1

85 4 0
                                    

Luneth's POV

"Baby gising na. Mali-late ka na sa school." Rinig kung saad ni Mom.

I just groaned when I heard about the school.

Hindi naman sa nabibilang ako sa mga kabataan na ayaw mag-aral. Hindi naman sa pagmamayabang Pero attentive ako sa school lalo na sa loob ng klase.

Yung problema nga lang ay.
.
.
.
.
.
.
.
Malalaman niyo din mamaya.

Naramdaman ko ang paghaplos ng isang kamay sa ulo ko. At naisip ko agad na si Mom ang may kagagawan iyon.

Napangiti na lamang ako. Mom always pat my head. Mahilig din itong suklayin ang buhok ko. Kahit na malaki at Dalaga na daw ako. Ako pa rin ang baby at sunshine nila ni Dad.

Kaya imbis na kumilos nanatili ako sa paghiga. Ang sarap kasi sa pakiramdam. Para akong hinehele.

" Gising na Nak. Mali-late ka na talaga kapag hindi ka pa kumilos diyan." Malamyos na saad nito. Kaya kahit tinatamad. Wala akong nagawa kundi ang sumunod.

I open my eyes and saw my Mom seating beside me.

" Good Morning Sunshine" Masayang bati ni Mom. At humalik sa pisngi ko. Bumati din ako pabalik at kiniss ito sa pisngi.

Meet my beautiful Mother Launa Castaneda.

Tinulungan ako ni Mom sa pagtupi ng kumot. Nakita ko sa gilid ang susuutin ko na school uniform.

" Naka handa na yung uniform. Yung magsusuot na lang yung kulang." Nakangiting saad ni Mom. Siguro nakita ni Mom ang pagtingin ko sa nakalapag na uniform.

" Maligo ka na hintayin kita dito." She said na ikinatango ko.

Kahit na lumaki ako sa mayaman na pamilya. Mom and Dad always remind about the things lalo na ang 'Kabutihan at Kabaitan'.

Natutunan ko na walang mahirap at mayaman, walang maganda at panget, walang talented at di talented sa mata ng Diyos. Lahat tayo pantay pantay.

Kaya hindi iba ang turing ni Mom at Dad sa kasama namin na mga katulong at Gwardiya.

At kahit na naghire si Mom ng katulong. Hindi pa din nawala ang pagiging Ina nito sa akin. Kahit na busy sila ni Dad sa business namin. Sinisigurado nilang walang mintis ang pagbibigay nila ng oras sa akin.

Kaya nga ang swerte swerte ko sa mga magulang ko. Mula ng isinilang ako at hanggang ngayon ramdam na ramdam ko pa din ng mainit na pagmamahal ni Dad at Mom sa akin.

Hindi ko alam kung saan na nakarating ang utak ko habang ginagawa ang ritual ng Isang babae. Namalayan ko na lang lumabas na ako ng Comfort Room.

I saw Mom sitting on my Bed. Ang lalim ng iniisip.

Nang makita ako tumayo na ito. At pinaupo ako sa upuan na kaharap nito ay salamin.

Naramdaman ko ang pagpunas nito ng basang buhok ko. Madalas itong gawin ni Mom. At kapag tuyo na ang buhok susuklayin naman nito.

Minsan trip niyang tirintasin yung buhok ko. Hinayaan ko na lang dahil iyon naman talaga ang hilig ni Mom. Para na din pagbobonding namin ang gawain to.

Sa pamamagitan nito nakakausap kami ni Mom at malaya kong sini-share ang nararanasan at nararamdaman ko.

Except one thing.

Matagal ko na iyong tinatago sa kanya at kay Dad.

" Ang ganda ganda mo talaga Anak. Napaka swerte namin at dumating ka sa amin ng Dad mo. Ikaw ang naging Sunshine ng buhay namin." She sweetly uttered na ikinasaya ng puso ko.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon