10

6 6 0
                                        

Kanina pa tumutunog ang alarm clock ko pero wala akong ganang tumayo sa aking kama at nakatulala lang ako sa kisame, "gusto mo ba ako? Daniel" tanong ko. Habang hinihintay kong dumating ang bus na dumadaan dito

"hindi ba halata? Charlotte, I really like you" sabi nito. kaya napatigil ako at tumingin sakanya ng diretso habang ang puso ko ay walang tigil sa pagtibok ng mabilis, "anong sabi mo? you like me, alam mo naman na... I'm senior editor and you are my assistant ed—"

"I know that, Charlotte pero wala akong pake doon ilove you!" sabi nito. mabuti na lang at kami lang ang tao nung mga oras na yun dahil kung hindi sigurado akong patitinginan kaming dalawa, "hindi tayo pwede, Daniel ang layo ng agwat ng age natin dalawa! please don't love me" sabi ko. Bago ko siya iniwan mag-isa

Tama ba ginawa ko sakanya? Oo, aaminin ko may nararamdaman din ako sakanya kaso may humaharang saakin. Ayokong na ulit masaktan, ayoko na ulit maloko, isa pa wala akong karapatan para sumaya dahil sa nangyari sa sunog na...ako ang may kasalanan

Napabuntong hininga na lang ako at tamad na tumayo para maghanda sa trabaho. Ayoko naman idamay ang trabaho ko sa personal kong problema kaya binuksan ko ang TV para umingay ang tahimik kong apartment

📺: Ngayon po nandito tayo sa labas ng Garcia Comp. At hinihintay natin lumabas si Lucy Ferrer para makuha natin ang kanyang pahayag tungkol sa eskandalo na kumakalat sa social media ngayon kasama ang sikat na artista si Clyde

Kaya napatigil ako sa paginom ng kape lalo na nung makita ko sa itsura nito na dahan-dahan na lumalabas sa company nila, "teka, saan ko ba siya nakita? familiar ang fac—shems! pinsan ko yan! Oo siya nga!" masayang sabi ko. Kaya nilakasan ko ang volume ng TV dahil na curious ako sa balitang kinasangkutan ng pinsan ko

📺: "Ms. Lucy, anong masasabi nyo sa eskandalo na kumakalat ngayon sa social media?" Tanong ng reporter pero wala silang nakuhang sagot mula rito at umalis lang ito

"Alam kaya nilang buhay ako?" Tanong ko sa sarili dahil simula yung nangyari sa sunog ay wala na siyang naging balita sa iba ko pang kapamilya, "kamusta na kaya si Lola? Alam niya kayang buhay ako?" malungkot kong sabi. Kaya napailing ako at pinatay ang TV para makapaghanda na sa trabaho

PAGKAPASOK ko, nagulat ako ng makita ko si Daniel kaya napabuntong hininga ako at lumapit sakanya, "good morning, Daniel" kaswal kong sabi pero wala akong nakuhang sagot mula sakanya kaya hinintay ko na lang bumukas ang pinto ng elevator

at pagbukas ng pinto nagulat ako ng makita ko sila tito wade at si ms. lim na magkahawak ang kamay, "d-director Martinez, anong ib—"

"mamaya na lang natin to pagusapan, Charlotte. good morning sa inyong dalawa" sabi ni tito wade at lumabas na parang walang nangyari kaya napailing na lang ako, "sanaol"

Kaya wala na kaming dalawa ang naiwan dito kaya wala na kaming inaksayang oras at pumasok sa elevator, tahimik ang namayani saaming dalawa at wala itong balak pagusapan ang nangyari saamin dalawa

Kaya napabuntong hininga ako, "i'm sorry sa mga sinabi ko kahapon, hindi ko ginusto sa—"

"forget it, Charlotte, umakto na lang tayo na parang walang nangyari, tama ka, you are my senior editor at ang trabaho ay trabaho" sabi nito at kasabay nun ang pagbukas ng elevator kaya nauna na siyang lumabas napabuntong hininga ako at sumunod sakanya papuntang desk, "good morning, Charlotte! Daniel!"

"Morning, Patty" tamad kong sabi at umupo na lang sa desk ko habang si Daniel ay diretso din sa kanyang upuan which is sa tabi ko, "ayt, anong meron sainyo? Nag-away ba kayo?"

Pero hindi namin siya sinagot at patuloy lang kami sa pag gawa namin ng mga review sa mga manuscript, "ayt, no commment ang dalawa hmm, Charlotte eto oh! Galing kay Gilbert pa thankyou niya sayo dahil ilan araw na lang ilalabas na ang second libro niya" sabi pa nito. Kaya napangiti siya ng makita niya ang isang box donuts at bouquet

"Salamat kamo, akala ko titigil na yun" sabi ko. Habang nilalantakan ko ang donut nang mapako ang tingin ko kay Daniel na nakatingin din saakin, "gusto mo?" alok ko sakanya kaya napailing siya at nagulat ako ng dahan-dahan niyang nilapit ang kamay niya at saka niya pinunasan ang gilid ng labi ko

"tss, kumain ka ng malinis" huli nitong sinabi bago ulit ito bumalik sa kanyang ginagawa habang ang puso ko ay walang tigil sa pagtibok ng mabilis, "yieee, bagay talaga kayo!"

"BAKIT kasi hindi na lang kayo!" kinikilig na sabi ni Patty. Habang nandito kami sa pantry at inuubos ang donut na binigay ni Gil kaya napailing ako at uminom na lang ng kape

"Patty, trabaho ay trabaho at saka mas bata siya kesa saakin!" sagot ko. Kaya napailing ito at nilapag sandali ang kape niyang hawak, "so, what kung mas bata siya? age doesn't matter, Charlotte I know na may gusto ka sakanya pero takot kang subukan dahil takot kang masaktan at maloko ulit, tama ako? diba"

Kaya napatigil ako at umiwas ng tingin, wala talaga ako maitatago dito kay Patty talagang kilalang-kilala niya ako, "slient means yes, Charlotte. bakit hindi mo ulit subukan umibig ulit mabait naman si Daniel at minsan pa nga ay palabiro din siya tapos...magaling siyang magluto. Daniel is walking green flag!"

sasagot pa ako ng makita ko si  director martinez, "go to my office now, may paguusapan tayo" seryosong sabi nito. Kaya agad akong nagpaalam kay Patty at sumunod sakanya, "ano po bang paguusapan natin? dahil ba ito sa nakita namin dalawa ni Daniel kaninang umaga?" tanong ko pero wala akong nakuhang sagot mula rito hanggang sa office

"I think this is the right time para malaman mo kung ano ba talagang totoong nangyari sa sunog 11 years ago" seryoso nitong sabi. Kaya mas lalo akong na curious sa mga sinabi nito

"A-Ano pong ibig nyong sabihin?"

Kaya napabuntong hininga ito at inutusan niya akong umupo sa mini sofa, "your dad and I were bestfriend since highschool at masasabi kong responsable at mabait talaga siya" panimula nitong sabi. Kaya ngiti na lang ang sinagot ko

"Kaya sakanya binigay ng lola mo ang Garcia Comp. Dahil may tiwala ito na mas lalong mapapalago nito ang kanilang negasyo kesa sa Tita Ofelia mo" sabi pa nito. 

"Ang Tita Ofelia mo kasi ay palaging sinasaway ang mga kagustuhan ng lola mo, kumbaga, your Tita is a black sheep of the family. Kaya nga umangal ito ng malaman na sa tatay mo ibibigay ang company" dagdag pa nito.

"Eh, Tito ano pong kinalaman ni Tita Ofelia sa nangyaring sunog at sa pagkamatay nila Papa" tanong pa nito. Kaya napabuntong hininga ito

At sinabi nga ito ang lahat ng nalalaman niya lalo na tungkol kay tita Ofelia at doon sa nangyari sunog 11 years na nakakaraan...na hangang ngayon hindi pa rin ma-sink in sa utak ko ang mga rebelasyon na nalaman ko

"B-bakit niya ginawa yun?" bulong ko. Habang wala sa sarili akong naglalakad palabas ng building, "Charlotte, are you okay?" sabi ni Daniel. Kaya pinunasan ko ang luha ko sa pisngi bago ako humarap, "yes, I'm oka—"

"No, your not okay, Charlotte tell me w—oh!"

Hindi ko na siya pinatapos at agad akong yumakap sakanya, "take me somewhere, Daniel, g-gusto ko munang lumayo sa lugar na ito" naiiyak kong sabi. Kaya agad niyang tinapik ang likod ko at naramdaman ko din ang labi nito sa aking noo, "okay, your wish is my command, my love" bulong nito. Kaya napatingala ako at nakita ko kanyang ngiti

Between two of us | ✓Where stories live. Discover now