8

34 3 0
                                    


🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁

Matthew's POV

May benepisyo din pala ang pagsama sa camping camping na iyon. Ayaw ko sanang sumama. Pero attendance is a must ang peg ng school. at bilang scholar. Kailangan kong salihan iyon. Hindi lang kasi sa extra-curricular. Kailangan ko ding gampanan ang pagiging scholar. As in assistant or ano pa ang pwede kong maitulong. At two weeks iyon. Kakauwi ko lang. Akalain mo madami akong na iuwing pagkain. Naku naku masusurprise ang babaeng iyon.

Mukhang masasarap pa naman. Nga pala Matthew Lenora.

King ang bansag sa akin ni Luna. Ewan ko ba dun. Kung ano ang pumasok sa isip. Ang layo ng King sa pangalan ko.

Isang scholar. I tried to pursue Luna to attend the school. Hindi naman siya mahihirapan dahil biniyayaan iyon ng talino. Pero sabagay sa talino ni Luna okay lang din na hindi ito mag-aral.

Hindi naman sa pagmamayabang matalino din naman ako hindi nga lang kasing talino ni Luna.

Siga akong tignan. Pero hindi ako gangster ha. Marunong lamang makipaglaban pero lilinawin ko. Hindi ako gangster. Ganoon din si Luna. Atapang na Babae lang iyon. Maangas at cool pumorma. Pero katulad ko hindi din to Gangster.

Siguro iyong marunong makipaglaban namin ay dahil lamang sa gusto lang mapa protektahan ang sarili at ang isat-isa.

Well kami na lamang yung magkasama. Sino ba pa ba ang magtutulungan kundi kaming dalawa ni Luna. Lumaki ba naman kami sa squatters area. Bawat minuto may gulo. Ma swerte ka lang kung di ka masali. Pero kapag tadhana na ang naglagay sayo. Syempre kailangan mong lumaban.

Puno ba naman ng sanggano ang lugar namin.

Dali-dali akong umuwi sa bahay. Nakikita ko ang mga taong parang simpatya sa akin.

Ano kaya nangyari sa kanila. Ang weird ng mga tao ngayon. Lalo na ng huminto ako sa isang tyangge. At bumili ng pampatulak. Abat? Syempre meron pagkain dapat kumpleto noh.

" Alam kong mahirap iho. Pero huwag ka sanang mawalan ng pag-asa. Kailangan mong magpatuloy na mabuhay." Naguluhan man ako sa pinagsasabi nito. Tumango na lamang ako.

Naging malapit din ito sa amin. Well suki ba naman kami kung umutang. Gusto ko sanang biruin si Manang. Kaya lang ng marinig iyong sinabi nito. Hindi na ako nagtangka pa. Mukhang may iniisip kasi si Manang.

Naisipan kong magpaalam na dito at miss na miss ko na ang Babaeng iyon.

Natauhan ako ng biglang maramdaman ang yakap may kasama pang sigawan. Agad kong nakilala ang mga to. Sila macmac pala.

Niyakap ko pabalik ang mga to at planong babatiin. Kaya lang napahinto ako ng makita ang mukha ng mga to. Normal na sa akin na iukhang gusgusin ang mga to. Ang ipinagtaka ko lang kung bakit umiiyak ang mga to.

" Oh anong nangyari sa inyo? May umaway ba sa inyo? Ituro ng maturuan ko ng leksyon." Saad ko naman sa kanila. Habang pinatatahan. Agad naman silang nagsi-iling.

" H--hindi p---po d---da-hil d---u--un." Umiiyak na saad ni Aya.

" Saan po ba kayo nanggaling Kuya K.?" Tanong naman ni Boknoy. Umiiyak din ito kagaya ng iba.

Kuya K ang tawag ng mga bata sa akin. K short for King.

Napakamot naman ako ng ulo.

" Pasensya na kayo kay Kuya K. Two weeks akong nawala. Alam niyo naman nag-aaral ng mabuti si Kuya ng makahanap ng magandang trabaho. Nang sa huli magkaroon si Kuya K, Ate Ganda at kasama na kayo ng magandang buhay." Sabi ko.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon