Chapter 21

357 11 0
                                    

One week before clerkship nag-ayos kami ng gamit sa condo. Nauna akong naglagay ng gamit kasi busy pa ata sila Trish magwalwal. Sa mga IG stories ni Yna nagpunta silang Siargao, tapos last week halos tumira na sila sa morato, katipunan at poblacion. I'm not sure if may problema sila or gusto lang nila mag-enjoy bago yung start ng gera.


"Saan ka ngayon?" Clark asked nung sabay kaming pumasok ng hospital.


"Pedia. Ikaw?" Tanong ko.


"Surgery. Grabe yung toxic, baby." He said pouting. I just laughed a litte nung papasok na kami ng hallway.


"Pre-duty ka?" Tanong ko.


"Pre. Grabe buti same tayo. See, I told you soulmates." He said laughing. Baliw talaga. Nung nasa intersection na kami ng department ay hinila nya ako agad sa gilid. He kissed me quickly tapos nagkunwaring may nahulog sya nung may dumaan na residente ata. Baliw talaga.


"Dinner tayo later?" He asked. I just nodded. Wala akong kagroup sa kanila. Si Yna, Gab at Josh yung magkakasama. Kami ni Trish yung nakahiwalay. Si Marco ay Clark magkagroup din. Kaya feel na feel ko si Trish sa sinasabi nyang kahirap mag-adjust. Nasanay ata akong sila lagi yung kasama ko. Kagroup ko naman sila Ciara pero si Trish kasi kaclose nila.


Sabay kaming nagtime-out ni Clark. Dumiretso kami sa condo nila kasi duty naman daw si Marco. Hindi man nga ata sila nagkakasabay sa condo. Nagluluto lang sya ng sinigang habang nililigo ako. May mga gamit at damit rin kasi ako dito. Paglabas ko nakahain na sya.


"How's your duty?" I asked tapos nilagyan ko ng kanin yung pinggan nya.


"Toxic. Or normal naman ata talaga yun. Ikaw? Pagod ka? Massage kita later?" Tuloy-tuloy nyang tanong. I just smiled at him. Sya ata nakakaalis ng pagod ko. Buti na lang dutymate kami. Kahit hindi ko sya kasama sa group, parehas kami ng schedule.


"Medyo. Daming admission sa pedia onco." Sagot ko. Sobrang awang-awa ako sa mga bata, may 4 years old pa kaming may leukemia.


"Massage kita later. I rarely see Trish. Nakikita mo ba sya?" Tanong nya sa akin.


"Hindi. Wala syang kagroup tska kaduty sa atin. Ang drama nga nya sa gc." Natatawang sabi ko.


"E yung tatlo?" Tanong nya ulit.


"I don't know. Mukhang sila yung mga nag-eenjoy. Magkakasama sila e." Sagot ko. After naming kumain ay nagbasa lang kami tapos natulog na. Maaga kaming umalis ng condo nya kasi ang traffic. Duty kami ng 7 am. Pero ang labas namin ng hospital ay after two days pa, 36 hours na sa hospital kami magstay.


Dahil ata sa toxic minsan, parang sanay na yung katawan kong puyat, pagod at late yung kain. Minsan dinadaanan ako ni Clark ng snack, pero hindi ko rin nakakain kasi madalas ipapatawag kami sa ER or mag-aassist sa ward. Sobrang nakakapagod na minsan gusto ko na lang maging pasyente.


Sa next na rotation ay doble yung toxic. Totoo nga yung sabi ni Clark na parang malulumpo ka sa dami ng scheduled OR. Halos lahat ng kain ko lampas sa tamang oras. Minsan naglulunch ako ng 4 pm tapos may dinner pa akong 11 pm na. Kahit magkaduty kami sa hospital hindi ko na sya nakikita. We rarely even text, kasi pag nasa duty halos aligaga akong nagchecheck ng vitals at nagpeperform ng PE. Minsan naiiyak na lang ako sa pagod.


Pag-uuwi ako ng condo wala sila. Lumipat din si Gab sa amin after ng isang buwan. Late ata kasi syang nagising one time kaya nademerit sya. Gino kept asking about her, pero wala naman ako makwento kasi hindi ko naman sila nakakasama. Pag-uuwi ako, papasok sila ng duty.


Fighting it with you✨ [MED SERIES  # 4] COMPLETEDWhere stories live. Discover now