26

11 4 0
                                    

"She's very beautiful, saan mo ito nakuha?" tanong ni Lance. Habang nakatingin sa sa old painting nila Mama napangiti ako, "s-sa storage room, kahapon namin nakita ni Daniel"

"Sayang at hindi ko nakilala ang mama. She have a soft features bagay maging beauty queen!" masayang sabi nito. Napailing ako, " at nakuha yun ng apo ko"

"True, Mami. Sige po exit muna ako" sabi nito at tuluyan ng umalis kaya agad kong niyakap si Lola, "Omg! Lola, bakit po kayo nandito may problema po ba?" tanong ko. Umiling siya at tumingin sa painting

"Ilan taon na ang lumipas pero hindi ko pa rin matanggap nawala sila. Marami pa silang gustong gawin lalo na sa company. Namimiss ko na sila" sabi nito. Kaya inakbayan ang ko siya at tumingin din sa painting, "Me too, Lola. Sobrang miss ko na sila" bulong ko.

Napatigil naman kami ng dumating ang dalawang pulis, "sorry for interrupting your me time, ladies pero aialangan po namin kayo makausap" seryosong sabi ni Vhen.

"May lead na ba kung sino ang may pakana ng kaguluhan sa sunog?" tanong ni Lola. Tumango ito kaya nagtinginan kaming dalawa ni Lola, "sumunod kayo saamin sa office natin itong pagusapan ang investigation"

"ETO, ang nakita namin bago mangyari ang sunog. Meron kaming tatlong nakita na kahina-hinalang tao" panimula nito. Sabay pakita ng tatlong CCTV cameras at nakita namin ang dalawang lalai at isang babae

"Yung isa, nalaman namin na nagtrabaho siya sa company nyo at under sa marketing department. Yun palang ang alam namin Ms. Garcia" sabi nung kasamahan niya kaya napatitig ako sa lalaking naka black cup

"Gawin nyo ang lahat ng makakaya nyo para mahuli nyo ang mga suspect na yan" sabi ni Lola. TUmango ito, "Ms. Garcia, magingat po kayo dahil anytime pwede nilang gawin yun para mawala ka sa landas nila. Mauna po kami" sabi nito at tuluyan umalis

Kaya maraming tanong ngayon ang gumugulo sa isipan ko at isa na doon ang...kung sino pa ang kalaban ni Daddy sa company bukod kay Tita Ofelia. "hija, okay ka lang ba?" Tanong ni Lola. Ngumiti ako at tumango

"Ako'y nagaalala sayo, gusto mo bang kumuha ako ng maraming bodyguard para ma bantayan ka nila" pagaalala nitong sabi. Umiling ako at kinapitan ko ang kamay niya, "wag na po, nandyan naman po yung assistant ko si Daniel and don't worry walang mangyaring masama saakin" sabi ko. Sabay ngiti

Kaya niyakap niya ako ng mahigpit, "nag-aalala talaga ako sayo, hija. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sayo ikaw na lang titirang alala ni Manuel" naiiyak nitong sabi. Ngumiti na lang ako

"Siya, alis na ako. Sasabihan ko rin yung mga kasama natin sa bahay na mag double ingat din" dagdag pa nito. Tumango ako at niyakap ulit siya, "magingat din po kayo" sabi ko. Kaya napangiti ito at tuluyan nang umalis kaya napabuntong hininga na lang ako at pumikit sandali dahil ang daming pumapasok sa isip ko ngayon, "hay! Kaya ko pa ba?"

"Hey! Ayos ka lang kanina ka pa tahimik diyan ah" sita ni Ace. Habang nandito kami sa coffee shop na malapit lang sa hotel syempre kasama ko rin ang seloso kong boyfriend na si Daniel na busy umiinom ng kape

"A-Ah, yes I'm okay, marami lang ako iniisip. Kamusta nga pala yung sa investigation sa nawawalang pera okay na ba?" Sabi ko. Kaya napabuntong hininga ito at umiling, "sabi ng kaibigan ko, on process pa rin investigation niya sa nawawalang pera but don't worry may nahanap naman akong isang evidence. Here"

Sabay bigay ng brown envelope at kumunot ang noo ko ng makita ko ang mga pictures nila Tito Wade at Tita Ofelia kasama ang daddy ko, "can you please explain this, kung ano ito?"

Ngumiti ito, "your Tito Wade was inlove with your mom but your mom is inlove sa daddy mo na ayaw naman ng Tita mo dahil matinding kaaway niya ang mom mo sa pagent" kwento nito. Kaya tumaas ang kilay ni Daniel

"Ano naman kinalaman ng story mo sa nagyayaring pagpatay sa parents ni Charlotte" singit ni Daniel. Kaya napangisi ito at pinagpatuloy ang kwento niya tungkol sa love triangle nila Tito Wade at Papa, "so you mean, hindi pa rin makamove on si Tito Wade sa pagkatalo niya kay papa kaya gusto niya akong patayin. Ganun ba?" Tanong ko.

Tumango siya kaya nagulat ako ng hinampas ni Daniel ang mesa, "no! Hindi ganun si director martinez. Ang bait niya kaya plus he's happily engaged kay Ms. Lim kaya wag mong sabihin na involved dito si director Martinez" angal ni Daniel. Tumango ako bilang pag sang-ayon kay Daniel, "I agree, siya nga ang tumulong saakin makabalik eh"

"Oh, wag kayong magalit isa lang yun sa mga theory ko. Sige na kumain na tayo sayang ang kape lumalamig na" sabi nito. Kaya napailing ako at inubos ang kape at cheesecake ko nang napansin akong kahina-hinalang lalaking na may kausap sa phone at isang kotse malapit sa gawi namin, "Daniel, nakita mo ba yung lalaking nakablack cap? Kanina pa siya nakatingin saatin" bulong ko.

Kaya pasimpleng tinignan nung dalawa ang lalaking sinasabi ko, "napansin ko din yan kanina nung pumasok ako sa coffee shop" sabi ni Ace. Kaya tinignan ko siya ng diretso kaya dahan-dahan kaming umalis sa table at agad kaming tumakbo pero nauna na itong tumakbo, "shems! Kailangan natin siyang mahuli, sundan mo Ace!" Sigaw ko.

Kaya daling-dali siyang tumakbo sa kanyang kotse, "hindi niya maabutan yung lalaki, I think kailangan ko nang gamitin ulit ang pakpak ko" seryosong sabi nito. Kaya tumingin ako sa paligid kung saan pwede niyang gamitin ang pakpak, "doon! Walang tao"

Kaya daling-dali kaming pumunta doon at wala na siyang inaksayang oras at nilabas na niya ang kanyang pakpak. Hindi ko pa rin maiwasan hindi mamangha nang makita ko ulit ang puting pakpak nito, "wow! Ang ganda talaga ng wings mo! Daniel"

Ngumiti ako, "let's go, kailangan na natin magmadali" seryosong nitong sabi. Sabay lahad ng kamay nito kaya napangiti ako at tinanggap ang kamay ko, "let's go!"

At isang iglap nasa harap na kami ng lalaking hinahabol namin, "wala ka nang matatakbuhan" seryosong sabi nito. Kaya takot na humarap saakin at nanlaki ang mata nito ng makita ang puting pakpak ni Daniel, "m-maawa kayo saakin! Wag nyo muna akong kunin!" Naiiyak na sabi nito. Habang nakaluhod sa harapan namin kaya dahan-dahan lumapit si Daniel sa lalaki, "sinong nag-utos sayo na manmanan kami? Kanino ka nagtra trabaho?"

"Ahm, n-napagutusan lang ako na bantayan kayo at sabihin sakanila kung ano ang pinaguusapan nyo. Yun lang ang alam ko" sabi nito. Kaya napailing ito at hinawakan ang damit na nito, "hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, kanino ka nagtra trabaho!" Inis nitong sabi.

Kaya napatingin saakin ang lalaki, "kay W—bang!" Naputol ang sasabihin niya ng may bumaril sakanya na nakaputing maskara at dali-dali itong umalis kasunod ang pag-sulpot ni Ace, "late na ba ako?"

"Oo, patay na siya. Ace" seryosong sabi nito. Kaya ginulo ni Ace ang kanyang buhok dahil sa sobrang inis. Mabuti na lang at hindi niya naabutan ang paglabas ng pakpak ni Daniel

Between two of us | ✓Where stories live. Discover now