02

13 6 0
                                        

Maaga kaming naglipat bahay at kagaya nga ng sinabi ni Patty ay tutulungan niya ako maglipat, "wala ka ng bang nakalimutan?" Sabi nito. Sabay ligay ng last na box. "Wala na siguro, thankyou ah" sabi ko. Habang nilalabas ang mga gamit sa nauna ng mga box

"Wala yun, sis. Basta kapag need mo ng help nandito lagi kami... pupunta ka doon tuwing day off ah" sabi nito. Tumango ako kaya ngumiti siya at niyakap niya ako mahigpit, "oy! Sama ako diyan!" Sigaw ng bagong dating na si Amber kasama pa si Tita Cora

"Omg! Tita! Amber! Akala ko hindi na kayo makakarating" sabi ko. Sabay halik kay Tita sa pisngi, "pwede pa kaming mawala sa ganitong okasyon? Tutulungan ka namin mag-ayos ng mga gamit mo" sabi pa nito. Napangiti ako

I'm so lucky to have them.

Kaya wala na kaming inaksayang oras at inayos na namin ang lahat ng gamit ko, "wow, ate! Eto ba ang Mama mo?" Tanong ni Amber tumango ako, "shems! Ang ganda niya!"

"Sinabi mo pa, nak. Alam nyo bang siya ang lagi namin panlaban sa pagent nung college" kwento ni Tita. Habang inaayos nito ang mga libro sa book shelves, "Ay, sayang. sana naabutan ko siya" malungkot na sabi nito at binalik nito sa ayos katabi pa ang iba pang mga picture frames, "sayang nga..." Bulong ko

Ilan lang ang mga naalala ko sa Mama ko, kagaya ko isa ring siyang manunulat at mahilig din siyang magbasa ng mga libro pero ang talagang namimiss ko sakanya ay lagi niya akong nilulutuan ng carbonara tuwing weekends

"Charlotte, ayos ka lang?" Tanong ni Patty. Ngumiti lang ako at tumango, "don't worry, Patty. I'm okay" sagot ko. Kaya tinapik niya ako at tignan ng masama si Amber dahil alam nila masakit pa rin sakin ang nangyaring sa sunog

"Sino gustong kumain? Luto na ang abodo!" Singit ni Tita. Kaya nauna nang lumabas si Amber kaya kami na lang dalawa ni Patty ang natira dito sa kwarto, "tara na, kain muna tayo" aya nito saakin tumango ako. "Sige na mauna ka na, tatapusin ko lang ito"

Kaya iniwan niya ako sa kwarto, kaya tignan ko ang picture frame na kasama ko sila Mama na masayang nakangiti, "Mama, Papa, miss ko na po kayo" bulong ko. Habang pinipigilan kong hindi umiyak. "Sobrang miss ko na kayo..."

Gabi na nung matapos kaming sa pag-aayos ng mga gamit ko kaya nandito kami sa sala at nanonood ng horror movie, "nako, bakit ayan ang pinili nyong palabas! Alam nyo naman mahina ako sa mga ganyan!" Sabi ni Tita Cora

"Hindi naman mashado nakakatakot yan eh! Kaya okay lang yan" pangungumbinsi ni Patty. Kaya wala nang nagawa si Tita kundi manood. "Amber, i-play mo na. Walang matutulog"

"Yieee, excited na ako!"

Nung una tahimik pa kaming nanonood pero nung nasa kagitnaan na wala na kaming ginawa kundi tumili at magtago sa mga unan na hawak namin, "bwisit ka talaga! Patty akala ko ba hindi nakakatakot, eh ang brutal nga!" Sabi ni Tita. Habang hinahampas siya nito ng unan kaya nagtatawa lang ito, "Ate, wala na tayong chips" sabi nito. Sabay pakita ng tasang walang nang laman kaya ngumiti ako

"Tita, Patty, bibili lang ako chips natin." Paalam ko. Tumango si Tita, "wait, sasama ako!" Sabi ni Patty kaya hinintay ko siya sa labas

"Ingat kayo ah!"

"Amber, wag mong i-play habang wala pa kami!" Paalala ni Patty. Bago kami umalis, Paglabas namin ng bahay sinalubong agad kami ng malamig na hangin kaya nilagay ko na ang dalawang kamay ko sa bulsa ng jacket ko habang si Patty inayos niya agad ang magulo niyang buhok, "let's go!" Sabi nito. Umiling ako

Mabuti na lang may malapit na convenient store dito kaya hindi na kami mashadong lumayo at pagpunta namin doon nakita namin ang mga lalaking nagiinuman sa labas ng store kaya napabuntong hininga ako, "wag na kaya tayong tumuloy"

Between two of us | ✓Where stories live. Discover now