20

31 2 0
                                    


🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁

Luna's POV

Ang bilis ba naman ng balita. Nung Isang araw lang nangyari ang pagsipa ko sa pinaka iningat-ingatan ng lalaking iyon. Tapos ito trend na agad.

Ewan ba kung may nakakita sa amin sa pagsipa ko sa lalaking iyon. At nalaman na kung sino man na informant sa website.

Sinabi ko na din ang nangyari kina King at sa dalawang loka loka bago pa nag trending ang nangyari.

Tawang tawa sila. Parang wala naman sa akin.

" Anong gagawin mo ngayon?." Tumabi si Arem sa akin at umupo.

Ganoon din ang ginawa ni Lonele. Si King naman nakahiga. Kung nagtataka kayo.

Nasa Field kami ngayon. Sa lilim ng puno.

Napatingin ako kay Arem. Anong ibig sabihin nito?

" Ang gusto niyang sabihin Luneth. Anong gagawin mo ngayon baka umabot na iyon sa Harina na iyon at sumugod sayo. Sinaktan mo ba naman si Pres." Pagpapaliwanag naman ni Lonele.

Nagkibit balikat na lamang ako. Hindi ko din naman talaga alam. Bahala na ang mangyari.

Speaking of the Harina.
Napatingin kami sa kararating lamang na ulupong with her alalay.

Pinupukol ako ng masamang titig nito. Sorry na lang siya hindi ako natatakot. Biglang napa ayos si King. Habang sina Arem at Lonele naman napatayo.

Ako?

Nakaupo pa din. Parang pinapakitang wala akong pake kung andiyan man ang Harina.

" Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Arem.

" Siguro kahit na hindi niyo ako tanungin. Alam niyo ang dahilan ko sa pagpunta dito." She said it at hindi inalis ang tingin sa akin.

Nakita ko ang paglapit nito. Pero hinarangan lamang ito ni Arem. Hindi ko namalayan na nagtawag pa talaga ng audience ang ulupong na to.

Gusto nitong ipahiya ako? Well tignan na lang natin kung sino ang mapapahiya.

" Move Arem. Alam kong SC ka. Pero alam mo din ang kaya mong gawin para mapa alis ka sa pwesto mo bilang SC." Rinig kung pagbabanta nito.

Bigla yatang napantig ang tenga ko sa sinabi nito kay Arem. I really hate her guts. Matapang lang naman dahil sa pera. And her connection.

" Hayaan mo na yung Orangggutan Arem. Ngayon lang nakawala sa malaking hawla kaya ganiyan ka aggressive." Tamad kong saad na ikinatawa naman ng manonood.

" How dare you called me Orangutan. And How dare you kicked my man. You'll f@cking pay." She said.

" Oh. Hindi ka lang pala Orangggutan. Isa ka ding Bombay. Ilang libo na ba yung utang ko at mabayaran ko na." Sarkastikong sabi dito.

Nasobrahan yata yung blush on sa mukha. Pulang pula eh.

" Shut up. Anong karapatan mong saktan ang Rouge ko?" Galit na ani nito.

Gusto ko sanang mapa roll eyes kaya lang tinatamad ako.

Inangkin ba naman ang manyak na lalaking iyon. But I don't care. Sinabihan ko na silang huwag akong guguluhin. Pero ang Harina na to. P*ta.

" Stop it--------- Hindi na natapos ni Lonele ang sasabihin ng pigilan ko siya.

" It's okay Lonele. I will deal with her." Sabi ko naman kay Lonele. She just sigh and nodded.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon