09

7 6 0
                                        

Charlotte 

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha kaya dahan-dahan kong minulat ang mata mata ko, "teka, paano ako nakauwi? Sinong nagha—argh! Ang sakit ng ulo ko!" Angal ko. Pabangon na ako at doon ko ulit naramdaman ang sakit ng ulo ko dahil sa hangover, "Ah! Hindi na ulit ako iinom"

Pero napatigil ako ng may nakita akong kamay nasa bewang ko, "K-kaninong kamay to? May ginawa ba akong katangahan kagabi?" Tanong ko pa sa aking sarili kaya napatingin ako sa tabi ko at inalis ko ang kumot na nakaharang at nagulat ako ng makita ko si Daniel doon

"Ah, why are you here?!"

"Bakit?! May sunog ba?"

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?!" Sabi ko. Sabay hampas sakanya ng unan at napatigil ako ng mahawakan niya ang mga kamay ko at sobrang lapit pa nga ng mukha niya saakin, "Let me explain, okay?"

Shems kahit bagong gising siya ang pogi niya pa rin tignan at infairness ang bango pa rin ng hininga niya, "O-okay, you have five minutes to e-explain!" Nauutal kong sabi. Kaya napangiti agad siya at nagsimula na siyang i-explain ang side habang ako naman nakikinig sakanya

"Ang sabi mo kahapon, 'don't leave me, I'm scared' kaya hindi kita iniwan and besides pagod na din para magbiyahe kaya dito ako natulog. Sorry ah" sabi nito. Sabay kamot ng ulo niya kaya napabuntong hininga ako

"Apology accepted, basta ipagluto mo ako ng breakfast" Sabi ko pa. Habang hindi makatingin sakanya dahil sa mga katangahan ko ginawa ko, "oo naman, tara" sagot niya

Kaya wala akong nagawa kundi sumama sakanya papuntang kusina magsusuot pa sana ako ng apron nang pinigilan niya ako, "just watch, Charlotte alam kong may hang over ka pa" sabi nito. Sabay kindat kaya napaiwas agad ako ng tingin dahil alam kong nagsisimula na naman akong mamula

Kaya nagsimula na siyang maghiwa at magluto ng breakfast namin habang ako naman masayang pinapanood siya habang pinipigilan hindi napangiti dahil kahit magulo ang kanyang buhok at simpleng T-shirt lang ang suot niya ang gwapo pa rin niyang tignan, "hey! Ang lalim ng iniisip mo ah" sabi nito.

"Wala, iniisip ko lang kasi yung libro ni Aries" sabi ko. Habang nakatingin sa niluluto niyang itlog, "anong meron sa libro ni Aries? May problema ba doon sa libro?" Tanong pa nito. Kaya napabuntong hininga ako

"Wala naman problema pero ewan ko kung bakit ganito yung nararamdaman ko parang may mali" sabi ko. Kaya napailing siya, "wag ka munang magisip ng ganyan, Charlotte maging happy muna tayo para kay Aries" sabi nito

"Hmm, okay hindi pa ba tapos yan?"

"Malapit na, gutom ka na?" Tanong pa nito. Tumango ako kaya napangiti lang ito habang hinanda ang mga niluto niyang mga pagkain

"Eto na, kain tayo" aya nito. Sabay ngiti kaya agad akong pumunta sa mesa para kumain, "thankyou sa breakfast, Daniel" sabi ko

"You're always welcome, Charlotte, tara" sabi nito. Kaya agad kong nilantakan ang mga pagkain nasa mesa, "grabe! Ang sarap ng luto mo, dito ka na lang kaya tu—" kaya napailing siya at ngumiti, "pwede naman, Charlotte para laging masarap ang ulam mo" sabi nito.

"Sira! Kumain ka na lang diyan"

Pagkatapos namin kumain agad kaming nag-ayos para pumasok sa trabaho. Pinahiram ko muna siya ng damit para makapasok dahil hassle pa sakanya kung uuwi pa siya, "wow, bagay na bagay sayo damit ni Papa, sorry kung ayan lang yung napahiram ko na da—"

"It's okay, Charlotte, fit nga saakin eh" sabi pa nito. Kaya napailing ako at kinuha ko na ang bag ko, "okay, let's go" aya ko. Kaya agad kaming umalis para pumasok sa trabaho

"Ay wow! Sabay sila pumasok" sabi ng isa namin kasamahan kaya napatigil yung iba sa ginagawa nila at tumingin saamin, "Hindi ko alam na may bago tayong love team!"

"Daniel, ingatan mo yang si Charlotte bihira ka lang makakilala nang ganyan" sabi ng team leader namin kaya tignan ko sila ng masama "kayo talaga hane, back to work baka makita pa tayo ni Ms. Lim...alam mo naman yun"

Kaya agad silang bumalik sa mga ginagawa nila dahil ayaw nilang masermonan ni Ms. Lim. Ang rule kasi dito is work before chismis ayaw na ayaw kasi ni Ms. Lim ang chismosa

"Okay, let's start!" Sabi ko pa. Kaya sumunod si Daniel saakin, "so, tuturuan na kitang magedit! Don't worry basic lang to hmm" sabi ko pa. Kaya agad siyang umupo sa tabi ko

So tinuruan ko siya ang basics and base sa nakikita ko mukhang nageenjoy siya sa ginagawa niya, "Good job, Daniel. Ang tip ko lang sayo is maging friendly ka kapag kinakausap mo yung author hmm" paalala ko pa sakanya habang tinitignan ko ang iba pang mga manuscript na pinadala saamin

"Bagay talaga sayo ang nakangiti"

"Oh, t-talaga? Salamat hehe"

"And now your blushing, cute" sabi niya. Habang nakatingin pa rin siya saakin kaya napaiwas ako ng tingin, "Wag mo a-ako idaan s-sa ganyan! Daniel h-hindi ako n-natutuwa"

May nasabi ba ako nung lasing ako? Kaya pinilit kong alahanin ang pinag gagawa ko nung book signing, "Argh! Ano ba ginawa ko doon?" Sabi ko sa sarili ko. Habang naglalakad papuntang panty hanggang sa may naalala akong scene nung lasing ako

"Oy! Alam mo ba crush ko si Daniel"

"Talaga? Anong nagustuhan mo sakanya?"

"Hindi ko din alam eh pero bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nandiyan siya...plus mo pa yung magaling siyang magluto HAHA"

Shemay sinabi ko yun? Kaya pala lalo siya naging cheesy dahil alam niyang crush ko siya! Hay lupa lamonin nyo na ako

"Sinong kausap mo?"

"Ah, w-wala hehe tapos ka na sa ineedit mo?" Kaswal ko pang sabi. Kaya ngumiti siya at tumango, "Yes, kumain ka na?"

"Hindi p-pa, ikaw na mag order" sabi ko. Kaya wala na ito nagawa kundi pumunta sa counter kaya napabuntong hininga ako

Paano ko siya iiwasan kung ako ang mentor niya? Or maybe magact ako na hindi ko pa rin alam yung mga sinabi sakanya. Oo ganun na lang I'm sure hindi naman big deal yun

"Here's your carbonara!"

"T-thankyou!"

Pagkatapos ko ng work ay agad akong lumabas ng building ayoko nang hintayin si Daniel dahil gusto kong umiwas sakanya pero pagkadating ko sa sakayan nakita ko siya at nagaabang, "Shemay! Ang malas ko"

"Hey! Charlotte dito" sigaw nito. Kaya wala na akong nagawa kundi tumabi sakanya, "Sa pagkakaalam ko...iba direksyon ka"

"Oo, pero gusto kitang makasabay. Mahirap na marami pa naman loko-loko ngayon" sabi niya. Kaya napatingin ako sakanya, "May g-gusto ka ba sakin?" Tanong ko

"Mashado bang halata?" Sabi nito. Habang nakatingin saakin kaya itong puso kong hindi naman magkamayaw sa pagtibok

Between two of us | ✓Where stories live. Discover now