"Kompleto na ba ang lahat?" Tanong ni director. Habang nandito kami sa labas ng building para hintayin ang iba pa namin kasamahan para sabay-sabay na kaming pupunta sa venue which is sa Tanay adventure camp
Bakas din sa iba ang saya sa mga mukha nila lalo na kasama nila ang buong pamilya, "ate! Charlotte, namiss kita!" Sigaw ng bagong dating na sila Amber at Tita kaya agad ko silang niyakap, "omg! Charlotte ang laki ng pinagbago mo! Lalo kang gumaganda just like your mom" sabi nito. Napakamot ako ng ulo
"Syempre, may nagpapasaya sakanya ngayon" asar pa ni Patty. Kaya napailing ako dahil sigurado akong hindi titigil si Tita sa kakatanong hangga't hindi niya nalalaman kung sino, "aba, kailangan kong makilala yan. Nasaan ba siya?" Tanong nito. Kaya nagpalinga linga ako para hanapin siya nang may kamay na humarang sa mga mata ko
"Hinahanap mo ako, my love" sabi nito. Kaya napangiti ako at tinggal ang kamay niya sa mata ko, "bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako dito?!" Inis kong sabi. Napakamot siya ng ulo
"Sorry na, may ginawa pa kasi ako" sabi pa nito. Kaya napairap ako, "siya ba yung sinasabi ni Patty na...nagpapasaya sayo ngayon?" Singit ni Tita. Kaya napaayos ng tayo si Daniel, "s-siya nga po, tita" nauutal kong sabi. Kaya tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at saka ito ngumiti na senyales na pasado ito sakanya
"Wag mong paiiyakin yang si Charlotte kundi lagot ka saakin hmm" paalala ni Tita. Ngumiti naman si Daniel at hinawakan ang kamay ko, "promise po, Tita, hindi ko po paiiyakin si Charlotte" sabi pa nito at tumingin saakin
"Sanaol na lang, tara na, sumakay na tayo ng bus at baka maiwanan pa tayo" singit ni Patty at naunang umalis kaya napailing ako at sumunod sakanila, "ako sa bintana ah"
Habang nasa biyahe kaming dalawa, naglabas ako ng makapal na libro para hindi ako mashadong mabored sa biyahe, "woah, hindi ko alam na mahilig ka pala magbasa ng supernatural at greek mythology"
"Ah, Oo, mahilig talaga ako sa mga ganito kasi sa tingin ko, marami pa tayong hindi alam sa mundo. Like, falling angels at iba pang mga creatures" kwento ko. Ngumiti siya at nagbasa din habang nakasandal ang ulo nito sa balikad ko, "sa tingin mo, totoo kayang may falling angel?" Tanong pa nito. Tumango ako
"Hmm, sa tingin ko, oo gaya nga ng sinabi ko kanina marami pa tayong hindi alam sa mundo. Malay mo kasama pala natin sila hindi lang natin alam" sagot ko. Tumango siya bilang pag sang-ayon at nagulat ako ng bigla siyang sumiksik saakin, "D-Daniel, anong gina—"
"Gisingin mo na lang ako kapag nandoon na tayo, matutulog muna ako" sabi nito. Kaya napailing ako at tinuloy ko na lang ang pagbabasa ng libro nang tawagin ako ni Patty na katapat lang namin ng upuan
"Label muna oy, bago kayo mag ganyan! Ang sakit nyo sa mata hays!" Sabi nito. Kaya natuwa sila Tita at Amber sa inasal ni Patty, "jowain mo na kasi yung doktor para hindi ka maiinggit kina Ate Charlotte"
And after three hours of driving nandito na kami sa Tanay adventure park. Hindi kami makapaniwala sa nakita namin dahil sa ganda ng tanawin at napakatahimik ng lugar, tamang-tama talaga para magenjoy at mag-relax, "welcome sa Tanay adventure park, tara" sabi ng katiwala. Kaya kinuha namin ang mga gamit namin at bumaba na sa bus at doon namin nakita ang lawak ng lugar na pinalilibutan ng mga puno at halaman
"Bumaba na tayo para makakain na tayo ng breakfast, I'm sure, nagutom kayo sa biyahe" anunsyo ni director. Kaya bumaba na yung ibang pamilya at dumetso kami sa malaking mesa kung saan nakahain ang iba't ibang mga seafoods, prutas at side dish, "sana magenjoy kayo sa pagstay dito sa adventure park, enjoy eating guys" sabi nito at tuluyan nang umalis

YOU ARE READING
Between two of us | ✓
Любовные романыCharlotte is a aspiring writer but suffers a devastating accident and She became bitter and cold-hearted one until he meet Daniel. If he finds the true love for Charlotte or he ends up falling for her? Date release; June 3, 2022 End; October 15, 2022