08

6 6 0
                                        

Kanina pa tumutunog ang alarm clock ko pero hindi pa rin ako bumabangon at nakatulala lang ako sa kisame habang iniisip ko ang mga sinabi saakin ni Daniel nung isang araw

>"you deserve to be happy" seryosong sabi nito. Kaya napaiwas na lang ako ng tingin dahil alam kong may tutulo nanaman luha sa mga mata ko, "Ahm, manood na lang tayo"

Kaya napailing ako, no wala akong karapatan sumaya dahil everytime na pipikit ako nakikita ko nakikita ko ang itsura ni papa bago ko siya iniwan sa nasusunog na bahay...wala akong nagawa para iligtas siya kaya I don't deserve to be happy nang dahil saakin namatay sila

naputol naman ang pagmuni-muni ko nang biglang tumawag saakin ni Patty, "hello, bakit?" tamad na sabi ko. habang nakahiga pa rin ako

"Anong bakit? ngayon ang book signing ni Aries! kaya tumayo ka diyan at pumunta ka na dito" sabi nito. kaya napabuntong hininga ako at tamad na tumayo para maghanda para sa book signing pero bago ang lahat kinalikot ko muna ang phone ko at nagpatugtog which is pagtingin ng ben&ben na isa sa mga gusto kong banda, "iibig lang kapag handa na~"

pagdating ko sa venue sinalubong agad ako ng malakas na sigawan dahil anytime aakyat na si Aries sa maliit na stage, "your late, ms. garcia" salubong agad saakin ni ms. lim, "sorry po, madam, ang traffic po kasi" palusot ko

kaya tinaasan niya ako ng kilay, nagsasalita pa sana siya nang tinawag ako ni Wade kaya agad akong lumapit sakanila, "pinagsabihan ka nanaman ni ms. sungit no?" bulong saakin ni Tito Wade. kaya napangiti na lang ako habang nakatingin lang ako sa mini stage

"Let's welcome our beloved author mr. Aries Enrile a.k.a simounibarra!" Sigaw ng emcee. Kaya lalong magwala ang mga tao ng makita nila si Aries

"Hi, good morning everyone! Ready na ba ang mga libro nyo?!" Sabi pa nito. Kaya lalong nagsigawan ang mga fans niya habang kami naman tumatawa lang, "Hindi bagay kay Aries maging author HAHA bagay siyang maging artista ang gwapong bata!"

"Nako, wag nyo yan sabihin baka marinig tayo eh mas lalong lumaki ulo yan" sabi ni Patricia kaya natawa na lang kami, "Oy, mamaya manglilibre daw si director!"

5pm na nung natapos ang book signing kaya diretso agad kami sa isang restobar na may Videoke syempre kasama namin si Aries na hindi pa rin makamove on at may energy pa

"Anong gusto nyo?"

"BEER!" sigaw pa nila. Kaya napailing si director martinez at umorder na lang habang yung iba naman dumeretso agad sa karaoke syempre una na diyan si Patty na agad kinanta ang paborito niyang piyesa habang kami naman ni Daniel nakaupo lang sa isang tabi at tahimik na kumakain. simula nung sinabi niya yun hindi ko muna siya pinansin dahil malaki ang naging epekto nun saakin

"oh, bakit ang tahimik nyo? nagaway ba kayo?" tanong ni director martinez. kaya napakamot ako na lang ako ng ulo, "hindi po!"

"talaga, eh kung ganoon uminom kayo" alok pa nito. kaya hindi na ako nakatanggi at agad kinuha ang isang bote nitong hawak, "ikaw, hijo gusto mong uminom?" tanong pa nito pero umiling ito at napangiti na lang

"Ahm. kasi... hindi po ako sanay uminom" nahihiya nitong sabi kaya natawa na lang si director habang ako naman ay iniom wala naman masama kung magsasaya ako ngayon diba?

"Cheers to our successful book signing!"

"cheers!" masayang sabi ng mga kasamahan namin sa table, "thankyou po pala sa libreng pakain ngayon director" sabi ng isa namin kasamahan kaya napailing si tito wade

"nako, maliit na bagay ito, deserve nyo ito dahil sobrang sipag nyo. kaya inom lang ng inom ako na bahala sa payment" sagot nito.

And after three bottles of beer tinamaan na agad ako hindi ko na nga alam kung ano pinag gagawa ko basta ang mahalaga saakin ngayon ay masaya ako, "Woah! Party!"

Nakipagkantahan din ako kali Patricia na puro broken songs ang kanta dahil ang isa pala namin kasamahan ay broken, "Ingatan mo siya binalewala niya ako dahil sayo!"

"Woho! Go bestie kaya mo yan!"

Ngumiti na lang ako at pinagpatuloy ang pagkanta ko. Nagulat naman ako nang may umagaw sa mike ko, "That's enough, charlotte, lasing ka na" seryosong sabi nito. kaya tinignan ko siya ng masama dahil sa pag agaw nito ng mike saakin, "Pero gusto ko pang kumanta!" angal ko pero hindi nawala ang seryosong tingin niya saakin

"Let's go, umuwi na tayo" seryosong sabi pa nito kaya wala na akong nagawa kundi sumama sakanya, "Napaka KJ mo!"

"No, I'm not. Baka mas lalo akong mainlove sayo kapag pinagpatuloy mo yun" sabi nito. Kaya napalingon ako sakanya at lumapit

"A-anong sinabi mo? Daniel"

Nagulat ako ng bigla niya hapitin ang bewang ko, "I'm inlove with you, Charlotte" sabi niya. Saka niya inangkin ang labi ko. "And I know you forget this night"

***
Daniel

I was starting at Charlotte while she's busy singing hindi ko maiwasan hindi matawa sa nakikita ko because I was suprise na ganito pala siya kapag lasing

"You like her?" Tanong ni Aries. Habang tumutungga ng beer... "Yea, I like her"

"Kung ako sayo liligawan ko na iyan, ang balita ko kasi may gusto din si Ethan kay ms. Editor" sabi pa nito. Kaya tumingin ako sa gawi nila Ethan at sakto naman nakatingin din siya kay Lotte. "She's mine, I have to go"

So ayun na nga nakapagconfess pati ako kay Charlotte nang wala sa oras pero I'm sure hindi niya maalala ito at ngayon nakabackride siya sa akin. "Oy! Alam mo  crush ko si Daniel" sabi nito. Kaya napatigil ako sa paglalakad

"Talaga? Anong nagustuhan mo sakanya?"

"Hindi ko din alam eh pero ang alam ko bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nandiyan siya...lalo na kapag ngumiti siya! ang gwapo niya" sabi pa niya. Kaya napangiti ako at pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa nakarating kami sa bus stop

Hinatid ko din siya hanggang sa kwarto niya tinanggal ko rin ang sapatos niya. Aalis na sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko

"Don't leave me, I'm scared"

"I won't leave you, baby." Sagot ko. Sabay halik sa noo niya wala na din akong nagawa kundi humiga sa tabi niya at natulog

Between two of us | ✓Where stories live. Discover now