11

6 6 0
                                        

"Ano bang nangyari? Charlotte parang ang laki ng problema mo kanina" sabi nito. Habang nasa playground at nakaupo kami sa duyan dahil napagod na kami sa kakalakad, "yung sa sunog kasi..yung akala mo aksidente lang ang lahat yun pala may nagplano at sariling pamilya ko pa" panimula ko. Habang nakatingin sa kawalan kaya tinapik niya ako balikad

"Sinabihan ako ni Tito Wade na babalik daw ako sa bahay dahil matagal na akong gustong makita ng Lola ko" dagdag ko pa. Kaya napatingin siya saakin, "so, iiwanan mo na ang publishing house pano sila Patty...pano ako?" Sabi nito. Kaya napabuntong hininga ako at ngumiti ng pilit 

"Hindi pa naman ako nakakapagdesisyon eh, binigyan niya ako ng isang linggo para makapagisip dahil alam niyang hindi ganun kadali ang iwanan ang nakasanayan ko nang buhay" sagot ko. Kay nakahinga ito ng maluwag, "kung anuman maging desisyon mo, I support you kasi alam kong doon ka magiging masaya" sabi pa nito. ngumiti ako

"Salamat, Daniel. Alam mo nahihiya na ako sayo kasi lahat na lang pagdra drama ko ikaw yung lagi kong kas—" napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong halikan sa noo, "Because you are my mission, Charlotte. Nandito ako para protektahan at damayan ka"

Ngumiti ako, "thankyou talaga, Daniel. tara na, lumalalim na ang gabi maaga pa tayo bukas" sabi ko. Kaya agad siyang tumayo para samahan ako papuntang sakayan at ihatid din niya ako dahil baka may mangyaring daw masama saakin kaya wala akong nagawa at  hinayaan ko na lang siya, "good night, Charlotte. wag mo nang isipin yung mga nalaman mo kay director baka lalo hindi ka makatulog" paalala pa nito.

Napangiti na lang ako, "okay, hindi ko muna iisipin yun. Salamat pala sa pagsama saakin ngayon ah, bukas ililibre kita ng pares" sabi ko pa. Kaya natawa siya at tumango

"Aasahan ko yan, Charlotte. So, pano aalis na ako kita na lang tayo bukas" sabi nito. Kaya napatango ako, "hmm, Ingat sa pagbiyahe!"

Ngumiti ito at tuluyan nang umalis kaya pumasok na ako sa apartment nang biglang tumunog ang phone ko at nalaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang notification na ayaw kong makita. dalawang araw na lang pala ay sasapit na ulit ang death anniversary nila

Kaya napabuntong hininga ako at pinatay ang phone ko. This is a hard day for me para isipin ko pa ang death anniversary nila, "kailangan ko nang makapagdesisyon sa lalong madaling panahon" bulong ko at pumasok sa kwarto 

NAGISING ako dahil sa ingay ng phone ko kaya dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tamad na kinuha ang phone ko

"hello, Patty, bakit?" inaantok kong sabi. nilayo ko naman ang phone ko dahil ang bilis niyang magsalita, "Patty, kakagising ko lang pwedeng kumalma ka muna. Ano bang problema?"

📱:oh, I'm sorry, Sis kasi...may issue kumakalat ngayon sa social media about sa libro ni Aries na ninakaw lang ni Aries ang story niya!

"Anong ibig mong sabihin? Patty"

"May nag claim na sakanya daw yung story yun at ninakaw lang daw yun sakanya ni Aries" dagdag pa nito. Kaya napatayo ako sa kama dahil sa labis kong pagkagulat, "pupunta na ako diyan. bye" sabi ko at binaba ang tawag

Wala na akong inaksayang oras at agad akong nagayos. Alam ko sa sarili ko na hindi magagawa ni Aries ang ganun bagay na yun dahil kahit may kayabangan itong taglay ay alam kong mabait siyang tao, "sino kaya nagpalabas ng article na yun?"

Pagsakay ko ng bus narinig ko agad ang dalawang babae na naguusap tungkol sa issue kay Aries, "Oy! Alam mo ba yung issue tungkol kay SimounIbarra? Yung sikat na author ngayon" sabi nung isa babae. Kaya umupo ako sa katapat nila at pasimpleng  nakikinig sa usapan nila, "Oh, anong meron sakanya?"

"Yung na-publish na libro niya, eh nakaw lang pala! Eto oh may article pa" sabi nito. Kaya napatingin ako sa gawi nila. "Ang laking issue yan!" Komento nito. Kaya hindi na ako nakatiis at nilapitan ko sila

"Ah, excuse me lang no hehe, matanong ko lang kung saan nyo nakuha yung kwentong yan?" Magalang ko pang sabi. Kaya nagtinginan silang dalawa

"A-ah, kumakalat po kasi siya sa social media. Eto po oh" sabi niya. Sabay pakita ng article na nagsabi ngang ninakaw lang daw ang  kwento ni SimounIbarra, "hindi maari ito!"

Nagpasalamat ako sa dalawa bago ako pumara halos takbuhin ko na nga para mabilis akong makapunta sa publishing house at pagkadating ko nakita ko silang nag-uusap kasama si Ms. Lim at ni director martinez

"Ms. Garcia, mabuti nandito ka na kailangan natin magusap" seryosong sabi nito. Kaya napabuntong hininga ako at lumapit sakanila

"Chineck nyo naman diba? Bago nyo i-pub?"

"Yes, m-ma'am..."

"God! Ngayon lang tayo naka-encounter ng ganitong problema! Ethan alam mo na ba kung sino naglabas ng article?" Tanong nito. Kaya takot na tumango si Ethan

"Eh, si Aries na contact nyo na?"

"H-hindi pa po" sagot ni Patty. Kaya napabuntong hininga lang ito habang kami  naman nagtiningan lang, "Charlotte, ikaw ang tumawag sakanya hindi dapat lumaki ang issue na ito dahil malaki ang magiging epekto nito sa image ng publishing house!" Inis na sabi ni Ms. Lim bago ito pumasok sa kanyang office kaya napabuntong hininga na lang kaming tatlo at ginawa namin ang mga trabaho namin para hindi na lumaki ang issue tungkol kay Aries

Kaya agad kong tinawagan si Aries mabuti at sinagot niya agad. "Lotte, hindi ninakaw yun!" Naiiyak na sabi nito. Kaya ginulo ko na lang ang buhok ko, "yea, I know. Aries kaya pumunta ka dito para matulungan ka namin" mahinahon kong sabi

Narinig ko pa ang hikbi niya sa kabilang linya, "Sige, pupunta na ako diyan para malinis ko ang pangalan ko" sabi niya. Kaya napatango ako

"Hintayin kita" sabi ko. Sabay end tawag kaya sinabihan ko agad si ms. Lim pagkatapos ay agad akong napaupo. "Hey, sis. Okay ka lang"

"Paano nangyari ito?"

"Hey, hindi mo kasalanan. Wag ka nang malungkot maayos din ito" sabi nito. Kaya tumango ako kaya tinapik-tapik niya balikad ko, "Mamaya ng lunch may ikukwento ako" pang-iiba niya. Kaya napangiti na lang ako

Maya-maya naman dumating si Aries na halata walang pang tulog dahil sobra laki ng eye bags niya at kasama niya rin yung girlfriend niya, "Ms. Lim? Nasaan"

"Nasa office, bilisan mo kanina ka pa nun hinihintay!" Sabi ko. Kaya napatango siya

"Okay, salamat. Mamaya na lang" sabi nito. Kaya tumango na lang ako kaya tumungo na sila sa office ni ms. Lim habang ako naman nakatingin lang sakanila

Nung lunch time, kaming dalawa ni Patricia ang magkasama hindi ko kasi mahagilap si Daniel anyway gaya nga ng sinabi ni Patty kanina marami siyang kwentong dala lalo na kay Tres na longtime crush niya nung highschool nagkita kasi sila ngayon

"Ay! Kahit ang tagal na hindi kami nagkita still crush ko pa rin siya!" Kinikilig na sabi nito. Kaya napailing na lang ako, "Saan ba kayo nagkita?" Sabi ko. Kaya napangiti siya

"Sa supermarket habang namimili ako. Siya nga ang tumulong sakin magbuhat" sabi nito kaya napangiti ako dahil kitang-kita ko ang kilig at saya sa mga mata niya. "Pogi pa rin?"

"Ay! Sobrang pogi, walang kupas ang killer smile niya waah!" Kinikilig na sabi nito kaya napailing ako at inubos ko ang burger ko

"Maiba ako, Kamusta kayo ni Daniel?"

"Ha? Okay lang naman kami ni Daniel ah" seryoso kong sabi. Kaya napailing ito, "Paano naman ako sasaya kung wala pa ring boyfriend ang kaibigan ko? Aba sis galaw-galaw!"

"Nako, Hihintayin ko na lang dumating ang destiny ko! Ayoko nang masaktan ulit" sabi ko. Sabay inom ng juice kaya napailing ito

"Alam mo, sa tingin ko hindi ka lang marunong tumingin. Nandyan na kaya destiny mo!" Sabi nito. Kaya kumunot ang noo ko, "Nasaan?"

"Yun oh, nasa likod mo!" Sabi pa niya. Kaya napatingin ako sa likod at nakita ko si Daniel may dala pa siyang bulaklak, "Flowers?"

Between two of us | ✓Where stories live. Discover now