23

3 4 0
                                    

"Are you insane, Daniel. Gusto mong maging assistant ko?! Paano ang naiwan mong trabaho sa Publishing House" sabi ko. Habang nasa opisina kaming dalawa napabuntong hininga siya, "No, I'm not insane. My love worried lang ako sayo paano kapag may nangyaring ulit sayong masama nang wala ako" sabi nito. Ginulo ko na lang buhok ko

"Fine, may magagawa pa ba ako, eh nandito ka na" sabi ko. Kaya napangiti ito at hinalikan ako sa pisngi, "thankyou, my love!" masayang sabi nito. Sabay yakap saakin ng mahigpit

"Welcome, Daniel"

"Ehem, V-Vice President" singit ni ni Ace. Kaya kumalas ako sa pagkakayakap kay Daniel at inayos ang office attire ko, "yes, ace" pang-iiba ko. Kaya tinignan niya si Daniel mula ulo hanggang paa, "whose this, by the way"

"Oh, I forgot to introduce to you my new assistant si Daniel and...Daniel si Ace the president of the company" pakilala ko. Kaya agad napangiti ang kababata ko at nilahad niya ang kamay nito, "so, ikaw pala ang special someone ng kakabata ko. Nice meeting you bro" sabi nito. Kaya ngumiti ng matamis ito at tinanggap ang kamay nito, "nice meeting you"

"Pinatatawag tayo sa Conference room dahil sa incident na nangyari sa kahapon" seryosong sabi nito. Kaya napabuntong hininga ako

"Alright, Let's go" maikli kong sabi at nauna nang lumabas papuntang conference room kung saan naghihintay ang dalawang pulis at si Lola, "have a sit, apo, Ace" utos ni Lola. Kaya umupo kami mga pwesto namin

"hi, good morning kami ang may hawak ng kaso about sa nangyaring kaguluhan kahapon. Pwede nyo bang ikwento saakin kung anong nangyari kahapon?" seryosong sabi nito. Kaya napatingin ako kay Daniel at hinawakan ko ang kamay ko at napabuntong hininga

"Nung una okay naman ppo ang flow ng event hanggang nakatanggap ako ng box na puno ng dugo at may nakasulat na...you must die. Doon na ako nakaramdam ng takot hanggang sa tinawag na ako sa stage para magspeech"

"Sa tingin mo sino ang utak sa likod nang ito? May naging kaaway ka ba or galit ba sayo na pwedeng gumawa sayo nun?" Tanong nito. Tumango ako, "sila tita Ofelia po"

"What? Kami paano mo naman nasabi na kami nga ang nagplano nun?" Tanong ni Tito Carlo. Kaya napangisi ako at tumingin sakanila, "dahil kayo ang nagbigay saakin ng box, remember?" sabi ko. Kaya napatingin sakanila si lola

"Totoo ba yun? Mr. Ferrer" seryosong sabi nito. kaya napailing si tita, "no, it's not true! Paano kami ang magbibigay ng box kung nasa Cebu kami nung araw na yun?" sabi nito. Umiling ako at hinampas ng malakas ang mesa

"Sinungaling! Ikaw mismo ang nagbigay saakin ng box! Aminin mo kasi, tita" naiiyak kong sabi. Kaya ginulo na lang niya ang buhok nito dahil sa sobrang frrustration, "Hindi nga ako yun, Charlotte. gusto mo nang puweba? Heto!" sabi nito. Sabay bigay saakin ng phone nito at nakita nga namin ang mga pictures nila sa Cebu, "nung isang linggo pa kami sa Cebu dahil may inaayos kami kaya impossibleng kaming makabalik sa Maynila" singit ni Tito

"At saka, aaminin kong may galit ako sayo dahil ikaw ang laging magaling sa mata ni mama pero hindi yun ang rason para patayin ka!" dagdag pa ni Tita. Kaya biglang natahimik ang buong conference room, "alright, I che-check na lang namin ang CCTV camera kung nagsasabi kayo ng totoo. Salamat sa oras na binigay nyo saamin" singit nito at tuluyan nang umalis ang dalawang pulis kaya katamikan ang namayani sa buong conference room

"Okay, let's move on. Ace ipakita mo na ang report tungkol sa nangyaring sunog sa hotel" sabi ni Lola. Kaya ngumiti ito at sinalang ang presentation, "as you can see, madam. Ang pinsala ng sunog na nangyari sa Casa Manuel hotel" panimula nito. Sabay flash ng screen ang naging pinsala ng hotel

"mabuti na lang at function room ang nasira at hindi nadamay ang ibang parte ng hotel dahil maagang dumating ang mga bumbero para patayin ang apoy" paliwanag nito. Kaya napahilot na lang ako ng noo nang pinisil ni Daniel ang kamay ko at saka niya ako ngitian

"Okay ka lang ba?" Tanong nito. Habang pabalik kami sa office kaya napaupo na lang ako sa swivel chair, "I don't know, Daniel. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Kung hindi si Tita Ofelia ang nagbigay nung box...sino? May iba pang kaaway si daddy"

"Hmm, mukhang kailangan talaga natin panoorin ang nasa flashdrive na binigay ng kababata mo para maliwanagan tayo" sabi nito. Tumango ako at napalumbaba na lang

"Gamitin mo kaya ang powers mo, tignan mo kung nagsasabi ng totoo sila Tita o hindi" sabi ko pa. Umiling siya at napabuntong hininga, "hindi pwede, Charlotte. Against sa rule namin yun. Bawal namin gamitin ang powers sa mundo ng mga tao unless... kailangan na kailangan na talaga kagaya ng ginawa ko kahapon" sabi nito. Kaya napasimangot ako

Kaya napangiti ito at lumapit saakin, "my love, wag mo munang isipin yan hmm" sabi nito. Sabay yakap saakin, "hindi ko na alam kung sino ang kalaban ko o kung sino ang kakampi ko sa lugar na ito, Daniel. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang lumaban dahil sa nangyari kahapon" naiiyak kong sabi. Kaya naramdaman ko ang halik niya sa ulo ko

"Shh, malalampasan mo rin ito, Charlotte. Para sa mga magulang mo" paalala pa nito. Habang pinupunasan ang luha ko sa pisngi kaya napangiti ako. Right, para kina Mama ang laban na ito kaya kailangan kong maging matatag para sakanila at para sa sarili ko

"My love, let's go may pupuntahan tayo" bulong nito. Kaya tumayo ako at sumama sakanya, "saan tayo pupunta? Daniel" tanong ko pa.

"Somewhere, my love. Kung saan makakalimutan mo sandali ang problema mo. Close your eyes, baby" sabi nito. Kaya sinunod ko ang kanyang utos at agad kong pumikit, "Magisip ka ng lugar na gusto mong balikan, my love" bulong pa nito.

"Now, open your eyes, My love. We're here" sabi pa nito. Kaya dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at nagulat ako ng makita ko ang isang abandonadong peryahan

"W-Wow, paano mo...nagawa yun" sabi ko. Kaya napangiti siya at hinawakan ang kamay ko, "let's go" at patakbong kaming pumasok sa peryahan, "naalala ko, dito kami madalas pumunta nila mama tuwing weekends dahil doon lang sila nagkakaroon ng free time"

—❤︎

"PAPA, MAMA. Gising na po!" Masayang sabi ni Charlotte. Habang ginugulo nito ang tulog ng mga magulang nila dahil ngayon ay araw ng sabado at yun ang araw na gusto niya

"Hey! My princess, mashado kang excited ngayon ah" inaantok na sabi ng papa niya kaya napangiti siya, "gusto ko po kasing sumakay sa carousel! Papa" masayang sabi nito. Kaya ginulo ng papa niya ang buhok nito

"Alright, my princess. Sasakay tayo sa carousel but first kailangan muna namin magbihis ng mama mo" sabi nito. Kaya ngiti

—シ︎

"Hay! Ang saya nun kapag darating na ang sabado at linggo. Kasi makakasama ko ng matagal sila mama" kwento ko pa. Habang nandito kami sa taas ng peris wheel

"Hindi ka ba nagalit sakanila dahil wala silang time sayo?" Tanong nito. Umiling ako at ngumiti ng pilit, "hindi, dahil alam kong ginagawa nila yun para sa future ko. Wala akong pinagsisihan na sila ang naging perents ko dahil alam kong mahal nila ako"

"Mahal ka rin nila, Charlotte. Sobra...alam kong proud na proud sila sayi dahil isa-isa mo nang nabubuo ang sarili mo at patuloy ka pa rin lumalaban sa hamon ng buhay" sabi nito. Kaya napatingin ako sakanya, "hindi ko naman magagawa ito kung wala ang tulong mo. Thankyou for everything Daniel" sabi ko.

"Wala yun, my love. Dahil dyan deserve ko ng kiss yung...matunog" sabi nito. Sabay nguso kaya napailing ako at hinalikan ko siya sa pisngi, "ilove you, Daniel" bulong ko

"Ilove you more, my love. Pwedeng isa pa Charlotte sa labi naman" sabi nito. Kaya natawa ako at hinalikan ko siya sa labi. I'm very lucky na nakilala ko ang katulad ni Daniel na kaya akong patawanin at cheer up

Between two of us | ✓Where stories live. Discover now