After ko maihatid si Yna sa apartment ni Gino ay umuwi na ako. May duty pa kasi ako ng 6 pm. Mabilis lang akong nag-ayos ng gamit ko. Pag-pasok sa hospital ay medyo kalmado naman yung duty. Wala halos admission kahapon kaya chill kami ni Zian.
"Sana laging ganito," I murmured.
"Yeah. But it feels weird. Gusto mo na kumain?" He asked while still reading the patient's chart.
"Gusto ko ng pasta," I mumbled.
"Try ko magpadeliver. Sure ka?" Nagtatakang tanong nya.
"Weird ba? Add ka din ng mojos. Tska, pizza." Malamyang sabi ko. He just nodded. But, he's looking at me weirdly. bawal ba mag-crave.
Nung second day ng duty ni Yna, dun ko pa lang sya napuntahan. Sa kakapansin naming hindi toxic, natoxic kami ng madaling araw. Curse talaga pag pinapansin. Akala ko joke lang yun dati I mentally made note to never notice if 'di toxic and to never eat any noodles.
"So, kamusta naman?" Tanong ko. Ngumiti lang sya. Dati kadaldal nito.
"If you need anything, text or call me." I said bago umalis kasi may tumawag sa akin sa ER. Kahit dito hindi tumitigil yung ER.
Nung Christmas ay kami-kami yung mga magkakasama nila Yna at Gino. Umuwi kasi yung kapatid at pinsan ko. Tapos hindi naman natuloy yung parents ni Yna na dumalaw. We rarely talked about Marco. Ayaw ko rin kasing tanungin nya ako about kay Clark. I don't want to lie just so she won't be worried about us.
"Grabe ang lamig naman, or single kasi ako." Yna said randomly. Baliw talaga. Parehas na parehas sila ng humor ni Marco, no wonder sila yung naging magjowa. Drinking buddy pa sila sa bar.
"Gaga, magkumot ka. Iba-iba iniisip mo." I said laughing. Napailing na lang din si Gino.
Nung New Year naman, ako yung hindi nila kasama, duty kasi kami ni Zian. Na-meet na rin sya si Yna. At panay pa ang tukso ni Yna na kaya daw pala hindi ako nilalamig, may gwapo daw sa department namin. Baliw talaga.
Alternate kami ni Gino na dumadaan sa department nya. Ayaw rin kasi naming malungkot sya. Minsan nagpapatawa ako para lang hindi sya sumimangot. At minsan sabay-sabay kaming kumakain sa caf.
"Cutiee nung doctor na yun." Yna said while pointing at one of the residents.
"Doc Gabriel?" I asked. She just nodded. Pero in fairness gwapo talaga. Para syang matinee idol. Tapos plus points atang nasa general surgery sya.
"Paano mo nalaman name nya?" Yna asked curiously.
"Everyone knows him. Crush mo? Sumbong kita kay Marco." Gino said laughing. Natawa na lang ako nung umirap si Yna. Pero lately naging hobby naming dalawa na dumaan sa general surgery department para lang makita sya. Ewan ko ba kay Yna, hatak ng hatak. Feeling daw nya kasi parang McSteamy yung datingan ni Doc Gabriel which is totoo naman.
Nung second month ni Yna dito ay niyaya ko silang mag-club. Pare-parehas kasi yung sched namin kaya minsan sa unit ni Gino na rin ako umuuwi.
We just danced and drank. Pero halos si Yna at Gino yung umiinom. Naiinis pa ako kasi panay yung kuha ni Gino nung shot glass ko. Ano ba tingin nya sa 'kin, bata. Nung umalis si Yna para mag-CR ay inabutan ako ng tubig ni Gino.
"Will you stop drinking my shots!" I said angrily nung inagaw na naman nya.
"Tss. Ang tigas ng ulo mo." He just said. Tapos ininom pa rin nya yung nasa shot glass ko.
YOU ARE READING
Fighting it with you✨ [MED SERIES # 4] COMPLETED
Romance[Med Series # 4] Celine Amira Dela Merced has always been the daughter who'll follow what her parents told her to do. Never in her life, she tried to defy them. She don't go out with others. She's only friends with her cousin Gino, and Clark who is...