12

3 4 0
                                    

Walang tigil ang tunog ng alarm clock ko pero wala akong ganang tumayo sa kama, eto na kasi ang araw na pinaka ayoko dahil sa araw na ito nawala ang dalawang tao na mahalaga saakin...sila Mama. Naalala ko pa halos hindi ako makakain at makatulog dahil sa nalungkot naramdaman ko nung mga araw na iyon

"Charlotte, kausapin mo naman kami tatlong araw ka nang ganyan hindi mo manlang ginalaw yung pagkain mo. Anak, sige na lumabas ka na sa kwarto kausapin mo kami" pakiusap ni Tita Cora pero hindi ako sumagot at nagtaklob na lang ako ng kumot

Ilan buwan din bago ako nakabalik aa realidad at dahil iyon sa tulong at suporta nila Tita Cora hindi sila tumigil saakin pero...hindi na ako kagaya dati na masayahing Charlotte. I became cold and heartless one.

Pero nagbago yun nung makilala ko si Jasper. Walang araw na hindi niya ako kinulit kaya lagi ko siyang nasusungitan. "Pwede ba, Jasper stop following me! Hindi mo ba alam na naiinis na ako sayo!" Galit kong sabi. Napabuntong hininga siya at dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ko, "I'm sorry kung naging makulit ako, gusto ko lang kasi makipagkaibigan sayo"

At doon niya nakuha ang pihikan kong puso. Masaya naman ang naging simula ng ibigan namin hanggang sa unting-unti nawala ang pagmamahal niya saakin, "May problema ba tayo? Jasper" tanong ko. Habang nandito kami sa locker room, "wala, I'm sorry kung hindi ako nagpapakita sayo these past few days busy lang talaga ako sa practice. You know, may laban kami sa susunod na linggo"

Tumango na lang ako at ngumiti, "okay, I understand wag mong kalimutan magpahinga ah" paalala ko pa. Kaya ngumiti siya at halikan niya ang noo ko, "I will, let's go babawi ako sayo ngayon" sabi nito. Sabay hawak sa kamay ko napangiti ako at tuluyan na kaming umalis

Sana hindi ako naniwala sakanya, sana hindi ako nagpabola at nagpaloko sakanya. he my break heart na matagal kong binuo... he betrayed me

"Jasper, What's the meaning of this? sinong babae yan?!" Naiiyak kong tanong kaya napangiti ito at inakbayan ang babae, "oh, I glad to meet my GIRLFRIEND Soe" pakilala nito. Sabay halik dito kaya dahan-dahan tumulo ang mga luha ko sa pisngi habang marami naman ang nanonood saamin 

"I thought you loved me, akala ko ako lang ang mahal mo" naiiyak kong sabi. Kaya natawa ito at napailing siya, "Ikaw mahal ko? Dream on, Charlotte sa tingin mo magkakagusto ako sa nerd at weird na kagaya mo? well, ang totoo yan pinagpustahan ka lang namin and now ako na ang nanalo. wala ka na ngayon saakin!"

At sabay-sabay silang nagtawanan kaya niyukom ko ang mga kamao ko at dahan-dahan lumapit sakanya at nagulat naman ang lahat sa ginawa kong pagsuntok sakanya sa mukha, "Ayan ang bagay sayo! Manloloko!" sabi ko at umalis na parang walang nangyari habang nakangisi 

Napangiti ako habang nakahiga pa rin ako sa kama naputol naman ang pagmuni-muni ko ng tumawag si Patty, "Hey, good morning. Charlotte papasok ka ba?"

"Hindi, sabihin mo na lang kay Daniel na masama ang pakiramdam ko. Babawi na lang ako sakanya bukas" sabi ko. Kaya narinig ko ang buntong hininga niya, "Oh, sige. Tawagan mo ako kapag kailangan mo ng kausap ah labyu" sabi nito. Kaya napangiti ako at nagpaalam agad sakanya at nagtalukbong ulit ako ng kumot at doon ako nagiiyak

Hanggang sa may narinig akong katok sa  pinto kaya kahit tinatamad akong tumayo ay pinilit ko pa rin buksan ang pinto, "sandali lang! sino ba kasi it—daniel" nauutal kong sabi

Kaya agad itong ngumiti at pinakita pa niya ang dala niyang mga pagkain, "pwedeng pumasok?" Tanong nito. Kaya wala na akong nagawa kundi papasukin ko siya

Between two of us | ✓Where stories live. Discover now