37

29 3 0
                                    

Luna's POV

" Hi!" Naagaw ang pansin namin ni King ng merong sumulpot sa harap at bumati. Kasabay nito ang biglang pagtahimik ng buong klase.

At isa lang naman ang dahilan. It was L.

Gusto kong mapamura dahil nasa amin ulit ang atensyon ng lahat. Which I really hate it. Hindi ko na lamang pinansin pa to.

" Wala pang teacher?" Tanong pa ng walanhiya ng magawang umupo sa upuan. Hindi na ako lumingon pa. Malay mo ibang tinatanong nito. Nagkatinginan kami ni King. Normal pa din naman ang emosyon nito. And we continued what were talking earlier. Pero agad din yung naputol ulit.

Nakaramdam ako ng kublit mula sa likuran. Kaya napalingon ako dito. Ganoon din ang ginawa ni King.

Nakatunghay na mukha ng isang L ang sumalubong sa akin.

" Wala pa bang teacher?" Tanong ulit nito na ikinasama ng mukha ko. Naramdaman ko ang kamay ni King sa braso ko. Nagkatitigan kami. He sent me a message by staring at me. I quitely nodded. Na sinasabing sumang-ayon ako.

Binalik namin ang paningin kay L.

" Wala pa." Maikling saad ni King.

Imbis na magpasalamat ang loko. Sumeryoso ito.

" Hindi ikaw ang tinatanong ko. Yung kaibigan mo." Plain nitong saad.

Bigla yatang nabuo ang inis ko dahil sa ginawa nito kay King.

" Wala ka bang mata? Nakita mo namang wala pa diba?" Naiinis kong ani. Na ikinareact ng lahat. Tsk.

Gusto kong magroll eyes sa naririnig kong bulong-bulungan. Pero naalala kong wala pa iyon sa bokabularyo ko. OA lang ang peg ng mga to. Tao pa din naman ang lalaking to ha. Tsk. Mga tao nga naman.

Porke daw kinausap ako ni L. Ang yabang ko. Tapos hindi man lang daw ako nahiya na sigawan sigawan ang crush nila. Tsk.

Bakit? Ginusto ko bang pansin ng lalaking to? Tsk. Maganda sana kung sa iba siya nagtanong. Andiyan naman yung ibang kaklase namin. Bakit ako pa na nakikipag-usap kay King. Tsk.

At isa pa. Ano naman ang ipagyayabang ko na nakausap ko siya? Bakit? Makakain ko ba yan? Ikaganda ko? Ika asenso? Tsk.

Ramdam ko ang titig ng mga kaibigan nito. Pero yung nakakamatay na tingin mula kay Zedon. Tsk. What do you expect from him?

Eh palagi naman talagang mainit ang ng dugo ng lalaki sa akin. Tsk. Idagdag mo pa ang titig mula sa Fans club o wild fans ng loko. Tsk.

Patay malisya na lamang ang ginawa ko.

" Okay. Salamat." He only said it. At parang walang nangyari.

Hindi ko inaasahan ang magiging sagot o reaksiyon nito. Akala ko sisinghalan ako ni L. Well ganoon naman ginagawa niya sa mga taong binabastos siya o hindi ginagalang. Yun ang nakukuha kong impormasyon mula sa dalawang Bruha. And I also read some article. Yes, kung nagtataka kayo paano ko napasok ang website. Well ginawan lang naman kami ng account ni King ng dalawang bruha. Para daw updated at hindi na mahuli sa balita. Tsk.

Aangal pa sana ako kaya lang hindi paawat ang dalawa. Wala naman akong nagawa. Kundi tanggapin iyon. Nalibang na din ako at nagawang magbasa basa sa website. Marami na din akong nabasang article tungkol sa Lourd's Knight.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon