First month ko dito sa New York, madali naman akong naka-adjust nakatulong din siguro na medyo nagiging toxic na yung duty. Same kami ng sched ni Zian lagi, kaya sya yung lagi kong kasama. He's nice and attentive. At hobby nya ata na i-sched yung pagkain ko.
"Hey, lunch." He utterd. I just looked at him and nodded. Tinapos ko lang yung tinatype ko na request ng labs. Busy kasi yung mga nurses kaya ako na gumawa.
"Treat ko na. First paycheck." I mumbled. Tapos namili na kami ng kakainin.
"Sure ka? Anything?" He asked. I just nodded. Thank you treat ko na rin siguro kasi nakaalalay sya sa akin ng isang buwan. Inaasar na nga kami nung ibang mga residente. Pero sinabi ko lang kababata ko kasi sya.
"Gusto mo matry mag-club dito?" He asked.
"Safe ba?" I asked nervously. Hindi ko pa kasi alam paano yung mga bar or club dito. Tska sanay din akong si Clark yung kasama ko lagi plus yung barkada.
"Safe naman. I got you." He said laughing. Pumayag na lang ako.
"Thanks sa treat, dra." Zian said genuinely. I just smiled.
Dahil morning duty lang kami ay nagpalit lang ako tapos nagpunta na kami ng club. Kasama naman namin yung pedia dept. Sumama halos yung mga staff. Yung mga naiwan lang ay yung mga nakaduty. At sobrang wild nila. Walang-wala sa wild ni Trish at Josh. They are even making-out. Napapailing na lang ako. Normal ba yun. Or ako yung hindi normal dito.
"Is this the normal clubbing experience here?" I whispered to Zian. He just laughed a little before answering.
"Don't be shock, yung nakita mo phase 1 pa lang. Making-out and sex are normal here. You know, casual." He responded then laughed at me nung natulala ako sa nakita ko. Kulang na lang maghubaran na yung dalawang staff.
"Are they together?" I whispered again.
"No. This is the normal. People fuck around here for fun. Even the staffs and doctors." He whispered back.
"You mean to say, kahit may nangyayari hindi awkward?" Gulat na tanong ko.
"You watch hollywood movies?" He asked. Napatingin ako sa kanya.
"Similar to that. Palitan ng fuck buddy. Pero everything is casual. You'll get used to it. Relax. Don't get it in your head. Don't engage if ayaw mo. It's just for fun for them." He added.
For some weird reason, dahil sa takot kong bigla na lang may lumandi sa akin, ay isang tequila lang yung ininom ko. By 3 am na naka-uwi na kami. Naligo lang ako dahil feeling ko nakuha ko lahat ng usok sa club. Tapos humiga na ako. Nagcheck din ako ng gc naming magbabarkada, wala naman halos ganap.
The next day, halos hindi ko matignan ng diretso yung mga staff na nakita ko kagabi. I mean I don't judge them, pero ang weird ata na kawork mo yung ka-makeout mo tapos wala lang. Or hindi lang kasi ganun sa Pinas. But instead of focusing on things I have to involvement with, nag-ayos na lang ako ng charts. Nag-relay din ako ng mga lab results sa mga attending physician. Hindi ko sure bakit kailangan pang itawag. Sabi naman ni Gino may app sila sa phone nila para makita yung mga status ng mga pasyente nila. Siguro para sa convenience na lang nila kaya pinapatawag pa rin nila kami.
The next days, same pa rin yung mga routine. Pero nung off ko pumunta ako kay Gino. Bukod kasi kay Zian, sya lang yung nakakausap ko ng madalas. Pagpasok ko nakasimangot na naman sya.
"Napano ka?" I asked nung umupo ako sa couch nya. Nag-order lang ako ng lunch namin.
"GC. Panay Patrick nababasa ko. Alam naman nila Yna na nababasa ko, anong trip nila." He said annoyed.
YOU ARE READING
Fighting it with you✨ [MED SERIES # 4] COMPLETED
Romance[Med Series # 4] Celine Amira Dela Merced has always been the daughter who'll follow what her parents told her to do. Never in her life, she tried to defy them. She don't go out with others. She's only friends with her cousin Gino, and Clark who is...