

Mukhang di na nakatiis si L. Sa araw araw na nakikita niya idagdag pa nito ang panunukso namin.

Tumayo na ito sa mesa namin at naglakad palapit sa kanila. Nagkatinginan kaming magkakaibigan. Mukhang narindi na yata ang isa kakatukso o di kaya napuno na kakapanood sa the move ni Rouge.

" Talaga bang gusto ni L ang nerd na iyon?"

" Impossible, ang dami dami kayang magaganda dito. Kung e cocompare ang nerd na iyon. Wala siyang panama."

" Naku tama ka. Baka ginayuma ng nerd na iyon ang L natin. "

Napa iling iling na lang ako sa narinig sa bulong-bulungan ng mga babae malapit sa amin.

Nung una hindi din kami makapaniwala na ang isang kaibigan namin na yan. Magkaka gusto sa tulad ni Luneth.

Pero iba tama ni L kay Luneth. Well di ko naman masisisi si L. Nung nangyaring aksidente kay Luneth. Kung bakit ibang iba na siya. Kaya siguro yun din ang dahilan ni L.

Akala namin trip lang ni L si Luneth. May iba na pa lang agenda ang kaibigan naming iyon.

Tahimik naming sinundan ng tingin si L. Papalapit ito sa kinaroronan nina Luneth. Biglang tumahimik ang grupo ng makita nilang papalapit si L sa pwesto nila.

Walang pasabing hiniwalay nito si Luneth at Rouge sa upuan at pumagitnang umupo sa kanila. Nagulat ang lahat sa kilos na yun ni L. Kahit ang maingay na Cafeteria kanina bigla din tumahimik. Nagkatinginan kaming magkakaibigan at napangisi na lang.

That one nice move L. Kaibigan namin yan.

Na isipan na din naming lumapit sa kanila. Mas maganda kung malapitan makita ang pwedeng mangyari.

Hindi nga lang kami kasya sa mesa dahilan upang magdagdag or kumuha ng extrang mesa at upuan sa tabi at pinagdugtong yun sa mesa nila.

Nasa amin na ngayon ang attensyon ng lahat.

Paano na naman nagsama sama yung grupo namin. Kaya talagang mainit ang mga matang nakatitig sa Amin ngayon. Siguro madami na silang iniisip porket nagsama kami sa mesa may mangyayari na.

Depende iyon kay Luneth. Or kay L.

Matagal pa bago magreact ang grupo ni Rouge at si Luneth naman mukhang kakatauhan lang.  Talagang di inaasahan sa kinilos ni Boss.

" What are you doing?" Seryosong tanong ni Luneth sa katabi nito. Balik poker face ito.

" Nakiupo sa tabi mo." L answered her.

" At sino ka naman para gawin iyon. " Luneth

" Yan na ba ang pasasalamat mo?" Pabalik na tanong ni L.

" What?" Luneth at tinignan ng masama si L.

" Nakalimutan mo? Ako yung gumamot sayo." L

" Tsk. I already say thank you. Kahit di naman dapat diba?" Luneth said to him.

" Ah talaga? Bakit hindi? Ginamot ko agad ang sugat mo ng di ma infect tapos iyan ang sasabihin mo?" L

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon