22

35 3 0
                                    


🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁

Ashley's POV

Napatingin kami kay Elon ng napamura ito. Tutok na tutok ito sa hawak na Cellphone.

Nga pala Ashley Salvatore. Pinsan ng dakilang Ellourd.

" Ano naman iyan Elon. Ang ingay mo." Lethal hissed. Hindi naman pinansin iyon ni Elon. Agad na lumapit sa kanya ang curios na si Noveth at Tironte.

Hindi ko na sila ipapakila. Siguro naman pinakilala na kami sa inyo.

" Tsk. Akala ko porn kung maka react ang lokong to. Tsk." Komento naman ng nag-iisang Noveth. Walang kinahihiligan kundi Babae. Tsk.

" Ano ba yan?" Tanong ko na lamang.

" Yung tungkol sa dating stalker ni L. Trending na naman." Si Tironte na yung sumagot.

Dating Stalker?

" You mean yung Luneth. Anong tungkol sa kanya?" Lethal

" Siya daw ang dahilan ng pasa sa mukha ng member ng Warrior." Si Elon na ngayon ang nagsalita at pinakita ang Cellphone.

Kung ganoon nagbabasa na naman ito sa website.

" Bakit parang hindi ka sigurado?" Tanong ko na lang.

" Wala namang pruweba. Mas maganda sana kung may kuhang bidyo man lang." Elon.

" Eh baka hindi naman talaga siya. Sa mukha ng babae parang hindi nga makabasag pinggan." Zedon

" Huwag kayong humusga basi sa nakikita niyo." Pangaral naman ng isang Tironte.

"I agree with Tironte. Nakita niyo naman kung paano yun makipagsagutan kay Narina. Halatang hindi basta basta ang babae." Sabi ko naman.

" Hindi talaga siya basta basta. Siya lang yung babaeng nagawa pang sagot-sagutin tayo." Tironte.

" Tsk. May amnesia iyon kaya ganoon na lamang ka tapang at isa pa hindi tayo nakilala. Tsk." Zedon

" About the article hindi daw nakuhanan yung pagsuntok dahil nasa loob sila ng SC office. At nandoon si Luneth with her friends." Pag-iiba naman ni Elon.

" Malay mo yung King ang sumuntok. Tapos pinaniwala lamang na siya yung sumuntok. Sa payat nun at babae pa. Tapos yung member pa ng Warrior. Wala siyang panama sa ganoon." Zoden

Hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo ni Zoden sa Babae. Siguro dahil sa pakikipagsagutan nito sa amin. Abswelto naman ang Babae dahil may amnesia nga. Pero kapag sa ibang pagkataon na nangyari iyon. Hindi ito makakatakas sa pwedeng gawin ng grupo sa kanya.

Coincidence ng makasalubong namin to. Pero siguro someone told her about us. Kaya ayon siya yung kusang umiwas. Kung ibang babae iyon naku baka ipagpilitan ang sarili sa amin. Siya parang may sakit ang turing sa amin makaiwas kasi.

" Wala naman kasing may nagsalita sa grupo ng Warrior at yung mga kaibigan ng Luneth."  Dagdag pa ni Elon.

Bagay na bagay talaga ang kinuhang kurso nito. Elon is studying Law.

Kaya ganyan yan ka interest sa mga balita sa website. At mangalap ng impormasyon. May pagkadaldal din na pwede nitong magamit in the future. Kapag kailangan ng debate.

" Kakaiba talaga ang Babaeng iyon. Parang hindi natatakot na kalabanin ang Warrior." Komento naman ni Tironte.

" Tsk. Malay mo plano lang iyon ng Babae upang mapansin." Kontra naman ni Zedon.

" Your not going to say that when you witnessed how she kicked Elamara balls." Napatingin lahat kami sa sinabi ni L.

Hindi ko inaasahan na sasali ito sa usapan namin.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon