Chapter 32

412 14 0
                                    

After nung sigawan namin, umuwi na lang ako ng condo. Iyak ako ng iyak. I even drank three bottles of beer na sya yung naglagay sa condo. I think by far yun yung sobrang sigawan namin. We rarely fight. Pero may mga away naman dati na hindi kami nagsisigawan. Pero ngayon, halos patayin ko sya sa tingin kahapon. We said words we didn't think first. Alam ko yun. I saw how much pain it gave him.


Dahil may duty ako ng maaga, bumangon na ako kahit sobrang sama ng pakiramdam ko. Mabilis lang ako naligo at pumasok sa duty. And like the usual day, toxic. Isama pang may conference kami. Buti na lang iba yung magprepresent nung case nung pasyente. Buong discussion, nakayuko ako. Nagpipigil ng antok.


Nung natapos yung conference, agad lang kaming bumalik sa ER. Bakit ba ang daming pasyente lagi. Mas gusto ko na lang minsan ma-admit. Nakasalubong ko naman kanina sila Yna, pero halata ding toxic sila. Si Josh naman sa OPD nagduty.


"You rarely talk, no?" Tanong ni Caleb. Kumakain pa lang kami ng dinner namin, at 10 pm na


"I do naman. Pagod lang siguro.Why?" I curiously asked.


"Wala naman. Lately, you don't talk that much. May problema ka ba?" He asked again.


"Wala naman. Grabe lang talaga sa pagod. Kelan ba matatapos 'tong dengue season natin." I said.


"Malapit na siguro." He simply responded.


The next day, sa OPD ako nagduty. Nakasalubong ko pa si Marco. He just smiled at me. Mukhang toxic din kasi parang patakbo pa syang pumasok sa clinic. Ang dami rin naming pasyente, mostly yung mga nadischarge na for follow-up yung pasyente namin. Meron naman yung mga usual consult about sa sibon at ubo ng mga bata.


Pagkabalik ko ng station, nag-uusap sila Josh at Caleb ng gala. Pumayag na lang ako kasi gusto kong lumabas. Mababaliw akong nasa condo lang ako. Natapos naman namin yung duty na hindi gaanong gumagapang.


Pag-uwi ko ng condo, wala pa rin sya. Ayoko namang puntahan sya tapos biglang paalisin nya ako. Hindi ko ata kaya. Baka lalo lang akong masaktan. By 7 pm ay pumunta na ako sa condo ni Josh. Tapos umalis kami agad. Sa BGC lang naman kami nagpunta kasi tinatamad silang lumayo pa.


For the first hour, panay cuervo lang yung iniinom namin. Tapos nung tumagal na ay nag-order na ng iba si Josh. Tuloy-tuloy yung abot nya sa amin. Game na game naman si Caleb. Uhaw na uhaw din ata. After minutes ay hinatak kami ni Josh na sumayaw. We were dancing like a carefree kid. Or maybe the alcohol was really adding up. Tuloy-tuloy pa rin yung inom namin kahit sumasayaw na. And it felt hot already. I'm wearing a silk backless strap dress paired with a 5-inch strap heels.


"Girl, just dance." Josh shouted. I just smiled. Tapos biglang dumami yung mga tao. Napahiway ako sa dalawa.


"Let's go!" Clarked said then pulled me out of the dance floor. Hinahampas ko pa sya. Pero dahil siguro sobrang lasing na ako ay hindi na tumatama yung mga hampas ko.


"Yung pouch ko." I murmured. Nung parang naka-akbay na sya.


"Tss." He mumbled. Tinuro ko lang yung pwesto namin, tapos kinuha nya yung gamit ko. Agad kaming nakarating sa parking lot.


"Why you didn't text me na magbabar ka? And why are you wearing that. Kita likod mo ang taas pa ng slit mo. Bakit hindi ka na lang naghubad." He said angrily bago nya pinaandar yung kotse nya. I didn't answer, my head is spinning like crazy at parang nasusuka na ako.


Pagdating namin sa condo ko ay agad akong tumakbo at sumuka sa CR. Sinundan nya lang ako. He rubbed my back as I puked. Ilang minuto ding tumagal yung pagsusuka ko. Hinawakan nya ako papunta sa shower. Sya pa mismo nagpaligo sa akin. Nagising lang yung diwa ko nung papalitan na nya ako ng damit.


Fighting it with you✨ [MED SERIES  # 4] COMPLETEDWhere stories live. Discover now