Umuwi kami three days bago magstart yung klase. And the whole three days ay nasa bahay sya para magreview. Nasa Bacolod din kasi yung parents ko. Tapos yung bunso namin nasa New York na. Si kuya naman dumiretso na sa condo nya.
Unang araw pa lang ng exam week, parang nanghina na ako. Nagbago ng type of test yung doctor. Dati MCQ, pero for finals may halong identification yung pharma. Micro lang ata yung okay ngayon araw.
Pagpasok namin ng condo ay tahimik lang ako. I'm still thinking of that pharma exam. Nireview ko naman, dun pa nga kami nagtagal, pero wala nung nakita ko yung exam parang natulala na lang ako. I answered some, pero yung iba wala sa samplex, wala sa trans at wala sa notes na nabasa ko. Pag-upo ko ng couch inabutan ako agad ng tubig ni Clark.
"Hey, let it go. May exam pa bukas. If hindi okay yung exam kanina sa pharma, may next sem pa. Baby, I'll help you pass. Trust me." He said then hugged me.
"What if mas mahirap pa yung next sem. Ayokong magremedials." Naiiyak na sabi ko.
"Hindi ka magreremedials. Babawi tayo. If kailangan one hour lang yung tulog natin, gagawin natin. Stop crying, may patho pa bukas." He said rubbing my back. He kept kissing my shoulder.
"What if I'm just trying hard. Baka pinipilit ko na lang. Baka hindi naman ako para sa medicine. I'm trying so hard that it gets tiring already." I said sobbing.
"Trying hard is not a bad thing. All the successful people or doctor you see today, all of them did try hard or even harder. They failed too, baby. But you don't count how many failed exams or decisions in life you had. You only count your wins. Today, micro is somewhat easy, right?" He asked calmly.
"Yeah." I simply answered.
"Then, baby that's a win. Let go of things that were done. Focus on the next." He said then he made me face him.
"Go get that dream, baby. You have me." He said then he kissed me briefly.
After naming maligo ay dumiretso kami ng supermarket para bumili ng chips at bottled coffees. Tapos dumiretso na kami sa condo ni Yna. May dala na rin kaming pamalit bukas, dahil diretso pasok kami. Sobrang late na naming natapos, 4 am nung nauna na akong nahiga. Pero sila Gab ata 5 am na. Syempre ang ending kahit si Gino ay ganun din. Sila na kasi, at mas OA sa asikaso si Gino kay Gab. Kulang na lang latagan nya ng carpet yung dadaanan ni Gab.
After ng exam ng Patho mas napatulala ako. Walang questions na naulit sa lahat ng LE, mas mahirap pa sya sa pharma. Iilan lang lumabas sa notes ni Gino. Clark is holding my hand habang nagrereview kami. It was reassuring. Kahit gusto kong umiyak, pero wala, hindi kaya sa schedule.
The next days were somewhat okay. Nakatulong yung ibang notes ni Gino. Plus, most questions were just compilation of last LE's at Ots of different years. Trish and her connections really.
Nagpunta kami ng Coron for a week. Sobrang stress kasi ng sem, sobrang nagenjoy naman kami. Then, after a week umuwi na kami. Pero si Clark sa bahay na dumiretso ng uwi. I wonder if hinahanap man lang ba sya nila tita. Dahil usually naman mag-isa ko sa bahay ay lagi nya akong sinasamahan mula pa nung magkaibagan pa lang kami.
"Baby, get up. Let's eat." I said tapping his shoulder. He mumbled something.
"Get up or uuwi ka na." I said in a slightly higher tone. Bumangon sya agad at ngumiti.
"Good morning, baby!" He said smiling. He pulled me in an instant kaya napahampas ako sa kanya. Panay talaga kalokohan.
"Bangon na. You promise to teach me how to drive. No eye rolling later, papauwiin talaga kita." I said then kissed his shoulder. He just giggled.
YOU ARE READING
Fighting it with you✨ [MED SERIES # 4] COMPLETED
Romance[Med Series # 4] Celine Amira Dela Merced has always been the daughter who'll follow what her parents told her to do. Never in her life, she tried to defy them. She don't go out with others. She's only friends with her cousin Gino, and Clark who is...