49

17 0 0
                                    


A/N: Pagpasenyahan niyo po yung Luna at Luneth. Minsan nagagamit ko Luna at minsan din Luneth. Kung ano man po ang gamit ko. Yung Luna at Luneth iisa lang po ang meaning nun.  Yung totoong Luneth may part sa simula ng kwento pero ng mangyari ang insidente. Nawala siya bigla. Ibig sabihin po si Luna pa lang ngayon sa kwento.

Luneth's POV

Naging mainit ang laban pagsimula ng third quarter. Yung pitong abanse ng team namin unti-unting nahabol hanggang sa dalawang puntos na lang ang lamang.

Kaya nag decide ang Coach ng team namin upang ipasok si L. Kaya ito malapit nang mabasag ang eardrums ko sa hiyawan at tilian ng fan girl niya.

Si L ang may hawak ng bola ng mag double team up ang kalaban. Mahigpit itong binantayan ng dalawang kalaban. But he smoothly passed those two. At tumira kaya naka score ito.

Napatingin naman ito sa pwesto namin. Kaya ayon naka tanggap naman ako ng siko sa tabi ko.

" Mukhang para daw sayo ang tirang yun." Tukso ni Arem.

" Tsk." Yan na lang na sabi ko.

" Ang haba ng hair natin ah. Arem please huwag mong apakan yung napakahabang hair ng kaibigan natin?" Dagdag naman ni Lonele na ikinatawa nila.

Hindi ko na lang pinansin yun.
At nagpokus sa laro.

Nasa kabilang team ang bola.
Huwak ng Isa sa kanila ng harangan ito ni King. Nang hindi nito nakayanan lampasan si King ipinasa na lang nito sa Captain nila. Siya yung tinawag na Ran ni Lonele kanina. Siya din yung muntik ko ng makabangga.

Si L ang nakabantay dito. At mukhang nababasa ni L ang kalaban. Madali nitong nakakasabayan na ikina hiyawan ng maraming tao.

Well may panama din naman si L. Parehong di papatalo ang dalawa kaya mainit ang laban between them.

Hanggang sumugod si L sa kalaban. Kinuha ang tyansang yun ng kalaban. Umatras ito at umikot. Tumalon ito at planong titira para sa 3 point shot. Akala nito siguro na isahan nito si L. Pero yun ang mali niya. He planned it but L found out about his plan. Sinakyan nito ang Plano para isipin na na isahan siya ng kalaban.

Sa huli na napigilan ang pagshoot nito. Nagawang matapal ni L ang pag 3 point shot ng kalaban.

Tumawag din ng time out ang coach ng kalaban.

Mabilis natapos ang time out. Agad nagsibalikan ang mga players sa gitna ng court.

Si King may hawak ng bola. Ipinasa nito kay Lethal. Hanggang sa may humarang kay Lethal. Sinubukan nitong harangan or agawin ang bola. Hindi naman yun hinayaan ni Lethal. Hanggang sa naisipan nitong lampasan ang kalaban pero di inaasahan ni Lethal na susulpot bigla ang Captain ng kabilang team. At nasambot nito ang hawak na bola ni Lethal. Nakasalo ang ka team mate ng kalaban. Ipinasa nito sa pinaka dulo na kasama. Mabilis itinakbo niya ito. Dahil malapit siya sa kanilang points area di na siya na habol at yun naka score sila.

Napuno din ng hiyawan ng supporter ng kabilang team.

Magagaling at mainit ang laban pero sa huli. Nanalo pa din ang team namin. Muntik na ngang mahabol ang score. Pero ng mag 3 points si L. At 3 points din ni King. Walang nagawa ang kalaban. Nagkainitan pa ang laro mabuti na lang at napigilan ang pwedeng mangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon