5

39 3 0
                                    


🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁

Luna's POV

" Kyaaaah. Lodi matagal ka bang naghintay?" Napatingin ako sa babaeng lumapit sa akin.

Nagtataka ako sa mga nangyari sa akin ilang araw. Simula noong makilala ko ang babaeng nasa harapan ko.

" Hindi naman. Let's go." Daldal ko na hindi ko naman ginagawa noon. Gusto kong tahimik palagi. At hindi palasalita. Mainitin din ang ulo ko. At madaling ma bored. Hindi din ako friendly.

By the way I'm Luna Sevilla. Isang commoner. Hindi iyon kinahiya. Dahil iyon naman talaga ang kinalakihan ko. Palagi akong napapagkamalan na tomboy. Dahil sa pagkasiga ko. Wala naman akong pake dun basta wag lang akong pakealaman.

I'm 19 years old. Pero hindi ako nag-aaral. Gusto gusto ko man noon. Pero nawalan na ako ng gana ng lumipas ang ilang taon. Kailangan kong buhayin ang sarili ko. Eh pang tustos pa nga lang sa pagkain ko kulang na. I have my friend Matthew. Pero hindi ko lang siya kaibigan. Kundi kapatid, kasangga at naging pamilya ko na din. I called him King. Yan ang binigay ko na nickname nito.

Pareho kaming lumaki sa kahirapan. Yung walang wala talaga. But Matthew choose to attend school. Isa itong scholar. Nagpapartime ito upang matustusan ang iba pa nitong kailangan.

Isa rin sana akong kagaya ni King. Pero nireject ko ang pagiging scholar. At minabuti na maging taxi driver.

Mailap ako sa tao. Kaya nga nakakapagtaka when I save Luneth. Parang madami ang unti-unting nagbago sa akin.

Siguro magugulat si King na palakaibigan na ako. Na magawa ko nang ngumiti sa harap ng ibang tao.

Sanay kasi si King na sa kanya lang lumalabas ang totoo kong ugali. Malayo sa kung ano ang nakikita ng karamihan.

" Maayos na ba ang paa mo?" Tanong ko sa kanya.

Naramdaman ko ang paglingon nito.

" Kyaaaah. Thank you Lodi sa pag-alala." I cringed the word Lodi.
Pero kahit na ayoko. Nagawa nitong mapilit ako sa itatawag nito sa akin.  No choice. Hindi ako makatanggi sa hindi ko alam ang dahilan.

" But I'm okay na." She said.

" Saan mo gusto magpunta?" Tanong ko dito.

Nakita kong napa isip ito.

" Hmm. Saan nga ba? May alam ka ba?" Pabalik nitong tanong.

" I have." Saad ko at nagmaneho pa punta dun. Ilang minuto din narating namin ang park.

Masayang lumabas ito ng kotse. At agad na hinila ako.

Nag-alala pa naman ako kanina na baka katulad siya ng ibang anak mayaman. Pero nagulat ako sa nangyari.

Parang bata itong naglibot. At daldal ng daldal ito. Sinamahan ko lang siya at nakinig sa mga sinabi nito.

Hanggang sa napatigil ako ng makitang pamilyar na mga bata.
Agad na nagsilapitan ang mga to.

" Waaah. Ate Ganda." I heard them said it. At niyakap ako.

Niyakap ko din sila pabalik. Hindi naman talaga na wala akong pakialam sa paligid. Nakita ko ang mga batang to. At alam na alam ko ang paano na mabuhay ng walang wala. Ang hirap hirap non. Kaya nga pilit kong binibigay ang magpapasaya sa mga batang to.

" Kamusta na kayo?" I asked them.

Matagal ko na ding hindi sila nakikita dahil abala ako sa pagtatrabaho. At alam ko sila abala din sa panglilimos. Ang saklap ng buhay noh?

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon