18

33 3 0
                                    


🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁

Matthew's/ King POV

Kakatapos lang ng klase namin. At break namin ngayon. Naramdaman ko ang pagnginig ng bagay sa bag ko. Naalala ko ang cellphone. Dahil maingay at baka maka disturbo ng klase. Sinet ko ito sa silent at vibration. Para malaman kong may tawag o mensahe lalo na kung emergency.

Agad kong kinuha iyon at tinignan.

It was Arem. Texting me to meet them. Agad akong napalingon kay Luna na tamad na nakaupo. Kaunti na lang iyong mga estudyante dito. Yung iba lumabas na at pumunta ng Cafeteria.

Ewan na lang sa amin na dalawa saan kami pupunta. Mabuti na lang at naisipan ni Arem na e message ako.

" Lu---uneth." Hindi pa din ako sanay na tawagin na Luneth ito. Dahil siya si Luna.

Aiissh.

Napatingin ito sa akin.

" Punta daw tayo kina Arem." I said to her. She just nodd at tumayo.

Agad kaming lumabas. Gusto kong magmura dahil sa hinarangan kami ng fan girls ko. Tsk.

At iyon ang pinakaayaw ko. Kaya lang bastos naman kung itutulak ko ang mga to at singhalan. Well kahit na ganito ako. May respeto pa din ako sa mga babae.

Lalo na kasa-kasama ko ang kapatid kong to. Baka masampulan pa ako nito.

" F@ck off." Dumagundong ang boses ni Luna sa paligid. Kaya natakot naman nito ang mga Babae. At umalis sa harapan namin.

" Thanks. Talagang hulog ka ng langit." I said to her. Agad naman akong sumunod dito ng makitang nagtuloy tuloy ito sa paglalakad.

Walanhiya talaga.

Kung nagtataka kayo kung may nararamdaman ako kay Luneth? Este kay Luna pala.

To be honest. Mahal ko siya. Pero bilang isang kapatid. Even though we're not blood related. I treat her as one.

At alam kong ganoon din ang nararamdaman nito. Well wala na kaming pamilya kundi ang isat-isa. At Isa pa marami kaming pinagdaanan na lalong pinagtibay. Kaya mahalaga siya sa akin. Dahil siya na lamang ang pamilya ko.

At kahit anong mangyari hindi ko siya iiwan.

Nung malaman kong wala na siya. Parang wala na din akong ganang mabuhay. Dahil nangako kami sa isat-isa na sabay kaming aahon sa kahirapan. Kaya nga nag-aral ako ng mabuti. Bilang isang kuya sa kanya. Responsible kong ibigay ang kailanganin nito.

Kung nagtataka kayo. Matanda along dalawang taon kay Luna. Pero hindi nito gustong tawagin akong kuya. At ayaw ko din naman. Nagmumukha akong matanda.

Akala ko noon wala na talaga akong pag-asa na makita pa siya. Pero Isang himala. Na makausap ulit ito. Ang problema nga lang sa ibang katawan nito.

*Pak

Natauhan ako ng maramdaman ang sapok na iyon.

Agad akong napalingon. Napa busangot na lamang ako ng makita si Luna. Siya yung salarin na sumapak sa akin.

" Ang sakit nun ha. Bakit ka ba nanapok ha.?" Kundi ko lang tinuring na kapatid ko. Baka nasampulan ko na to. Pero takot ko lang talaga.

" Bakit hindi? Tulala ka diyan eh. Gusto mong maiwan.?" Wika nito.

" Sorry naman." Na sabi ko na lang at inaya itong magtungo kina Arem.

Pinuntahan na muna namin sila sa Student Council Office.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon