31

33 2 0
                                    

Luna's POV

*Pak

" Aray naman!. Kanina mo pa ako binubugbog ha. Nakakarami ka na." Angal ng walanhiyang si King. Tsk.

Kaya pala hindi ko na nakita ang loko. Na una na kanina sa Cafeteria. Tsk.

Nakita ko naman ang pagtawa nina Arem at Lonele. Siguro natawa sa ginawa ko kay King. Kanina ko pa kasi iyon ginagawa sa loko. At talagang nakakarami na ako. Pero hindi pa din sapat iyon dahil sa nangyari kanina.

" Pfft. Ano ba kasing nangyari King at mainit ang dugo ni Luneth sayo?" Curios na tanong ni Arem. Talagang binulabog namin ang dalawa. Kahit abala ang mga to. At kagaya noon hinintay lang namin na pumatak Ang oras ng break nila ng makasabay sila sa amin. Well usual andito yung grupo ng Warrior. Pero yung dalawang bruha lang naman ang pinunta ko dito kaya patay malisya na lang kami ni King sa iba.

" Tsk. Hindi ko naman kasi sinasadyang iwan yan. May Kasalanan pa nga iyan. Tawagin ba akong bakla." Paliwanag naman nito sa dalawa. Sinamaan ko naman Ng tingin ang loko.

Ako pa ang sinisi? Bakit sino bang na una sa amin? Siya kaya.

" Eh sino bang nagsimula ha? Syempre babawi talaga ako dahil tinawag mo akong Tomboy." Inis ko naman sabi. Na akala mo kaming apat lang nandito.

Napakamot na lamang ng ulo si King. At hinarap ang dalawa.

" Ganito kasi iyon. Tinukso ko siyang Tomboy. Bakit? Trip ko lang. Sa sobrang inis hinabol ako nito. Kaya tumakbo na din naman ako. Alam ko kasi once na maabutan ako nito sapok ang aabutin ko. Tapos ayon nga naghabulan kami. Hanggang tinawag naman nitong bakla ako. Napikon din ako at nagkabaliktad ang sitwasyon namin. Ako na yung naghahabol habang siya naman tumatakbo palayo sa akin. Alam kong hindi siya magpapahuli kaya nag-isip ako ng ibang daan. In short nag short cut. At nauna ako sa Cafeteria. Hindi ko na din alam ang nangyari sa kanya. Plano ko ba naman na gulatin siya. Pero ako yung nagulat ng sapukin ako nito pagpasok nito ng Cafeteria." Paliwanag nito na ikinatawa naman ng dalawa. Alam kong nakikinig naman ang iba pa. Hinayaan na lamang namin.

" Hindi siguro nito namalayan ang pagkawala ko. Eh malay ko ba sa dinami dami na nakabangga eh. Si L pa kasama yung Lourd's Knight. Hindi ko alam ang buong nangyari. Pero alam kung may nangyari dahil ako ang sinisisi nito. Tsk." Dagdag pa ng loko na ikinahinto naman ng tawa ng dalawa at ikinatingin ng Warrior sa pwesto namin.

" What? Yung Lourd's Knight? Bakit anong ginawa nila sayo Luneth?" Nag-alalang tanong naman ni Arem.

" Ayos ka lang ba?" Lonele

" Don't worry. Ayos lang ako. Wala naman silang ginawa. Tsk. Ikinainis ko lang yung feeling close ng mga iyon. Tsk." Saad ko naman na parang wala lang.

Talagang nainis ako lalo't na love life ko iyon.

" Hindi ka man lang natakot? At nagawa mong pagsalitaan sila ng ganyan?" Naagaw ang pansin namin ng magsalita si Alora.

" Yeah. Alam mo ba kung sino sila?" Elyne.

Tumango naman ako.

" Pero bakit------

" Tao pa din naman sila." Isa lang naman ang kinatatakutan ko. Ang pagising ko na wala na talaga ako sa mundong ibabaw. Ani ko na lamang at sumubo ng pagkain.

" Hindi porket natatakot sila. At kayang kayang gawin ang anuman. Talagang magpapadala ka na lang sa takot." Dagdag ko pa. Hindi yata nila inaasahan ang lumabas sa bibig ko.

" At alam ko naman kapag wala kang ginawa. Wala naman silang gagawing masama sayo." Ani ko pa. Na ikinatahimik na lamang nila.

" Eh parang galit na galit ka kanina?" Hindi maiwasang magtanong ni King.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon