38

29 3 4
                                    


Luna's POV

" *Kyaaaaah. I miss you Luneth."

" *Kyaaaaah. Ako din. Na miss ko kayong dalawa ni King."

Tumatalong saad naman ng dalawang bruha. Sino pa nga ba?

Si Arem lang naman at Lonele. Ang higpit higpit pa ng hawak ng dalawa habang yakap yakap ako.

Tsk. Maka react naman ang mga to akala mo kakalabas lang ng hawla. Hindi maiwasang mapatingin ang ilang estudyante dahil sa mga baliw na to. Napatingin ako kay King. Nakangisi lang ito. Parang tuwang tuwa pa sa nangyari.

Mabuti na lamang at kinalas din naman nga mga to. Baka di ako maka pigil. Pagsasapukin ko ang mga to.

But I'm happy to know na natapos din nila ang kailangan nilang gawin bilang SC. Kahit hindi ko aminin. I missed them. Pero hindi ang kalokohan nila.

" Oh bakit ganyan ang mukha mo Luna?" Arem asked.

" Ano kaya sa tingin mo ang dahilan?" Balik ko naman tanong sa kanya.

Napakamot na lamang ito at para wala talagang alam.

Napatingin ang lahat kay King.

Sinamaan ko naman ito ng tingin.

" Huwag mong sabihin inaway ka ng lalaking to?" Arem at tinuro pa talaga si King. Gusto ko sanang paikutan ng mata ito. Kaya lang naalala kong wala pala iyon sa vocabularyo ko.

" Bakit nasama ako diyan?" Sali naman ni King.

" Nakakalimutan niyo yata na sa aming dalawa. Ako ang kawawa at siya naman ang bully." Pagtatama ni King.

Natigilan at maya-maya'y napahagikgik ang dalawang bruha.

" Oo nga pala noh. Ito lang yata ang makakabully sayo." Lonele at may pa hampas hampas pa sa likod ni King na parang nakikisimpatya.

" Sinabi mo pa." Sulsol pa ng loko.

Rinig ko din ang tawa ni Arem. Napa iling iling na lamang ako. Parang pinagmumukha naman nilang kinakawawa ko ang lalaking to. At isa naman to papaawa effect.

Tinalikuran ko na lamang sila at iniwan. Narinig ko pa ang tawag nila. Kaka break lang ng klase namin ni King. At nagkataong nakasalubong namin ni King ang dalawa.

Luneeeeeeeth ang daya mo. Bakit mo naman kami iniwan?

Oo nga. Hintayin mo kami.

Ang lalakas ng boses ng mga baliw. Nakakahiya kaya. Imbis na tumigil at hintayin sila. Mas pinili kong maglakad at magtungo sa cafeteria. Alam kong susundan din naman ako ng mga to.

Tahimik akong pumasok ng Cafeteria. At kahit alam kong nasa akin ang atensyon ng ibang estudyante. Binalewala ko na lamang iyon. Ano pa ba ang bago. Tsk.

Naghanap ako ng bakanteng Mesa. I put my things on the table and I'll go to the counter. Hindi ko na hihintayin ang tatlo. Bahala sila.

Ang tatanda na ng mga iyon. Ilang minuto din bago ko nakuha ang order ko. Tahimik na bumalik ako sa mesa ko. Pero bago makalapit sa mesa. Natigilan ako ng mapagtantong may naka upo doon. Hindi lang Isa. Marami sila.

Tahimik akong lumapit sa kanila. Nang makita nila ang paglapit ko. Natigilan ang mga to at napatingin sa akin.

Naramdaman ko ang paglapit ng tatlo sa likuran ko. Pero nakatuon ang pansin ko sa mga taong nasa mesa. Ramdam ko din ang mga kakaibang titig. At alam ko dahil sa kanila yun.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon