23

31 2 0
                                    


🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁

Lonele's POV

Napatingin kami sa Babaeng akala mo hinabol ng ilang malalaking aso. Pawis na pawis ito. Magulo ang buhok at pati na din ang suot nitong uniform.

Kaming dalawa lamang ni Arem ang nandito kaya tinext na din namin sila King na pumunta dito. Wala naman si Pres. Baka may pinuntahan.

" May kailangan ka ba Miss?" Tanong ni Arem. Nasa tabi na siya nito. At binigyan ng tubig. Halatang kailangan na kailangan.

Hingal na hingal ito sa pagtakbo. Mabilis naman iyong tinanggap ng babae at nagpasalamat.

" Miss Arem, Miss Lonele kailangan ko po ng tulong niyo." Mababakas ang  pag-alala dito.

" Ano ba yun?" Tanong ko.

" Yung Lando ho. Nangtitrip naman po. At yung kaibigan ko ang biktima nito ngayon. Please kailangan po kayo ng kaibigan ko. Baka anong gawin ng Lando na iyon sa kaibigan ko." Umiiyak na ito.

Narinig pa lamang ang pangalan na Lando na iyon. Marahas akong napatayo at napatingin kay Arem.

Delikado talaga kapag si Lando ang nangtitrip. Dahil hindi mo ito mapipigilan.

Kung nandito lang sana ang Warrior. Posibleng pang mapigilan si Lando.

Kaya naluklok ang Warrior. Upang mapa sunod ang mga kagaya ni Lando na matitigas ang ulo.

" Please Babae po ang kaibigan ko. Baka anong gawin niya dito." Bigla akong kinabahan sa narinig.

Yung huli biktima ni Lando na babae. Ayon na coma ng ilang buwan.

" Saan?" Nag-alalang tanong ko. Napatingin ako sa dalawa. Kay King at Luneth.

" Maiwan kayo dito. Pupuntahan lang namin ang kaibigan nito." Saad ko.

Hindi ko na hinintay pa na sumagot sina Luneth. Dali-dali kaming nagtungo sa kung saan man iyon.

Napasinghap ako ng madatnan namin ang sitwasyon. Nasa taas yung lalaking Lando ng babae. Habang hinuhuburan nito ng blouse ang Babae habang umiiyak.

F@ck.

Habang ang mga kasama naman ng Lando ayon tuwang tuwa. Merong mga taong usisero at hindi man lang pumigil sa ginawa ng hudas na Lando. Napakuyom na lamang ako.

Anong karapatan nilang gawin iyon sa mga babae!?

" Tigilan mo yan Lando." Matigas na sabi ni Arem.

Napatigil na lamang ito at napatingin sa kinaroroonan namin.

" Oh nandito na pala ang magiting na dalawang SC officer." Nakangising turan nito. Hindi pa rin ito umaalis sa pagpatong sa Babae.

" Pabayaan mo ang Babae." Malakas ko pa ding saad dito.

Napatingin ito sa biktima.

" At bakit naman? Alam mo naman siya yung natipuhan ko ngayon." Nakangisi pa ding saad nito. Gustong gusto kong alisin sa mukha nito ang ngisi.

Inamoy amoy pa nito ang Babae ng lalo akong magalit.

" Pabayaan mo siya sabi." Galit na turan ko. Hindi na ako nagsayang ng oras at lumapit sa kanila. Tinulak ito kaya napahiga ito sa semento. Kikilos na sa ang grupo nito ng pigilan nito.

Agad ko naman hinila ang Babae at inilagay sa likuran ko. Lumapit sa akin ang kaibigan nito at si Arem. Binigyan ni Arem ng jacket ang Babae.

Agad kong sinuri ang Babae.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon