29

33 2 0
                                    

Arem's POV

Kakaalis lamang nina Luna at King. Magkasama kaming kumain ng lunch. We're really happy that we have friends like them.

Naguiguilty din kami ni Lonele dahil masyado kaming busy at hindi sila nakakasabay ng ilang araw. Mabuti na lamang at naisipan ng dalawa na puntahan at dalhan pa talaga kami ng Lunch.

Kinakailangan nilang umalis dahil may pasok sila. Kami naman ay excuse sa bawat klase namin. Perks of being SC members.

We eat our lunch in the office with Warrior. Alam kong naiilang si Luneth. Pero hindi niya iyon pinapahalata. Talagang pinagbigyan niya kami ni Lonele na dito na lamang kumain. Ayos lang naman sa Warrior kaya grab the opportunity ang peg namin.

" You're lucky to have friends with them." Naagaw ang atensyon namin sa tinuran ni Elyne.

Nagkatitigan kaming dalawa ni Lonele. At napangiti sa tinuran ni Elyne.

" Yeah. We're lucky indeed." Nakangising sabay na sabi namin ni Lonele.

Sinubukan ni Elyne na ngumiti. Pero mahahalata pa din ang lungkot dito. Hindi ko alam kung bakit.

Ilang araw pa iyan. Nalaman namin may hang-over sila ng pumasok sa SC.  Kaya pala dahil sa HQ nila sila natulog.

" What's the relationship between them?" Alora asked those questions. Para kasing may nakita ito sa phone.

Hindi naman ako nagkamali ng may ipinakita ito sa amin. Nagtatakang kinuha namin at tinignan.

It was King and Luneth. Nakaidlip si King, naka sandig ito sa pader.  Habang nakaunan naman si Luneth sa lap nito. Nakatakip ang palda nito ng hindi masilipan. And we know that it was Matthew's jacket. Ang kamay naman ni Matthew nasa buhok ni Luneth na para bang hinahaplos ito.
Ang sweet nila tignan. They're look like a couple.

Napatili kami ni Lonele.

" Ang sweet nilang tignan. Sayang at hindi natin naitanong ang picture na to sa kanila kanina." Komento ko naman.

Gustong gusto ko silang inaasar. But we know that they treat each other as brother and sister. Sayang nga. Bagay na bagay sila. Pero hanggang lang yun.

" So what's their relation?" Napatigil kami na yung taong hindi namin inaasahan ang magtatanong ng ganoong bagay.

Sino pa ba? Edi si Rouge.

Nagtataka naman ako sa kinilos nito. Sa pagkakaalam ko wala itong pakialam lalo na kay Luneth.

" Hmm. They always tell us that they are just friends. But we know that they are special to each other." Sabi ko naman na ikinasang-ayon naman ni Lonele. Nag-aalangan pa akong sagutin ito.

" At isa pa kung magiging sila. Wala namang problema. Bagay na bagay nga sila." Dagdag ko pa.

Single naman si King habang si Luneth single din naman. Alam kong may gusto ito noon kay Rouge. Pero tadhana na yata ang nagdesisyon. Hindi para sa isat-isa si Rouge at Luneth. Dahil nagawang kalimutan ni Luneth si Rouge.

Hindi ko maiwasang ma curios sa pwedeng mangyari sa buhay ng isang Luneth. Well tama na yata yung pasakit mula sa taong hindi naman kayang ibalik ang nararamdaman.

Hindi ko sinasabi na gusto ko yung nangyaring aksidente kay Luneth. Pero siguro yung aksidente ang paraan ng tadhana na mag let go si Luneth and find someone.

Ang tatanggapin talaga siya at mamahalin.

" Hmm. Maybe you didn't know that man is taking advantage of your friend? Alam naming may amnesia ito. Alam niyo ba kung saan nito nakikila ang lalaking iyon?" Natauhan naman ako bigla. At hindi makapaniwalang napatingin kami ni Lonele sa kanya.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon