Chapter 24

309 10 0
                                    

These past few days, araw-araw akong tinatawagan ni mommy. Tadtad rin ako ng text nya na itigil na daw namin ni Clark kung anong meron kami. Nakakapagod na sa duty tapos pag-uwi ng condo andun pa si mommy minsan at papauwiin ako sa Alabang para lang ipilit yung gusto nila.

Naririndi na ako, lahat ng kamag-anak ko sinasabihan akong itigil ko na, namin, or sila ang gagawa ng paraan para maghiwalay kami. They talked as if they are the one's who are in the relationship. So every off, sumasama ako kila Trish sa bar or saan nila balak pumunta ni Igi para maka-iwas ako sa lahat. Wala naman silang tanong na dalawa.

Sa duty, sa sobrang toxic hindi ko halos naiisip yung problema namin. He texts me daily na magiging okay lahat. I know he only sent those to appease my worries and doubts. Alam kong pati sya nahihirapan na din. We are in between our families and I know sooner or later kailangan namin magdesisyon.

From: Mommy
Our driver is outside your condo. Go home.

Nakakasakal na si mommy, alam nya yung sched ko kasi pinuntahan nya one time si Trish sa hospital at tinanong nya yung sched at mga ginagawa ko. I saw how Trish sighed everytime tatawagan ako mommy sa condo at naririnig nya ang mga sinasabi sa akin.

"Sinong nasa bahay, kuya?" I asked our driver nung nakasakay na ako ng kotse.

"Andun ata lahat, maam. Pati po yung lolo nyo." He answered directly. Pumikit na lang ako nung traffic na. After more than one hour nakauwi na ako. Naligo lang ako tapos natulog na. Narinig ko pang pumasok si mommy, but I just pretended that I am in deep sleep already.

Nagising ako ng 6 pm. I debated if bababa ako or hindi na, kaso gutom na rin ako. Nasa long table na silang lahat. Everyone is staring at me like I am betraying them. Halos hindi ako makasubo sa tingin nila tito. Pero walang nagsasalita. Na parang alam nilang lahat ng ginagawa ko at hinihintay lang nilang gawin ko yung gusto nila. Kasi ganun naman, lahat ng gusto nila sinusunod ko. Date sa anak ng board member, kausapin yung anak ng kapartido nila or isuot yung gusto nila. I never tried to defy them, kahit nasusuka ako sa ginagawa nila dati. Yes, hindi sila kurakot, pero sa kapangyarihan sakim sila. Angkan namin halos naka-upo sa buong probinsya.

Nung nagpunta sila sa study room ni daddy doon lang ako nakahinga. Pumasok ako agad sa kwarto ko. Pero hindi ko napansin na sinundan ako ni mommy.

"How long are you gonna make them wait, anak. Just this, sundin mo na lang gusto ng daddy mo." Mommy said nung naka-upo ako sa kama.

"Mommy, never have I tried defying you and dad. Lahat naman po ng gusto nyo ginawa ko. You wanted me to become a dortor, I am doing that now. Ayaw nyong makipagkaibigan ako sa iba, ginawa ko naman po. I went on dates dahil sabi nyo kailangan yun para sa connections." Mahinang sabi ko.

"I know what we are asking is unfair to you. But at least think of your dad. He needs us." Mom said seriously.

"It's not just me, para sa amin po. Sya lang yung andyan lagi para sa akin. He never left me. I never complained na ako lang naiiwan dito sa bahay, I understand na andun yung trabaho nyo. Sya lang yung kasama ko sa lahat. So how come you are asking me to leave someone who is my constant. Mommy, mas nakasama ko pa sya habang lumalaki ako kesa sa inyo. Pero wala naman po akong sinusumbat sa inyo." I said sobbing.

"But your dad needs you. Just break up with him." She added.

"But he needs me, too. Naisip nyo po ba kung ano yung mararamdaman ko. Bakit hindi na lang tumigil muna si daddy. Naging congressman na sya dati, tapos bumaba as governor tapos lalaban nanaman sya as congressman. Ganun po ba kayo kagahaman. Hindi lang po si daddy ang pulitiko sa mundo." I said quickly. Pero narealize ko lang yung sinabi ko nung sinampal ako ng malakas ni mommy.

Fighting it with you✨ [MED SERIES  # 4] COMPLETEDWhere stories live. Discover now