2

51 3 0
                                    

Luneth's POV

Kakatapos lang ng klase namin. Kasama ko sina Alora at Elyne.

" Saan kayo?" Tanong ko sa kanila.

Agad naman silang nagkatinginan.
Nagliligpit ako ng gamit ng lumapit ang mga to sa akin.

" Punta tayo ng Cafeteria. Nandoon sila." Rinig kong saad ni Alora.

Napatigil naman ako. Kaya nagtataka silang napatingin sa akin.

" Kayo na lang siguro. May iba pa akong pupuntahan." Saad ko agad.

Alam kong tinutukoy na sila ni Alora. Ibig sabihin lang naman nun kasama nila ang ka gang nila. Which kasama na siya.

Yung lalaking lihim kong minamahal. No. Hindi naman talaga lihim.

Dahil alam na alam iyon ng lahat.

" Dahil ba sa kanya!?" May alalang sabi naman ni Elyne.

" Kahit na di ka kumibo. Alam namin ang dahilan." Wika naman ni Alora.

" Pero saan ka na naman pupunta?" Tanong ni Elyne.

" Hindi ko din alam. Pero mas gugustuhin ko na lang na iwasan siya. Alam mo naman lumipat siya ng ibang sekyson dahil alam ko na naiirita at ayaw ako nitong nakikita." I said to them.

Kaklase ko siya kasama ang ibang ka gang nito ng tatlong taon. Pero siguro napuno na ito at naisipang lumipat ng hindi ako makita ng tuluyan.

Sa lahat ng ka gang niya naiwan lang si Alora at Elyne dahil syempre kaibigan ko sila.

Pero nagagawa pa din nilang magsama kapag kumain ng Lunch.

" Okay lang talaga kahit mag-isa ka lang?" Tanong naman ni Alora.

Tumango lang ako. At binigyan ng ngiti na " I'm okay" kahit na na hindi.

Aalis na sana sila ng bigla kong maalala.

" Sandali Alora." Pigil ko dito at Dali daling may hinanap sa bag ko.

Naalala kong nagbake ako ng cookies para sa kanya. Kulang ako sa tulog dahil din dun. Syempre gusto kong masarap yun at magugustuhan niya.

Agad kong nilabas ang Isang Tupper ware.

Inabot ko yun kay Alora.

" Pakibigay sa kanya." Maikling saad ko.

" Hindi naman sa ayaw kong ibigay to Luneth. Pero alam mo naman kung anong ginagawa niya sa binibigay mo diba?" May pag-alalang saad ni Alora.

Tumango naman ako. Na para bang nakuha ang gustong sabihin nito.

Well ilang effort na ba ng pagbabake ang na sayang niya? Alam ko naman na saan pupunta ang Tupper ware na may lamang cookies na iyon kundi sa basurahan.

Pero kahit ganoon ang nangyayari. Hindi ako nagsisisi. Gusto kong iparamdaman ang totoo kong nararamdaman sa kanya sa pamamagitan ng cookies.

Sanay na akong masaktan at disappointed sa pinagagawa niya. Pero wala akong magagawa kung siya yung laman ng puso ko. Hintayin ko na lamang na mapagod ang puso ko at handang tumibok para sa ibang lalaki.

" Okay lang. Dalawa iyan. Ibigay mo sa kanya yung isa. Sanay na ako kung itapon niya. Yung isa gawa ko para sa inyo." Saad ko.

" Huwag kayong mag-alala. Mapapagod din ako. Malay niyo sa susunod hindi na ako mag-eeffort pa magbigay sa kanya. Pero sana ngayon hayaan niyo na lang ako." Dagdag ko pa.

" Salamat." Saad ng dalawa at umalis.

Hindi ko alam palakad lakad lang ako sa buong University.

Hanggang sa may humarang sa akin.

Napatingin ako dito. The self-proclaim Queen Bee at Alipores nito.

Narina Altero.

Dahil ayaw ko sa gulo.

Iniwasan ko lang ang mga to. Pero hindi ako nakaligtas sa mahigpit na hawak ng Queen Bee sa braso ko.

" Atlast nakita din kita." Rinig kong sabi nito.

*Pak

Naramdaman ko na lamang ang sakit sa pisngi ko. Sinampal ako nito. Wala naman akong magawa kundi ang mapayuko.

Narinig ko naman ang hiyawan ng mga kasama nito.

She deserved it. Ang landi kasi.

Sinabi mo pa girl. Akala mo kung sino.

Hindi porket friend niya sina Alora at  Elyne. Magagawa niyang makalapit sa gang ni Rouge.

 
Hindi ba siya nahiya! Ilang beses na ba siyang nirejected ni Rouge. Tapos hindi pa rin tumitigil!?

" Ang kapal naman ng mukha mo. Gusto mo ba talagang masaktan?." Nangagailiting sabi nito.

" Ilang beses ko nang sinabi na tigilan mo ang Rouge ko. Hindi ka talaga papigil." Saad pa nito at napaatras na lamang ako ng maramdaman ang pagtulak nito sa akin.

" Makapal talaga siguro ang mukha Queen. Ilang beses na ba yan pinapahiya ng Rouge mo. Pero hindi pa tigil sa pagiging desperada." Rinig kong saad naman ni Tierra. Isa sa mga alalay niya.

" Tsk. Kahit ano pa naman gawin niyan hindi naman yan pagtutuunan ng pansin ng Rouge mo Queen. Kung ikukumpara kayo wala yang binatbat sa ganda mo." Dagdag naman ni Mia.

" I agree with you Sis. Ang ganda ganda ng Queen natin. Tignan mo nga oh. Nagmumukhang alalay siya katabi ang Queen natin." Mayeth.

" Kaya kung ako sayo Queen huwag mo nang pag-aksayahan ng oras yan. Baka hinahanap ka ng Rouge mo." Wika ni Yani.

" Tsk. Nakakainis lang ang babaeng to. Alam kong wala na naman sa mood ang Rouge ko dahil sinira na naman ng Babaeng to. Ginamit pa talaga ang mga kaibigan. Mabuti na lang at tinapon lang iyon ng Rouge ko." saad ni Narina.

" Tsk. Sa susunod na guluhin mo ang Rouge ko. Hindi lang ito ang mararanasan mo. Let's go girls." Dagdag pa nito.

Mabuti na lang at agad silang umalis.

Baka kung hindi. Hindi lang sampal ang matanggap ko.

Masakit pa naman ang sampal nito.

Wala akong nagawa kundi ang magtago sa University na hindi gaano pinupuntahan ng mga estudyante.

I just stay there.

Mabuti naman ilang oras din nakapagpahinga ang katawan ko.

Malayo sa pangbubully at panghuhusga. Bumalik lang ako nang malapit nang maubos ang oras ng break.

Pagkapasok ng Klase. Agad kong nakita sina Alora at Elyne. At hindi na bago ng mapansin nila ang mga pasa o anuman namumula sa katawan ko.

At dahil ayoko naman mag-alala. Nang magtanong kung ano nangyari sa pisngi ko. Gumawa lang ako ng ibang dahilan.

Baka ano naman ang naisipan nilang gawin. Sina Alora at Elyne ba naman?
Sa ilang taon na pagkakaibigan namin. Kilala ko na ang mga yan. Kahit na marami kaming pagkakaiba.

Naging magkaibigan kaming tatlo.


LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon