Epilogue 1

1K 23 3
                                    

Clark's POV

Ilang taon na kaming magkaibigan like what she always reminds me of "magkaibigan" kaya sanay na sanay na ako sa mga litanya nya. Naiinis pa lang sya, titigil na ako. Lalo 'pag feeling ko may ibabato na naman sya.


"What's with the long face?" I asked nung naglulunch kami. Kakatapos lang ng exam namin. Pero inirapan nya muna ako bago magsalita.


"Ang ingay nyo nung babae mo kagabi. Rinig na rinig sa condo, abala kayo sa review. Kapag ako bumagsak sa exam kanina isasapak ko yung kaldero sayo." She said angrily. Oh, she heard. Sinadya ko para inisin sya or magselos sya.


"Why? Jealous?" I asked laughing. Please say yes. Tigilan na natin 'tong friendship na to.


"Iwww. I'd rather die alone than be with you. No thanks." She said seriously. So, wala pa rin talaga. Ginawa ko na lahat, wala pa rin. I even flirted around, para mapansin nya. I let her see how I play with other girls, pero wala. Kahit foul, ginagawa ko mapansin nya lang. Mas malaki pa ata chance ni Gino sa crush nya kaysa sa akin.


"Okay. Sabi mo e. Kain na, best friend." I mumbled. She just rolled her eyes on me.


**

"I'll do my internship in the US. Ayaw mong sumama?" I offered. Please say yes, halos sa lahat kasama namin si Gino, hindi ako makaporma.


"Nope. Ayoko." She rejected me that quickly. I pretended that I am back to watching Grey's. Fuck, Mcdreamy.


"Why do you want to go there ba?" She asked curiously. My conyo girl. Minsan nahahawa na ako sa kanya. Pati si Gino.


"Lots of girls and parties." I murmured. I'm not even sure why am I still trying to make her jealous, wala namang nangyayari. She will always dismiss if may moment na. Pag yayakapin ko sya bubugbugin nya ako agad. Mayayakap ko nga lang ata sya 'pag nagpapanggap akong nagtatampo. I don't even know if napapansin nyang hinahalikan ko yung balikat nya minsan or dahil gusto nyang magbati kami kaya hindi nya pinapansin.


"I knew it. Malandi ka talaga, Clarkson." She said shaking her head. Tss. Sya lang kaya yung nilalandi ko ng totoo. Sya lang yung gusto kong landiin.


"So should I go, best friend?" I asked casually. But, my heart was beating so fast. Sya lang yung nagpapakaba sa akin ng ganito. Sya lang yung minahal at mahal ko ng ganito.


"Go. If that will make you happy. Enjoy." She said smiling. Wala talaga. Kahit ata luhuran ko sya, walang pag-asa. I even tried to kneel on our 18th birthday, pero nung parang clueless sya nagpanggap akong nagsisintas. Halos mamatay si Gino sa tawa nung umalis si Celine.


"Okay. Don't try to miss me so much. Babalik ako. Uuwi ako sayo." I murmured. Tinignan nya lang naman ako. Walang reaksyon.



**
Messenger

Gino: She got her own unit, just informing you. Hindi ko sya mababantayan. It's your call if aalis ka. Just don't regret if pagbalik mo may pumalit na sa pwesto mo.

Clark: WTF. Akala ko magkasama kayo. Fine, tss. Help me with the papers. I'll just stay.


Tinanong ko lang yung mommy nya if saang condo sya. I got the one next to hers. Mahirap na baka may makalusot. Nung pumunta ako sa unit nya, parang hindi man lang sya na-excite na hindi ako umalis. Kung alam nya lang halos sigawan na ako ni dean, buti na lang kamag-anak ko sya.


Nung nasa canteen na kami ay naiinis na ako. Bakit kinakausap nya yung Leon. She never talked with anyone other than me and Gino. Kahit si Gino halatang gulat din. Nung tapos na kaming kumain, she kept teasing me with Bea. Manhid talaga. She's the only person I want this bad.


Fighting it with you✨ [MED SERIES  # 4] COMPLETEDWhere stories live. Discover now