32

29 2 0
                                    

King's POV

Agad akong lumapit kay Luna-este Luneth. Pagkalabas ng pagkalabas ng Prof. Isa ito sa minor subject namin. May pinapagawa ito sa buong klase. Isang proyekto. At hindi lang iyon simpleng proyekto dahil nakasalalay ang magandang grado namin.

Pinapagawa kami ng unique na bagay. Ewan ko ba sa Prof. Pero iyon ang gusto nito. Na gumawa ng isang kakaibang bagay. Pwedeng recycle o anything. Basta raw "unique" na bagay. Tsk. Feeling major ha.

Minsan hindi ko din naman maiwasang magreklamo. Kagaya ng pinapagawa ng Prof namin. Talagang pinahihirapan kami. Tsk. At indibdiwal pa ha. At talagang sumabay pa sa major subject ha.

Minsan nakakainis din.

" May naiisip ka na ba Luneth?" Tanong ko dito.

Napansin ko ang Lourd's Knight sa likuran nito. Lalo na yung L na nakatingin sa amin.

Bored naman tumango ito.

" Hindi nga?" Parang ayaw ko pang maniwala. Kaka announce lang ng Prof kanina tapos may ideya na siya. Sabagay siya si Luna. Likas na matalino ito at talented pa. Minsan nga napapa isip ako na hindi ito nagpatuloy sa pag-aaral. Sa dalawa sa amin siya dapat ang mag-aaral dahil alam kung may patutunguhan siya. Ang talino ba naman. Pero kung sa lagay na iyan. Talagang hindi na nito kailangan pang mag-aral. Parang Ang daming stock knowledge.

" Nagtanong ka pa kung hindi ka naman maniniwala." Ani na lamang nito. Napakamot na lamang ako sa batok dahil sa hiya.

" Hindi naman sa ganoon. Mabuti ka pa at nakapag-isip na. Ako wala pang ideya." Wika ko naman dito.

" If you don't mind. I will help you. Meron pa akong reserba." Saad naman nito na ikinaningning ng mata ko.

" Wow hulog ka talaga ng langit." Natutuwang saad ko.

" Kailan ba natin pwedeng simulan?" Tanong ko.

" Bukas. Pero samahan mo ako mamaya sa pagbili ng mga gagamitin. " Saad nito. Agad ko naman nakuha ang gustong sabihin nito. Kakailanganin ng alalay at ako iyon.

" Oo na. Bago ko makalimutan saan tayo gagawa?" Tanong ko ulit. Nadidistract ako sa Lourd's Knight na hanggang ngayon wala pang balak umalis. Tapos na ang klase at wala na din ang Prof. Talagang wala na silang rason pa na manatili. Ewan kung trip lang nila o di kaya may hinihintay at dito ang meeting place nila. 

" Sa bahay sana. Kaya lang alam kong madidistract ka lang sa pwedeng gawin dun. Alam ko ang hulma ng utak mo. Kapag pumayag akong doon gagawa. Baka isnag buong araw wala tayong mabuo na proyekto." Saad nito na ikina violent reaction ko naman.

" Hindi naman yata ganoon." Pagtatanggol ko naman sa sarili ko.

" Anong hindi? Iyon ang nangyayari once na tumapak ka sa bahay. " Kontra naman nito.

Pero wala akong magagawa kung iyon ang napagdesisyunan niya.

" Eh kung sa Condo na lang. " Suhestiyon ko naman.

Napatingin naman siya sa akin. Hindi lang pala siya. Ramdam na ramdam ko din ang isang titig na akala mo hinuhukay ang katauhan ko.

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang siya kung tumitig.

" Okay. Bibili na din ako ng pagkain para sa mga bata." Lun---Luneth.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Talagang hindi nito makakalimutan ang mga bata.

" Matutuwa ang mga bata. Alam mong miss na miss ka na nila." Saad ko.

" MAY ANAK KAYO?" Laglag panga naman kaming napatingin ni Luna sa dalawang ka taong sumigaw. Sa pagkaalala ko. Iyon ay sina Tironte at Noveth.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon