27

10 4 0
                                    

Hanggang ngayon hindi pa rin sa aking isipan ang nangyaring paghuli sa lalaking nahuli namin pero namatay din nang hindi namin malaman kung sino ang nag-utos sakanya na manmanan kami sa coffee shop, "hoy! Charlotte ayos ka lang ba?" Tanong ni Patty. Habang magka video call kaming dalawa

Kaya napabuntong hininga ako at tumango, "yea, okay lang ako. Medyo busy lang ako dahil inaayos namin yung function room ng hotel" sagot ko. Napailing siya nang marinig ko ang boses ni Tita Cora, "teka, si Charlotte, ikaw ba yang kausap mo?" Singit ni Tita Cora. Tumango si Patty kaya agad inagaw nito ang phone

"Charlotte! Ikaw nga haha kamusta ka na diyan? Kumakain ka ba ng marami diyan? Tignan mo ang katawan mo ang payat mo na!" Sabi nito. Kaya napangiti na lang ako

"Okay lang po ako dito, medyo marami lang po akong inaayos ngayon kaya hindi na po ako nakakain ng maayos hehe" sagot ko. Kaya napailing ito, "ikaw talagang bata ka oh, sa susunod nga dadala ako diyan ng paborito mong ulam para marami kang makain" sabi pa nito. Kaya tumango na lang ako

"Salamat po, Tita! Nga pala kamusta yung online business nyo?" Tanong ko pa. Habang inaayos ko ang mga papeles na nakakalat sa mesa ko, "ah, okay naman. Salamat nga pala doon sa perang binigay saamin ng lola mo malaking tulong talaga saamin yun lalo na sa pagaaral ni Amber" sabi nito.

"Wala pong anuman, Tita Cora. Teka po nasaan si Amber?" Tanong ko. Kaya nagulat ako ng marinig ko ang boses nito, "present! Hello ate Charlotte, miss na po kita!" Masayang sabi nito. Kaya napangiti ako dahil sa new hair style niya, "ang ganda naman ng hair mo, Amber!"

"Hehe, thankyou! Tignan mo twinning na tayo" sabi pa nito. Kaya napailing ako, "pagbutihan mo pagaaral mo ah at laging sumunod kay ate Patty at sa mama mo ah" paalala ko pa. Tumango siya kaya napairap si Patty

"Opo, gusto ko pong maging businesswoman katulad nyo!" Sabi nito. Kaya napangiti ako, "Hay! Sayo lang naman yan sumusunod. Halatang may favoritism" maktol ni Patty. Kaya tinaasan siya ng kilay ng kapatid niya, "ang bad mo kaya saakin! Lagi mo akong inaasar"

"Oh, tama na yan. Kayo talaga ang hilig nyong mag-away! Hays" saway ni Tita Cora. Kaya natawa ako dahil namimiss ko na ang scenes na katulad ng ganito, "maiba ako, kamusta nga pala yung investigation doon sa sunog sa hotel? Nalaman nyo na ba kung sino ang may pakana nun?" Singit ni Tita Cora. Kaya napabuntong hininga ako at umiling

"Hindi pa po, hinahanap palang po nila kung sino, ang sabi nila saamin is yung isa sa mga suspect ay under ng marketing department kaya heto ako tinignan ang mga resumé nila para hanapin kung sino yung posible na suspect" paliwanag ko. Kaya napabuntong hininga ito at bakas dito ang pagaalala saakin

"Eh, magiingat ka, sabihin mo saakin kung nahihirapan ka na. Pupuntahan talaga kita diyan" sabi pa nito. Tumango ako

I'm so lucky to have them dahil kahit anong dumating saakin problema kasama ko pa rin sila at handa nila akong damayan. "Opo, sige po ibaba ko na po ito. Tatawagan ko na lang kayo mamaya" sabi ko. Kaya nag flying kiss saakin sila Patty at Amber

"Okay, bye bye!"

Napabuntong hininga at napatingin na lang sa kisame ng opisina ko nang tinawag ni Ace ang pangalan ko, "hey, ayos ka lang ba?" Tanong nito. Umiling ako at umupo sa tabi niya at binuksan ang food pack, "hindi ako okay, Ace. Kamusta yung pinapahanap ko sayo? Ayos na ba" tanong ko. Sabay kagat ng burger

Napangiti ito at may binigay saakin isang brown envelope na naglalaman ng mga financial reports at iba pa, "kompleto na yan, yung mga red marks diyan...yan yung mga mawawalang mga pera ng company" paliwanag nito. Kaya tinignan ko pa ang ibang papeles, "wow, ang laki naman nito! Nalaman ba niya kung sino o saan napupunta ang ganitong kalaking pera?" Tanong ko.

"Oo, ang sabi niya isang account lang napupunta ang mga pera. Sa pangangalaga ni Stella Lim" sabi nito. Kaya napatigil ako sa pagbuklat at tumingin sakanya

"Sigurado ka ba diyan? Ace"

Tumango siya sabay kagat ng burger, "bakit kilala mo ba siya?" Tanong nito. Tumango ako sabay kagat ng burger nang marinig ko ang boses ni Daniel, "heto na ang ka—oh may burger ka na pala"

"Umupo ka na, eto para sayo" alok ni Ace. Kaya agad itong lumapit saamin at umupo sa gitna namin dalawa ni Ace, "thankyou, ano palang pinaguusapan nyo?"

"Nandito na yung bank account na hinihingi ko kay Ace at sabi niya kay Stella Lim daw napupunta ang lahat ng nawawalang pera" paliwanag ko. Kaya napatakip siya ng bibig dahil sa nalaman niya, "seryoso ba yan?"

"Oo, sa tingin ko mukhang siya talaga ang master mind sa lahat ng kaguluhan nangyayaring ito. Paano niya nagawa yun?" Tulala kong sabi. Kaya niyakap agad ako ni Daniel, "kahit ako ay hindi makapaniwala sa mga nalaman ko dahil ang bait niya saatin"

"Ganun talaga, gusto niya ang pwesto mo kaya ginamit niya ang Tita Ofelia mo para hindi ka makahalata sa totoo niyang pakay. Anyways, nakausap ko na pala si officer Vhen para buksan ulit ang kaso ng mga magulang mo at para mahuli ang mga may sala" seryosong sabi nito. Tumango na lang ako

"Salamat sa lahat ng tulong mo, Ace. Ingatan mo ang lahat ng ebidensya laban sakanila pero gusto kong sila mismo ang umamin sa mga ginawa nilang mga kasalanan" sabi ko. Kaya tinignan nila ng seryoso, "paano natin gagawin? Ano pupuntahan mo sila tas paaminin ganun ba?"

"Alam kong pinamaman manan nila tayo dahil alam nilang nage enbestiga tayo at nasa atin ang mga mahalagang ebidensya. Ngayon gagawa sila ng move para mawala yun...doon tayo gagawa ng plano"

"Okay, I get it. So anong plano?"

Pagkatapos nun ay umuwi na kami sa bahay, pagkapasok ko ng kwarto ay agad kong kinuha ang flashdrive sa drawer ko at binuksan ko rin ang laptop ko, "Charlotte kaya mo ito! Kailangan mong malaman kung ano talaga ang nangyari sa sunog" bulong ko sa sarili ko at dahan-dahan kong sinaksak ang flashdrive kong hawak at i-click ang video nitong laman

At nanlaki ang mga ako nang makita ko kung sino ang nasa video, "andwae! Hindi pwede..."

Between two of us | ✓Where stories live. Discover now