16

3 4 0
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw sa mukha ko kaya bangon agad ako at nag-ayos ng sarili dahil ayoko naman maging pangit sa harapan nila lalo na sa harap ng mga pinsan kong sila Lucy at Luca. Tatlong araw na ako nandito at masasabi kong hindi madali ang pag adjust ko sa buhay na meron ako ngayon. Wala ata akong ginawa kundi ngumiti at makipag socialize sa ibang ka business partners ni lola sa mga diluhan kong parties yung nakaraan

Napatigil naman ako sa pag muni-muni ko ng may kumatok sa pinto kaya agad ko itong binuksan at nakita doon si Johnny na may dalang paper bags, "good morning, Ms. Charlotte pinapasabi po ng Lola nyo na suotin mo po ito at may pupuntahan kayo ngayon" seryosong sabi ni Johnny sabay bigay ng paper bags at saka ito umalis

"Saan kaya kami pupunta ni Lola ng ganitong kaaga?" Tanong ko. Habang nakatingin sa paper bags kaya napailing ako at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos kong magayos bumaba agad ako at doon ko nakita sila Lola at mga pinsan ko kasama sila Tita Ofelia

"Mabuti naman at gising ka na, Charlotte. Tara, samahan mo kaming kumain" aya ni Lola. Kaya napatigil ang buong pamilya sa pagkain at tumingin saakin, "so, totoo pala ang balita b-bumalik ka n-na, Charlotte" sabi nito. Ngumiti ako at umupo sa tabi ni Lola

"M-Masaya ako at nakabalik k-ka na, ang akala k-ko talaga ay patay ka na dahil iyon ang sinabi ng mga pulis dahil...wala daw nakaligtas sa sunog" nauutal sabi ni Tito Carlo. Ngumiti ako habang pinaglalaruan ko ang tinidor kong hawak, "well mali ang nakuha nyong balita, Tito. I'm here...buhay na buhay" sagot ko.

Kaya natahimik na lang ito at uminom na lang ng tubig, "alright, since kompleto na tayo pagusapan na natin ang pagtake over mo sa posisyon ng daddy mo...ang CEO ng Garcia Comp." Sabi nito. Kaya napatigil sa pagkain sila Tita sa biglang anunsyo ni Lola

"Ma, I think mashado pang maaga para sa take over and besides kaya ba ni Charlotte ang maghandle ng malaking company? Anong na lang sasabihin ng board na ipapalit mo sa pagiging CEO ay isang hamak na book editor" sabi nito. Kaya napabuntong hininga si Lola sa pagkontra sakanya ng anak sa gusto niya

"My decision is final, I've been waiting for this. Ofelia. Matagal nang walang pumpalit sa kapatid mo and now nandito na si Charlotte I know na kaya niya patakbohin ang company. Just like your brother" paliwanag nito

"Si kuya nanaman, ma. Hanggang kailan nyo bang matatanggap na wala si kuya! Patay na siya...I think wala nang pagtutunguhan ang usapan na ito dahil kuya lang naman magaling sainyo" sabi nito. Sabay walkout na agad naman sinundan ni Tito Carlo ang asawa

Napahilot na lang ng noo si Lola dahil sa inasal ni Tita, "hay! Sakit sa ulo talaga yang nanay palibhasa lumaking spoiled brat ng Lolo nyo kaya ganyan" sabi pa nito. Kaya hinawakan ko ang kamay nito para pakalmahin, "relax, Lola baka mapano ka po" paalala ko

"Tama ka, nga pala pwede mo ba akong samahan ngayon sa mall para magshoping. Kayo Luca, Lucy gusto nyo bang samahan kami?" Sabi pa nito. Kaya nagtinginan ang dalawang magkapatid, "Ahm, n-next time na lang po, Lola may... aasikasuhin pa po kami mamaya" singit ni Luca. Tumango na lang ito

"Alright, let's go, Charlotte"

Kaya pumunta kami sa Mall na pag mamay-ari din ng Garcia Comp. Kaya halos lahat ng staff's ng Mall naka assist saamin, "good morning po, madam chair. Ano pong kailangan nyo" magalang na sabi ng manager ng store na una namin pinuntahan, "Hmm, I want to dressed up my granddaughter. Ikaw na bahala sa mga magiging damit niya" sabi nito.

"Okay, Ms. Charlotte sumunod po kayo saakin" sabi nito. Kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa babaeng manager. Wala silang inaksayang oras at humanap agad sila ng mga damit na babagay saakin, "Lola, bagay po ba?"

Between two of us | ✓Where stories live. Discover now