33

29 2 0
                                    

Luna's POV

Masamang napatingin ako sa tatlo. Imbis na bigyan nila ako ng magandang salita. Aba't? Pinagtatawanan ba naman ako.

Sino bang tinutukoy ko? Si King lang naman  at ang  dalawang bruha. Yeah. Yung dalawang akalain mo yun. Nandito sila.

Ano bang nangyari?

" Meron ba kayong napapansin?" Hindi ko maiwasang ibukambibig.

Napatingin naman ang tatlo sa akin. Naka kunot ang mga noo. Alam kong isa lang naman ang tumatakbo sa isip ng mga to.

" Napapansin? Kanino?" Tanong naman ni Arem na para bang walang laman ang baba nito. Sinamaan ko ito ng tingin. Nagpeace sign lang ang bruha.

Nakatambay kami ngayon sa gilid ng field.

" Sa sinabi niyo malamig itong makitungo sa mga tao. Pero iba naman  yata ang pinapakita nito." Saad ko at bumalik sa isip ko ang mga encounter namin.

" Sino bang tinutukoy mo?" Si Lonele naman ngayon.

" Nakakapagtaka lang kasi. Tsk. Kung makaka encounter ko ito mas madaldal pa sa akin." Dagdag ko.

" Sino nga?" Sabay na sabi na tanong ng dalawang bruha na akala mo inip na inip na.

Nakuha nila ang atensyon ko.

" He is known as L." Panimula ko.

Natigilan naman sila.

" Ang ibig mong bang sabihin yung leader ng Lourd's Knight na si Ellourd?" Mahinang tanong ni Lonele. Na akala mo bang may makakarinig sa kanya sa sinabi nito.

Tumango naman ako.

Napatingin silang tatlo sa akin. Maya-maya'y humagalpak. At hindi ko iyon inasahan.

" Sorry Luneth. Pero nakakatawa ka pala minsan." Komento ni Arem.

" *Chuckled. Yung isang L madaldal? Namamalikmata ka lang yata Luneth." Dagdag naman ni Lonele.

" Baka naman napagkamalan mo lang si L yung manliligaw mo?" Nanunukso naman ni King.

End of flashback.

Mula kanina hindi matigil tigil ang tawa nila.

" Tsk. Bahala kayo." Bagot ko namang saad. Tamang tama at narinig namin ang bell ng ring. Walang maganda ang dalawa kundi ang umalis. Kami naman nagtungo na sa sunod naming klase.

Hindi ko na pinansin ang lokong King.  Alam ko namang tutuksuhin na lamang ako nito. Kaya mabuti pang dedma na lang.

Tahimik naming binaybay ang daan. Hanggang sa narating namin ang room. Nagtungo ako sa upuan ko at umob-ob. Ganoon din ang ginawa ni King.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon