9

33 3 0
                                    


🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁

Luna's POV

Nagising ako sa pamilyar na lugar. At nalala ko pa ang nangyari bago ako mawalan ng malay.

Napatingin ako sa paligid. Nakita ko ang Ginang sa tabi ko. Naka dukdok ang mukha nito. Hawak hawak ang kamay ko. Nang hindi magising Dahan dahan kong binawi ang kamay ko. Ayaw ko din naman na magising to.

Nakita ko ang asawa nitong nakahiga din sa malapad na sofa.

Napatulala ako.

Ang daming tanong sa sarili ko? Bakit ako nagising sa katawan ni Luneth? Anong nangyari?

Asan ang katawan ko? Nasan ang kaluluwa ni Luneth?

Paanong nangyari? Huwag mong sabihin nagkapalit kami ng kaluluwa ni Luneth. Kailangan ko siyang mahanap.

Nagising ako ng maramdaman ang malumanay na himas sa aking pisngi. Napatingin ako dun. Nagising na pala ang Ginang na Ina ni Luneth.

" Masama ba ang pakiramdam mo? Tatawagin ko si Dok." She said. Napa iling iling na lamang ako.

" Anong nangyari?" Tanong ko na lamang.

" The doctor said you have amnesia." Sabi nito. Pero hindi pa din ako naniniwala.

Kilala ko ang sarili ko. Hindi ako si Luneth kundi si Luna. Nandito ang lahat lahat ng alala mula ng pagkabata ko.

Imposibleng naman alam iyon ni Luneth. Kaya alam kong ako to si Luna. Ang hindi lang maipaliwanag kung bakit ako sa katawan ni Luneth.

Kailangan kong maka alis dito. Pero paano? Alam kong pagpipilitan nila na ako si Luneth. Kailangan kong makita si King. Alam kong nakauwi na iyon sa camping. Isang linggo at kalahati din ako mawalan ng malay.

Siguro hanap ng hanap ang lokong yun sa akin. Kahit na alam kong wala akong amnesia. Tumango na lamang ako. Magpapahinga na muna ako at mag-isip kung paano ako makatakas dito. Alam ko naman hindi ako papayagan ng mag-asawang tong umalis.

" I need to rest." Sinabi ko na lang. Tumango naman ito. Alam kong hindi pa din ito umalis sa tabi ko.

Naguguilty man ako sa ginawa ko sa parents ni Luneth. Pero hindi ko maiwasang maguluhan.

Agad akong nilamon ng dilim.

🍁🍁🍁🍁

Ilang araw na ang nakalipas. At nandito pa din ako sa ospital. Nalaman kong private ospital ito. Halatang mayaman talaga ang pamilya ni Luneth.

And speaking of Luneth. Nagawa ko itong makausap.

I tried to convince her. Na bumalik na sa katawan nito. Pero ayaw nito. Mas gugustuhin nito na magpahinga na lamang. Sinabi kong napunta ako sa katawan nito. Hindi ko man lang narinig na tutol ito. Para bang hinayaan na lamang ako nito.

Nalaman kong wala itong alam kung saan napunta ang katawan ko.

Iyon ang pinag-alala ko. Kailangan kong mahanap iyon bago pa tuluyang  hindi ako makabalik sa katawan ko.

Ngayon ang plano kong tumakas. At makipagkita kay King.

Hinintay ko na walang tao sa loob ng room na to. Hindi naman talaga ako natutulog. Plano ko lang iyon. Nang masiguradong wala ng tao o bantay. Agad kong inalis ang IV sa kamay ko. Mabuti na lang at nagawa kong pakiusapan ang Ginang na dalhan ako ng damit at yun na lamang ang suot ko habang nagpapagaling ako sa ospital.

Dahan dahan akong sumilip sa labas. Walang ka tao kaya hindi na ako nagsayang pa ng oras at lumabas ng ospital. Mag-ingat ako sa pamilyar na nurse at Doktor. Baka makita ako hindi ma tuloy tuloy ang pagtakas ko.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon