06

6 5 0
                                    

"Tara?" Nakangiti nitong sabi, hindi pa ako nakapagsalita ay bigla na lang niya ako inakbayan ako nang mahigpit.

"Pagkabilang ko ng tatlo, tatakbo tayo ah...tatlo!" Natatawang sabi nito. Pakiramdam ko ay kusang gumalaw ang mga paa ko kasabay ng pagtakbo niya habang nakaakbay pa rin siya sakin

Kaya daling-dali kaming tumakbo sa gitna ng malakas na ulan at sa awa naman ng diyos nakarating kami sa paresan, bigla naman ako tinubuan ng guilt ng makita ko siyang basang-basa samantalang ako hindi ako mashadong mabasa, "nako, sorry. Sana pala hinintay na lang natin tumila ang ulan, ayan tuloy basang-basa ka" sabi ko. Umiling siya

"Wala ito, mas okay pa yung mabasa tayo kesa magutom! Tara na, kumain na tayo. Anong gusto mo?" Masayang pa nitong sabi. Kaya wala na akong nagawa kundi pumili ng gusto kong pagkain, "grabe, ang sarap nito!"

Ngumiti ako, "I told you, masarap talaga ang pares ni kuya" sabi ko pa. Kaya napangiti ang tindero, "ay! Nako, ineng. Maliit na bagay" sabi pa nito. Kaya natawa na lang ako

"Charlotte, may nakapag sabi na ba sayo na...maganda ka lalo na kapag nakangiti" singit ni Daniel. Na nakatingin pala saakin

"Sinabi mo pa, hijo. Ang ganda talaga ni ma'am Charlotte, alam mo ba kapag nandito yan ang daming kumakain dito at tinatanong ang pangalan niya!" Kwento nito. Napailing ako

"Ano ba kayo! Maliit na bagay" biro ko. Habang iniiwasan ang tingin saakin ni Daniel at kumain na lang ng tahimik, "kuya, eto po bayad. Keep the change" sabi niya. Sabay kindat kaya agad itong magpasalamat bago kami umalis

"Salamat sa libre ah"

"Wala yun, basta bukas kain ulit tayo ng pares!" Sabi niya. Kaya tumango ako at ngumiti, "Oo ba, basta libre mo" natatawa kong sabi

"Naman, nandito na tayo" sabi niya nang makarating kami ng sakayan, "salamat, teka hindi ka sasakay?" Tanong ko. Umiling ito at napakamot na lang ng ulo, "may d-dadaanan pa ako eh, ingat ka sa paguwi" sagot nito

At nilagay nito ang hawak niyang bag sa likod at tuluyan na ito naglakad papalayo habang ang bus ko ay dumating na kaya napakagat ako ng labi at tinawag ko ito, "Daniel, sumakay ka na! Sabay tayong umuwi!" Sigaw ko

Kaya agad itong napatigil at patakbong siyang bumalik para makasakay na kami ng bus dahil hindi ko hahayaan na umalis siya ng basa ang damit niya dahil ako ang dahilan kung bakit siya nabasa ng todo, "hmm, sorry ayan lang ang nakita kong damit na bagay sayo"

Kaya napangiti siya ng makita ang t-shirt na may bunny print, "okay na ito, salamat" sabi nito at nagulat ako ng agad nang unting-unti niyang binubuksan ang kanyang polo kaya napaiwas ako ng tingin, "m-may gusto ka bang k-kainin? Kape g-gusto mo?" Nauutal kong sabi

At nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na suot na niya ang t-shirt at pinupunasan ang kanyang basang buhok, "Hmm, kape na lang" inosenteng sabi nito. Kaya pumunta na agad ako sa kusina para ipagtimpla ko siya ng kape

"A-anong ba pinagiisip mo? Charlotte!" Bulong ko. Habang pilit na burahin ang naiisip ko kanina kay Daniel, "dalagang pilipina ka! Charlotte kaya wag mo na yun is—"

"Sinong kausap mo? Charlotte" singit ni Daniel. Nasa counter na pala ito kaya ang puso ko ngayon ay walang tigil sa pagtibok ng mabilis, "a-ah, wala, a-ano lang yun nagiisip a-ako ng kung anong scene yung isusulat ko sa... story ko, oo yun nga" nauutal kong sabi

"Hmm, nagsusulat ka din pala?"

"Oo, nagsusulat ako kapag may f-free time ako. Eto pala kape mo hehe" sabi ko. Sabay bigay ng tasang may laman nang kape

"S-salamat sa pakape.."

"Your welcome, Daniel" nahihiya kong sabi. Kaya uminom na ito ng kape at nagulat ako nang nawala ang ngiti ito sa mukha at tumingin saakin kaya biglang akong kinabahan, "b-bakit? Hindi ba masarap y-yung kape?" Tanong ko.

Umiling siya, "anong ginawa mo dito? Ang sarap!" Masayang sabi niya. Kaya napangiti ako habang pinanood ko siyang uminom ng masarap, "I think, may bago na akong favorite"

Kaya napakamot ako ng ulo, "nako, asukal at instant coffee lang yan, Daniel" natatawang kong sabi. Ngumiti lang siya habang patuloy lang siya sa paghigop ng kape kaya napangiti ako dahil kahit sa simpleng paginom nito ng kape ang cute niya pa rin tignan, "why are you looking at me? May dumi ba ako sa mukha?"

Umiling na lang ako at umiwas ng tingin baka sabihin nito may gusto ako sakanya, "So, how's your first review?" Pang-iiba ko. Kaya napatigil siya sa paginom at tumingin saakin

"Well, a-ayos lang naman. Enjoy ako sa pagbabasa ng manuscript" sabi pa nito. Kaya napatango ako, habang inaalala ko ang first day ko bilang book editor muntik pa nga ako mapagalitan dahil kung anu-ano daw ginagawa ko sa desk ko mabuti na lang nandyan si Wade para ipagtanggol ako kay Ms. Lim

"Mabuti naman, sa susunod na araw tuturuan na kitang magedit. I'm sure gustong-gusto mo na iyon gawin" nakangiti ko pang sabi. Pero wala akong nakuhang sagot sakanya kaya tumingin ako sa gawi niya at nagulat ako may flash

"Hey! B-bat mo ako kinuhanan?!"

"Bagay pala sayo ang nakangiti, mas lalo kang gumaganda" sabi nito. Habang nakatingin pa rin siya sa cellphone niya kaya napaiwas ako ng tingin. "B-burahin mo iyan!"

"No, I don't. This is the best smile na nakita ko, Charlotte" sabi pa nito. Sabay ngiti kaya mas lalo akong namula. Bwisit!

**

Nang dahil sa sinabi niya hindi pati ako nakatulog ng maayos kaya eto nanaman ang eye bags ko. Bakit ba kasi ganun na lang ako kiligin sa mga ba—wait what kiligin?

Kaya napailing ako at hinintay ko na lang magbukas ang elevator nang may umakbay saakin, "good morning, Charlotte. Ano yung nasagap kong balita na magkasama daw kayo ni Daniel kumain sa paresan" sabi nito. Kaya napailing ako dahil hindi talaga ito mahuuli sa mga chismis,

"ano totoo ba?"

"Oo, totoo. Saka anuman kung magkasama kaming pumunta sa paresan? Friends naman kami no" matapang kong sabi. Habang papasok kami ng elevator kaya hinampas niya ako, "friends ka dyan! Hindi mo ba napapansin yung mga pasimpleng tingin niya sayo kahapon. Hindi friends ang tingin niya sayo!"

"Ewan ko sayo, Patty, ayoko na yang lab lab na yan! Natruma na ako!" Sabi ko. Habang palabas kami ng elevator at papuntang office namin, "jusko! Charlotte ilan taon na nagdaan hindi ka pa rin makamove on!" Sabi nito. Kaya napailing ako at umupo na lang sa desk ko

"Alam mo naman kung anong nangyari nun diba? Kaya wag mong sabihin na 'ilan taon na yun' dahil kapag naalala ko yun nasasaktan pa rin ako" seryosong sabi ko. Kaya napabuntong hininga siya at niyakap ako ng mahigpit

"I'm sorry, Charlotte, ang gusto ko lang maging masaya ka. Gusto ko ulit makita yung masayahing Charlotte nung nakilala ko" sabi nito. Sabay ngiti habang tinapik niya ang balikad ko, "Hey, good morning Ms. Editor" bati ni Aries kaya bumalik na ulit sa kanyang desk si Patty at nagtipa na lang

"Oh, wrong timing ba ako? Gusto nyo balik na lang ako mamaya" sabi nito. Kaya napangiti na lang ako at umiling, "hindi, wag na. Umupo ka na lang dyan at magsimula na tayong magedit"

"Alright, teka nasaan si Daniel yung assistant mo?" Tanong pa nito. Kaya tumingin ako sa paligid para hanapin siya pero wala akong nakitang anino niya, "mukhang nalat—"

"Good morning! Late na ba ako?" Sabi nito. Habang hingal na hingal dahil tumakbo pa ata ito para lang makapasok ng maaga, "no, hindi ka late! Magsisimula palang kami" singit ni Aries. Kaya napatingin siya saakin

"Magsimula na tayo, ilan chapters na lang ang kailangan natin i-edit" sabi ko pa. Sabay ngiting pilit habang ang puso ko ay walang tigil sa pagtibok ng mabilis dahil sakanya

Between two of us | ✓Where stories live. Discover now