04

7 7 0
                                    

Pagkamulat ko ng mga mata ko nakita ko agad ang puting kisame at pagkalingon ko nakita ko si Patty na natutulog pa sa gilid ko habang sila Amber naman ay nasa sofa

Napangiti na lang ako dahil doon na kahit anong mangyari saakin nandito sila para samahan ako sa kahit anong pagsubok na dumating sakin, "Oh my gosh! Gising ka na!" sabi ni Patty at niyakap ak ng mighipit

"I'm really sorry Charlotte kung iniwanan kita iyan tuloy na aksidente ka" naiiyak na sabi nito. Kaya napailing ako at ngumiti ng pilit saka ko hinawakan ko ang kamay niya, "Don't be sorry, Patty, walang may kasalanan sa nangyari"

"Hay! Thank God, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari masama sayo!" naiiyak nitong sabi. sabay yakap sakin kaya napailing ako at tinapik-tapik ko ang balikad niya nang may pumasok sa kwarto

"Charlotte!" sigaw ni director martinez. kaya nagising din sila amber at nagulat sila ng makita nila ang boss namin, "D-Director..."

"Are you alright? hija. may masakit ba sayo?" tanong nito. Tumango ako kaya parang ito nabunutan ng tinik ng marinig niya yun. "Thank God your okay" sabi nito. Sabay yakap saakin

Kaya tumaas ang kilay ni Patty pati na rin sila Tita Cora dahil sa inasta ni Director Martinez, "S-Sir..." Sabi ko. Kaya agad niyang tinanggal ang pagkayakap saakin at inayos ang suit nito

"oh, I'm sorry, I'm so worried about you lalo na at hinabilin ka sakin ng tatay mo" sabi nito. Kaya nasa akin na ang atensyon nila Tita, "she's my anak-anakan, by the way. Hindi mo ba sinabi sakanila?" Sabi nito.

"Alright, pumunta lang naman ako dito para i-check ka kung okay ka lang at nasa maayos kang lagay and... don't worry about your bills I already paid" sabi pa nito. Sabay ngiti

"Thankyou, Tito..."

"You're always welcome, Charlotte... aalis na ako" sabi nito. At tuluyan na itong umalis kaya nakahinga ng maluwag si Patty at agad niya akong nilapitan, "grabe ka! Bakit hindi mo sinabi na anak-anakan ka pala ni Sir Wade!" Sabi nito sabay hampas niya saakin kaya natawa ako, "Ayan tuloy, ang init ng dugo sayo ni Ms. Lim dahil nagseselos siya sainyo!"

"Nagseselos si Ms. Lim? Gusto niya si Sir?"

"Ay, hindi ka updated? Gustong-gusto ni Ms. Sungit si Director Martinez! Napansin kasi namin na may iba sa tingin ni Ms. Lim everytime nandyan si director martinez kaso...mukhang hindi yun napapansin ni Sir dahil mashadong busy si Sir sa trabaho The end" sabi pa nito. Umiling ako

"Scratch that, Patty. Hindi mo sure kung wala talagang nararamdaman si Tito kay Ms. Lim" sabi ko. Sabay ngisi, kaya kumunot ang noo nito at magsasalita pa sana ito ng dumating na mga nurse para i-check ako at sabi nila wala naman daw akong nakuhang serious injury except sa sugat ko sa noo pero mananatili pa rin ako dito para sa observation. "Oh, narinig mo sinabi nang doktor. Charlotte magpahinga ka daw" paalala ni Tita Cora. Habang hinahanda ang pagkain ko kaya napangiti ako

"Opo, Tita. Narinig ko po" sagot ko. Kaya agad ito napangiti at nilagay niya ang pagkain ko nang may dumating ulit bisita, "Charlotte!"

"Ethan, g-uys..."

"Hi, Ms. Editor. Pwedeng mang gulo" singit ni Aries na may dalang basket ng prutas habang ang mga kasamahan nila ay may dalang mga bulaklak at mga pagkain, "sure..."

Kaya napuno ng tawanan at kwentuhan ang buong kwarto dahil sa daldal ng mga kasamahan nila, "uy! Salamat pala sa pagdalaw sakin dito ah" sabi ko. Umiling si Ethan

"Wala yun no, Charlotte..."

"Pahinga ka muna, Charlotte. Kami na bahala sa mga naiwan mong gawain" sabi ni Scar na isa rin niyang ka chikahan tuwing lunch time

"Thankyou, sister..."

"Siya nga pala, Charlotte. Nakilala mo ba yung nagdala sayo dito nung...na aksidente ka?" Singit ni Patty. Habang kumakain ng ice cream kaya biglang tumahimik ang mga kasamahan ko at hinihintay ang sagot ko, "ahm, hindi eh"

>"Your safe now, miss" sabi nito. Bago siya tuluyan mawalan ng malay

"Uy! Mukhang nagkagusto si Charlotte kay mysterious Guy" pang-aasar sakanya ni Scar. Kaya napuno nanaman ng ingay ang kwarto kaya napangiti siya, "uy! Wag nga kayo baka mas lalong mamula si Ms. Editor yan!"

Gabi na nung nagpaalam na sakanila ang mga kasamahan nila dahil maaga pa ang pasok ng mga ito, "Ate Charlotte, gusto mo bang lumabas muna tayo? Sabi kasi maganda daw ang moon ngayong gabi" sabi ni Amber. Kaya ngumiti ako at tumango kaya agad niyang kinuha ang isang wheelchair. "Ako muna ang nurse mo ngayon habang wala pa sila Ate"

"Ate Lotte, umuwi ka na saamin. Lagi kasi akong inaaway ni Ate Patty" pagsusumbog sakin ni Amber kaya napailing na lang ako

Gabi na kaya medyo tahimik ang mga pasilyo kaya agad namin tinungo ang rooftop kung saan kitang-kita namin ang ganda ng kulay dugong buwan, "wow! Ang ganda niya!"

"Sobra, Ate!" Sabi nito. Habang kinuhanan nito ang buwan, "sabi nila blood moon daw ang tawag dyan, hay! Sana may maligaw na bampira dito yung...kasing pogi ni Brixton!" Kinikilig na sabi nito. Kaya natawa ako

"Nako, sana nga..."

"Speaking of vampire, ang lalim ng boses nung tumawag saamin lalaki nung gabing na aksidente ka!" Sabi nito. Kaya napatingin ako sakanya habang naka kunot ang noo ko, "talaga? Hindi nyo ba siya naabutan?"

Umiling ito, "sayang nga eh, kasi pagdating namin sa hospital wala na siya, hindi nga rin siya nagpakilala sa mga nurse eh" sabi nito. Sabay tingin ulit sa dugong buwan at kasabay nun ang pagihip ng malamig na hangin

Napabuntong hininga na lang ako habang pilit na inaalala ang nangyaring aksidente, "Your safe now, miss" sabi nito. Kaya napatulala ako dito habang pilit kong kinakabisado ang mukha nito bago siya mawalan ng malay, "sino ka talaga?" Bulong ko. Habang nakatingin sa kawalan nang tawagin kami ni Patty

"Ay! Jusko, bakit kayo nandito hindi nyo ba alam kung anong oras na?" Sabi ni Patty. Habang nakapawang pa ito kaya tumawa kami

"Tita Cora, ikaw ba yan?" Natatawa kong sabi. Kaya napailing ito at pumunta sa likuran ko para itulak ang wheelchair ko, "Ikaw talaga, Charlotte, diba sabi ng doktor magpahinga ka raw" paalala nito. Habang pababa sa wheelchair ramp kaya napairap ako

"Nagpahangin lang kami ni Amber" sagot ko. Kaya napabuntong hininga na lang siya, "alright, pero dapat kasama mo ako lagi, mahirap na baka may mangyari nanaman"

Pero hindi nila alam na pinagmamasdan na sila ng dalawang binata, "narinig mo yun, pre. She's looking at me!" Masayang sabi nito. Kaya napailing ang kasama nito, "yea, I hear that. Ano ba nagustuhan mo doon sa babae except maganda siya at matalino?" Tanong nito. Habang nakatingin sila sa pinto kung saan lumabas ang tatlong babae. "I'm just curious about her besides she's my mission"

"Right your mission, kailan pala kayo magkikita?" Tanong pa nito. Kaya napangiti ito, "soon, very soon..." Sagot nito. Sabay ngisi

Between two of us | ✓Where stories live. Discover now