Last month na kasama ko sya. Pero lately sunod-sunod yung away namin. I caught mom slapping him again, sa condo ko. Bakit ba hindi makapaghintay sila mommy. I promised them I'll leave him. Ano pa ba gusto nila. Kaya kahit text sila ng text na umuwi ako para suma sa filing hindi ako nagreply.
"Ilan admission kagabi?" Tanong ko kay Josh. Nakipagpalit kasi ako ng duty sa iba para hindi kami magkasabay ni Clark. I still hate the fact na hinahayaan nyang saktan sya ng magulang ako. Sampal lang yun. Pero sobrang nakokonsensya ako.
"May 12 ata. Endorse na." Sabi ni Josh. After ng endorsement ay sumama kami ni Caleb magrounds sa AP nung mga pasyente. Kahit toxic sa ER hindi ako nagrereklamo. I needed a diversion. Nakapaglunch kami 3 pm na.
"Bakit nakipagpalit ka rin?" Nagtatakang tanong ko.
"Si Doc Jessa. May sakit daw yung baby nya." Caleb answered immediately.
"Bakit ang dami pa ring admission. Hindi pa ba tapos yung dengue season." Malamyang sabi ko.
"May ulan pa rin e. Na-order mo ba yung labs nung room 301?" He asked casually.
"Oo. Nagpa-stat na ako. Nagtext si Doc De Mesa na i-relay agad yung result." Sagot ko na lang.
The next days, halo-halo na yung admission namin. May diarrhea, dengue at mga uti. Tapos halos puno yung Pavillion wing. Hindi ko halos namamalayan yung oras. Ang dami ring pasyente sa NICU na premature. Hindi ko alam paano hahatiin yung katawan ko sa dami ng kailangan gawin. Marami naman kaming residente, pero sobrang laki kasi nung hospital tapos parang hindi naman nawawalan ng pasyente. Kakatapos pa lang ma-UV yung room, ilang oras lang may kapalit na namang pasyente. Hindi ko nga halos nakikita sila Yna.
Pag-uwi ko kinubukasan sa condo, nagulat ako nung nasa loob si Clark at nagluluto. He immediately smiles upon seeing me.
"What are you doing here?" I asked coldly.
"Dito naman ako nakatira. You agreed, remember? At bakit iba yung sched mo?" Tanong nya.
"May nakipagpalit ng duty. Do I need to explain everything to you?" I shouted. That left us both dumbfounded. Walang gumagalaw. But seconds later he walked towards me and wrapped his arms around me.
"I'm sorry. I let your mom slapped me again. But, baby she's your mom. Hurting her means hurting you, too. I don't have the right to hurt people." He murmured.
"But it doesn't give her the right to slap you either. Paulit-ulit tayo dito, Clarkson." I said in an annoyed voice.
"Kaya nga paulit-ulit tayo. But baby, what do you want me to do. I'm not raised to hurt anyone. Mom won't like that." He stated. I just looked at him.
"And you think your mom will not get mad at me if ever it reached them?" Inis na tanong ko.
"Chill, it won't. Let's stop fighting. Ayokong nag-aaway tayo. I can't even focus. Please, bati na tayo. Miss na kita." He said then creased his nose.
"Tss. Ako o yung katawan ko?" I asked then rolled my eyes.
"Both. I missed your laugh and smile. I missed all of you. So, no more fighthing. Mababaliw akong hindi tayo okay." He uttered.
"OA. Ang toxic kaya as if naisip mo pa yun." Sagot ko. He just shrugged and kissed me briefly.
After naming kumain ay natulog na kami. Apparently nung pinabago ko yung sched ko, pinabago daw nya ulit kay Gab yung kanya. Baliw talaga. Nakakahiya na kila Gab. Pero wala naman daw syang reklamo, except sa irap sa simula.
YOU ARE READING
Fighting it with you✨ [MED SERIES # 4] COMPLETED
Romance[Med Series # 4] Celine Amira Dela Merced has always been the daughter who'll follow what her parents told her to do. Never in her life, she tried to defy them. She don't go out with others. She's only friends with her cousin Gino, and Clark who is...