After the long flight from New York, diretso kami sa Bacolod agad. Pag-land namin may sumundo agad. Tapos diretso na sa ancestral house namin. Isang taon ring mahigit na hindi ko sila nakita. Nakita ko pa sila daddy kanina sa harapan ng bahay. Dahil hindi naman ako lumaking bastos ay nagmano pa rin ako. But, I didn't smile when he did. May respesto ako pero hindi ko nakakalimutan yung ginawa nila.
Dumiresto lang kami sa mga kwarto namin. Natulog lang ako at nagpahinga. Pagkagising ko ay nag-videocall lang kami ni Clarine. Buti na lang talaga medyo marunong si Ate Sally sa gadgets.
Naligo lang ako kasi may dinner daw yung buong angkan namin. Pag labas ko, kakalabas lang din ni Gino.
"Andito yung ex ni Kath. Tell me to stop bago ko sya mapatay." Gino said angrily.
"Bakit kita pipigilan. Samsamahan pa kitang ilibing sya." Natatawang sabi ko.
Pagdating namin sa mesa ay andun na silang lahat. Pero nakafocus kami sa ex ni Kath. Ang kapal nyang lokohin yung pinsan namin. Yung mukha nya kuko nga lang ni Gino at Clark. Habang kumakain kami ay pinag-uusapan lang nila yung recount. Nagbubulungan lang kami ni Gino paano namin sya mapapahiya or makukutya.
Nung unti-unti ng umalis yung tao ay naglakad kami ni Gino palapit sa kanya. May hawak akong tubig at plato na punong-puno ng ulam at kanin. Nagpanggap akong natapilok. Ang ending nabuhos yung hawak ko sa kanya.
"Oops. Akala ko basurahan." I mumbled. Tinignan nya lang ako pero inirapan ko sya. Nagulat ako nung tumayo yung kapatid ko at pinsan ko tapos kunyari pinupunasan nila, pero lalo lang kaming natawa kasi kumakalat lalo.
Pero nagulat kami nung dumating si kuya Geoff yung kuya ni Gino, at binuhos yung dalawang bote ng wine sa ex ni Kath. Natulala kaming lahat.
"No one gets to hurt our siblings. Umayos ka. Kaya naming ipapatay yung angkan mo. You need us more than we need you." He said bago umalis kasi may tumawag sa kanya.
"I didn't know kuya can be that savage or whatever." I said still in disbelief.
"Well, ganun din si kuya Ethan. Yung pinsan ni Gab. Mas proud pa nga ata magsalita yun. Their money can intimidate and scare people." Gino said.
"But were you intimidated by Gab's wealth. I mean it's crazy." I added.
"Not really. She never made me feel intimidated by it. Parang wala lang sa kanya. And she doesn't count the clan's money as hers. She's grounded." He said smiling. Grabe ang whipped.
The following day, kinausap ako nila daddy. They told me nothing changed. Hindi pa rin sila boto kay Clark, especially natalo sila. As if I expected them to change. Alam ko na yung mangyayari after masabi ni kuya yung naging result. I even prayed na matalo yung lahat ng angkan namin. Pero the devil works harder nga naman, halos nanalo pa yung iba.
"Celine, you know where you still stand. Walang nagbago. Go back to New York tomorrow." Mom said.
"You're still the same, mom. At least be sorry you destroyed the best thing I had." I said before going to my room. Dahil sa inis ko nag-videocall na lang ako sa New York. Pinanuod ko lang matulog si Clarine. Pati sa pagtulog parehas sa daddy nya.
Telegram
Zian: Sorry, sa abala. Pero may napullout kasi. Tapos may tatlong emergency leave. Can you go back a little early?
Celine: It's fine. Sige. Be there in two or three days, I guess.
Zian: Thanks. Pasubong. Hehehe.
YOU ARE READING
Fighting it with you✨ [MED SERIES # 4] COMPLETED
Romance[Med Series # 4] Celine Amira Dela Merced has always been the daughter who'll follow what her parents told her to do. Never in her life, she tried to defy them. She don't go out with others. She's only friends with her cousin Gino, and Clark who is...