17

31 3 0
                                    


🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁

Luna's POV

" Ayos ka lang?" Nag-alalang tanong naman ni Arem. Ilang beses na bang tanong nila sa akin iyan.

Kakatapos lamang ng klase namin ni King ng makitang ang dalawang to sa labas. Inaabangan talaga kami.

" Tsk. Don't mind her Arem. Wala yan sa kanya." Ani ni King. Si King lang naman ang nakakilala sa akin dito ng lubusan.

Ano bang pinag-uusapan namin?

Well naging trending yata yung video ng pakikipagsagutan ko sa Harina na iyon. Tapos yung ginawa ko pa sa Warrior.

My desperate act daw. Yun ang  #Nerddesperateact. At alam ko naman kung sino ang pasimuno non. Tsk. Akala niya papansinin ko. Bahala siyang pumuti ang uwak sa kakahintay. Tsk.

Alam ko naman ang gustong mangyari ng Harina na iyon. Ginawa nitong ipa-trending at baliktarin ang nangyari.

Dahil daw sa kagustuhan na mapansin ako ng Warrior. Nagpanggap akong hindi sila kilala.

Papansin daw ako. Dahil di ko madala sa cookies. Pinasok ko naman ang pag-arte.

Mas nababagay sila maging author. Ang galing nilang maghabi ng kwento.

Marami pang kontrabida comment. Hinayaan ko na lang.

Tsk. Gusto lang naman ako ipahiya at magkikimi akong sugurin ko siya. Tsk. Panis na yung plano nito. Hindi ko papakin ang trap ng Isang Harina.

Eh parang wala nga lang nangyari sa akin. Tapos itong dalawa maka react akala mo sila ang nasa video. Tapos iisa lang yung tinatanong ha.

Ayos ka lang?

Bakit hindi. Tsk. Eh totoo naman hindi ko sila kilala.

Mga tao nga naman.

Napabuntunghininga na lamang ang dalawa. Sila pa yung galit na galit imbis na ako.

" Sorry hindi namin maiwasang mag-alala sayo. Tsk. Mali mali naman kasi ang paratang sayo. Tapos ikaw imbis na itama hinayaan mo na lang. Kaya ganoon ang isipin ng mga tao." Ani ni Lonele.

Nagkuha ko naman ang gusto nilang sabihin.

" Just don't mind them." Sabi ko na lang. Napagpasyahan naming lumabas ng University dahil break naman namin. Tamang tama naman at walang teacher sina Arem.

Pero nakaramdam yata si Lonele ng tawag ng kalikasan. Kaya sinamahan namin sa Comfort Room. Si King naman gumamit na din ng Cr for boys.

* Sigh

" Fine. Pero kapag kailangan mo ng tulong nandito lang kami." Wika na lamang ni Lonele.

Tumango naman ako ng hindi na sila mag-isip pa.

" Huwag niyo ng pagtuunan ng pansin ang mga iyon. Iyang uno numerong topic ng video hindi nga nagrereact tapos kayo nagpapa stress." Dagdag pa ni King. Bago ito humiwalay dahil narating na namin ang Comfort Room.

" Mawawala din iyang usapan." Pampalubag loob pang sabi nito sa dalawa. Nagawa din naming pumasok ng Comfort do girls. There are 6 cubicle in here. Nakatalikod akong sumandig sa sink at sa malaking salamin. Habang katabi ko naman si Arem at sinusubukan ayusin ang sarili. In short nagpapaganda.

Pumasok naman si Lonele sa Isang cubicle.

" Tsk. Nakakagigil kasi. Tsk. Totoo namang may Amnesia tong si Luneth. Anong #nerddesperateact? Anong gusto nilang sabihin na binangga mo ang kotse dahil plano mo iyon? Dahil sa desperada ka daw nagpapansin sa Warrior kaya ginawa mo iyon. Mga tao nga naman. Hindi man lang tignan ang bawat side bago humusga." Hindi pa rin maiwasang magkomento ni Arem.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon