11

36 3 0
                                    


🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁

Luna's POV

Nakatitig ako sa salamin. Suot ko na ngayon ang school uniform ni Luneth. At first day ko pumasok sa school na iyon. Well na nakikita ko naman sa labas ng sinusundo ko si Luneth. Halatang pang mayaman talaga.

" Are you ready na Nak?" Napatingin ako sa Ginang na sa harap ko na. Hindi ko namalayan na pumasok na ito sa kwarto ni Luneth.

" Yes." Sabi ko naman.

Agad akong nilapitan nito at sinuyod ang kabuuan ko.

" Ang ganda ganda talaga ng anak ko." Saad naman nito.

Naalala ko sa diary ni Luneth. Na palagi itong humahalik sa pisngi ng parents niya. Ayaw kong isipin ng parents ni Luneth na nagbago talaga siya.

Humalik ako dito at bumati. Natigilan naman ito sa ginawa. Pero agad ding bumawi. Ngumiti ito, Humalik at binati din ako.

" Halika na. Nandoon na si Dad mo naghihintay sa baba." She said.

I just nodd and follow her.

Dumating kami sa hapagkainan. Hindi pa rin ako sanay na madaming pagkain ang nasa harap ko. Kung noon kakarampot lang. Sa harap ko naman parang palaging may fiesta. Sobrang dami at ibat-iba pang putahe.

Lumapit ako kay Mr. Castaneda at ginawa din yung paghalik at pagbati. Nagulat din yata ito. Pero bumati at humalik din sa akin.

" Osya maupo na kayo at makakain na tayo. Nga pala nak kami ng Mom mo ang hahatid sayo." Saad nito.

Binigyan ko ito ng Isang ngiti. Well alam kong gaano ka mahal nila si Luneth. Ma swerte si Luneth dahil kahit na abala ang parents nito hindi pa din nawawalan ng oras ang parents niya sa kanya.

Labing-limang minuto ang nakalaan bago nagsimula ang klase. Hindi din naman ako nag-alala dahil malapit lang naman at mabilis naming narating ang University.

Hindi na na tao. Tamang tama pagkababa ko. Tumunog din ang bell. Talagang binaba ako ni Mr. Castaneda malapit sa building ng Business course.

Agad akong nagpaalam sa kanila. Rinig ko pa ang cheer ng mag-asawa para sa anak nila.

Well Luneth choose the business course dahil in the future mamanahin nito ang kompanya na pinaghirapan itaguyod ng pamilya nito.

Agad kong hinanap yung maliit na schedule na binigay kanina sa akin ni Mrs. Castaneda. Hiningi daw nito ng pumunta sila dito at kausapin ang Dean.

Agad kong hinanap ang first subject ko. Ma swerte ako ng makitang wala pa yung prof. May napapatingin sa akin. Rinig na rinig ko na pinag-uusapan ako. Well ilang linggo ba naman akong nawala. Samut-saring conclusion ang pinagagawa nila. Lagot daw ako sa Queen Bee. Pati yung get up ko hindi nakaligtas.

Pero ang cool niya ngayon.

Iyon ang maganda sa tenga. Well it's my style. Luna's style.

Binalewala ko na lamang iyon.

Ilang minuto at dumating na din ang Instructor namin. Bored akong nakinig. Nalaman kong active si Luneth sa loob ng klase. Pero hindi ako si Luneth kaya huwag na.

Natapos ang klase. Dalawang oras ang bakante ko. Kaya imbis na pumunta sa Cafeteria. Yun ang narinig ko sa mga kaklase ko.

Naisipan kong lumabas. Nalaman kong allowed ang mga estudyanteng lumabas. Basta hindi sa class hours. Kaunti lang ang nakikita ko.

Mas pinipili ng mayayaman na estudyante na kumain sa Cafeteria. Tsk. Yung nakikita ko naman sa lumabalas. Sila siguro yung mga scholar na hindi afford ang pagkain sa Cafeteria o di kaya lumalabas lamang sila para makaiwas sa mga bully. Good choice then.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon