15

37 4 0
                                    


🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁

Luna's POV

We attended our class for this day. Mabuti na lang at wala kaming nakasalubong na kontrabida man lang.

Natapos ang klase ng matiwasay. Syempre hindi mawala wala ang bulong-bulungan sa paligid.

Hindi ko naman pinansin iyon.

We planned to meet after our class. Iyon ang pinag-uusapan namin nina Arem and Lonele. Syempre kasama ko naman si King.

Pumunta kami sa lugar na binigay ni Arem. Sa Isa yung coffee shop.

Hindi naman malayo sa University ang coffee shop na iyon. Maganda yung coffee shop. Simple but elegant.

Halatang pang mayaman. Halos ba naman sa nakikita ko. Puno at halos lahat mga mag-aaral ng University nandito. Isipin mo at uwian na. Pero marami pang estudyante dito.

Agad naming nakita ang dalawa pagkapasok namin sa Coffee shop. Madali lang naman sila mahanap. Dahil sa salamin yung Coffee shop. Kaya sa labas pa lang nito. Makikita na talaga ang mga tao.

Agad kaming lumapit dito. Nakita ko sa mesa ang laptop.

" Maupo kayo." Nakangiting saad ni Arem. Tumango na lamang kami ni King.

Bakit nandito kami?

Well dahil sa kailangan namin ang tulong nila.

Bagong salta kami sa University na to. Kaya kailangan yata namin maging pamilyar. Unang una sa mga estudyante na makakabangga namin.

" Anong gusto niyo? Pasensya na at nauna na kaming umorder ha." Wika naman ni Lonele.

" It's okay. Chocolate Coffee for Lu---uneth and Coffee for me." Wika naman ni King.

Aakmang tatayo sana si Lonele ng pinigilan ito ni King.

" Ako na." King said at tumayo na. Sinundan lang namin ng tingin to.

" Gwapo na nga gentlemen pa. Saan ka pa." Nagtitiling saad naman ni Arem. May pa hampas hampas pa sa balikat. Hinayaan ko na lamang. Well sa nakalipas na mga araw naging malapit na din ako---kami pala ni King sa kanila.

Sanay na din sila sa ugali namin.

Napangiti naman si Lonele. Ako kunwari wala lang.

" Hindi ka man lang ba kinikilig diyan babae?" Tanong naman ni Arem.

" Hindi. Sanay na ako sa lokong yun." I said to them.

Makahulugan na tinignan lamang ako ng dalawa. At alam ko na yung iniisip nila.

Well pinag-iisipan ba naman nilang may relasyon kaming dalawa ni King. Ilang beses na naming pinapaliwanag sa kanila. Pero yatang ayaw nilang tanggapin. Hinayaan na lang namin.

" Bahala kayo sa isipin niyo." I said to them.

Tamang tama at dumating din si King na may bitbit.

Umupo ito sa tabi ko at ibinigay ang akin. Nagtaka ako ng lumapit sa akin si King at may binulong.

Hindi ko alam na ang mahahal pala dito. Mabuti na lang at kasya yung pera na dala ko. Baka mamaya pinalinis pa tayo ng plato.

Hindi ko napigilan na matawa sa sinabi nito. Well kung hindi man nakikita ng ibang tao yung Luna na tumatawa at ngumingiti. Kapag kasama ko naman si King nag-iiba ang ugali ko. Kagaya ngayon.

Nakatangang napatingin naman sa amin ang dalawa.

" What?" Singhal ko sa dalawa.

" Sa tatlong linggo na magkasama tayo. Ngayon lang namin nakita ang pagtawa mo." Arem.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon