Sinundo nya ako kinabukasan. Ibang kotse yung ginamit nya. I don't know bakit hindi na-include ni mommy na i-block yung dating kotse nya. Mabilis lang din naman kaming nakarating sa condo ko. Tinulungan nya akong ayusin yung mga gamit.
Naglinis din kami, kasi medyo maalikabok sya. Siguro dahil medyo mataas yung floor. Katabi ko lang naman yung unit nung tatlo. Kaya if may kailangan ako, diretso ako sa unit nila. Halos kakamove-in lang din nila.
"Baby, order kana food!" I yelled nung nasa kwarto ako. Naglalagay pa kasi ako ng bedsheet. Dalawa yung kwarto sa condo, pero hindi ko na inayos yung kabila. Aalis lang din naman ako. Ewan if magpapasalamat akong pumayag si daddy na hanggang october ako dito.
"Mahal, kain na." He mumbled nung nasa pintuan sya ng kwarto. Naglakad lang ako at kinuha yung cellphone ko.
"May aayusin pa ba tayo sa condo mo?" Tanong ko nung kumakain kami.
"Konti na lang. Dapat hindi na tayo nag-ayos dito, doon ka rin naman uuwi." He said straightforwardly.
"Sa mga off na tinatamad akong pumunta sa'yo, dito ako didiretso." Sagot ko na lang.
"Why do you always speak as if sawang-sawa kana. Are you?" He asked with his brow arched.
"Clarkson, hindi. Ano ka ba. It's just that, alangan naman uuwi pa ako doon pag sobrang antok na ko." I argued.
"Edi susunduin kita. Bahala ka." He mutteted, tapos pumasok sya sa kwarto ko. Sinundan ko na lang sya. Nakahiga na sya sa kama at nakapikit.
"Baby, bati na tayo. Sige na uuwi na ako doon kahit puyat ako or pagod." I conceded. Pero hindi pa rin sya dumidilat. I kissed his nose and lips briefly. Pero wala pa rin. Niyakap ko sya at nagpanggap na umiiyak. Doon pa lang sya tumingin sa akin.
"You're crazy. You do know na alam ko 'pag hindi totoo yung iyak mo. Sige na, bati na tayo. Pero makeout?" He asked grinning.
"Tss. Yan lang ata tingin mo sa akin. Ayoko nga. Bangon na, hindi pa tayo tapos kumain. Para kang bata." I irritatingly said. Lahat ata ng solusyon nya minsan sa problema namin may halong kamanyakan.
"Wow a. Ilang tanggi na. Fine, let's eat." He said then pulled me to stand up.
Kinabukasan sa condo naman nya kami nag-ayos. Medyo okay na pala halos. Mas maluwag yung unit nya. At typical na bachelor's pad. All things are either grey or matte black.
Nung nakahiga na kami ay kinukwento nya lang yung mga nangyari habang naglilipat sya. He's trying to tell me things, pero halatang sinasabi nya lang yun nung napansin kong tahimik sya. Parang araw-araw may nagbabago sa amin. And it is destroying us slowly.
Nung nagstart yung duty namin okay pa nung first day. Buti na lang kasama ko si Josh. Okay naman syang kasama, mas marami lang reklamo nya pag maarte nung pasyente. Lalo pag tinatarayan sya ng relatives. He's even tempted na sabihin sa mommy ni Gab. Mas close pa ata kasi sya dun, kesa mommy nya.
"Celine, ER daw may four admission. To consider dengue. Ikaw na lang mag-assess." Sabi ni Josh. I just nodded.
"Tara." Sabi nung residente ring isa.
Nung nasa ER kami, ang gulo. Magkakapatid pala sila. Tinawagan lang namin yung on-deck na attending doctor. Nag-insert na rin kami ng IV. Nakapagrequest na rin kami ng labs nung apat na bata. Grabe buti kinakaya nung magulang nila. One year lang yung mga agwat.
Nung na-endorse na namin yung pasyente sa ward, after more than one hour dumating na yung mga labs. At dalawa sa kanila ay may 5,000 na lang na platelet at ang taas ng coagulation tests. I immediately informed the AP. Buti na lang may available na platelet concentrate sa hospital.
YOU ARE READING
Fighting it with you✨ [MED SERIES # 4] COMPLETED
Romance[Med Series # 4] Celine Amira Dela Merced has always been the daughter who'll follow what her parents told her to do. Never in her life, she tried to defy them. She don't go out with others. She's only friends with her cousin Gino, and Clark who is...