Maaga akong pumasok ngayon para tulungan ang mga kasamahan ko para sa event na gaganapin ngayon, "VP, mabuti naman po at nandito na kayo" sabi ni Abby. Napangiti ako
"Bakit may problema ba?" Tanong ko. Kaya napakagat siya sa labi at marahan na tumango kaya napahilot ako ng sentido, "Malaki ba yung problema yan? Abby" seryoso kong sabi
Kaya napaiwas siya ng tingin, "m-medyo malaki po, VP. Yung suppliers po kasi ng mga products natin hindi po ilan naabot yung numbers na hinihingi natin" naiiyak na sabi nito. Kaya napabuntong hininga ako
"Alright, don't cry hindi naman ako nagagalit sayo. Samahan mo ako papunta sa production. Maaga pa naman kaya pa natin itong habulin" seryosong sabi nito. Kaya tumango siya, aalis na sana kami nang tinawag ni Ace ang pangalan ko, "saan kayo pupunta?"
"Sa production, marami pang kulang sa mga products natin na gagamitin ngayon sa event" sagot ko. Tumango siya, "Tutulungan ko kayo, tara na" sabi niya. Kaya patakbo kaming umalis sa event center at pumuntahan ang production
"Ms. VP, kayo po pala yan. pasok po" nauutal nitong sabi. Kaya pumasok kami sa loob at doon tumambad ang mga unfinished na products, "ano po bang nangyari at hindi po natapos po ang lahat?"
"Sorry po, kulang talaga kami sa tao kaya hindi matapos yan on time. Ginawa ko naman po ang lahat para matapos ang mga yan on time kaso...hindi ko na rin kaya" sabi nito. Tumango at tinali ang buhok ko, "kami na po bahala dito, mukhang finishing touches na lang po ito"
"Ganun na nga, Hija. hayaan nyong tulungan ko kayo diyan" sabi nito. Kaya napangiti ako at agad umupo sa mahabang upuan kaya hinubad na ni Ace ang kanyang coat at sumama saakin, "Don't worry, makakahabol tayo sa quota" sabi pa niya. Sabay ngiti
And after 3 hours pag gagawa natapos rin namin agad ang mga products na kailangan namin at sinasakay na ni Ace ang mga kahon, "hay salamat, tapos na. Sana wala na susunod na aberya" bulong ko. Habang pinupunasan ko ang pawis ko sa leeg nang tawagin ako ni Abby, "VP! Kailangan na po natin bumalik sa event center! May problema po doon!"
"Hay! Kakasabi ko lang eh, tara na. Ace kailangan na natin bumalik sa event center" inis kong sabi at umalis agad sa production, "Abby, anong problema sa center?" Tanong ko. Habang nakatingin sa rear mirror ng kotse
"Ang sabi po nila, hindi daw po dumating yung yung model na contact ni Joe. Ang sabi po sakanya ay may sakit daw ito kaya hindi makakarating" paliwanag nito. Kaya napatingin na lang ako sa bintana dahil sa frustrations na nararamdaman ko kaya hinawakan ni Ace ang kamay ko at pinisil-pisil, "hey, okay lang yan. Abby ano ba kailangan nyong model?"
"A-Ahm, babae po kailangan"
"Oh, Charlotte ikaw na maging model nila para wala nang problema" sabi nito. Kaya tinaasan ko siya ng kilay, "a-ako magiging model? tignan mo nga itsura ko ang haggard ko!" inis kong sabi. Kaya narinig ko ang tawa niya
"Don't say that, Charlotte. Ang ganda mo pa rin kahit haggard ka. Kaya sige na pumayag ka na" sabi pa nito. Kaya napatingin ako kay Abby at napabuntong hininga, "fine, ako na. bilisan mo malapit nang magsimula ang event!"
"Yes, Madam"
Pagkapasok namin sa event center sinalubong agad ako ng make up artist, "Ms. VP, tara na po para makapagstart na po tayo" sabi nito. Kaya napabuntong hininga ako at sumama sakanya
"Alright, nandito na si Ms. Koo at ating VP na si Ms. Garcia, palakpakan po natin sila" sabi ng emcee. Kaya napangiti kaming dalawa at kasabay nun ang pagtapat saamin ng spot light at nagsimula na siyang ayusan ako using our new products nagbigay din siya ng mga tips para mapaganda pa lalo ang make up nila
"There you are, napansin nyo yung difference between ngayon at kanina? Mas lumabas ang ganda ni Ms. Garcia!" Masayang sabi nito. Kaya napangiti ako dahil sa mga naging reaksyon ng mga taong nanonood saamin kaya napa thumb ups si Ace kaya natawa ako
"Sabi ko sayo eh, bagay sayo maging model" masayang sabi nito. Habang kumakain kami ng burger sa gilid habang on-going pa rin ang event, "talaga? Napilitan lang ako pero salamat sa tulong mo ah. Ang dami ko na pating utang sayo" sabi ko. Kaya napangiti siya
"Wala yun no, you're always welcome"
"Free ka ba sa Saturday? Gusto ko kasing i-try yung sangyup diyan sa tapat" sabi ko. Kaya napatigil siya sa pagkain at tumingin saakin kaya natawa ako sa expression niya
"Oh, anong mukha yan? Don't worry libre ko. Ano game ka ba?" Tanong ko. Kaya napangiti siya at tumango, "sige, sa sabado ah!" Pahabol kong sabi. Habang pabalik sa mga kasamahan ko. Gabi na nang matapos ang event kaya tulong-tulong kami sa pag-aayos ng mga gamit
"Oh, saan tayo pagkatapos nito? Gusto nyong uminom at kumain" tanong ko sakanila. Kaya natigilan sila at nagtinginan, "ah, opo. Gusto namin yun! May malapit na karaoke bar dito!" Singit ni Joe. Ngumiti ako at tinapos ang ginagawa ko, "let's go, uminom na tayo!"
"Teka, magiinom kayo?" Tanong ni Ace. Tumango ako kaya napabuntong hininga siya, "hindi ka iinom, Charlotte. Pano kapag may nangyari ulit sayong masama" seryosong sabi nito. Kaya napailing ako
"Hay, hindi na ulit mangyayari yun. Ace kasi kasama kita and besides gusto nilang uminom eh! Don't be KJ samahan mo na lang kami" sabi ko at naunang akong lumabas kaya wala siyang nagawa kundi sundan ako
"Cheers to our successful event! Kahit na may mga konting aberya still naging smooth pa rin ang ating event at salamat sainyo"
"Salamat din po, VP. Masaya po kami makatrabaho po kayo" sabi naman ni Joe. Kaya napangiti siya, "siya, kumain na tayo. Pagkatapos nito karaoke tayo" sabi ko pa. Kaya nagtawanan silang lahat at kumain na
Pagkatapos nun ay napuno na ng tawanan at hiyawan ang buong room namin dahil yung iba saamin ay tinamaan na kalasingan kaya kung anu-ano na mga ginagawa habang yung iba naman ay kumakanta, "hindi mo alam dahil sayo ako'y hindi makakain, di rin makatulog buhat ng ako'y iyong lokohin~"
"Woah! Go Joe"
"Ms. VP pwede nyo ba ako samahan sa pagkanta?" Tanong nito. Kaya napatigil sila habang nakatingin saakin kaya napangiti ako, "Oo naman!" Masayang sabi ko. Kaya ngiting tagumpay ito at binigay niya saakin ang isa pa niyang mike, "Kung ako’y muling iibig, sana’y di maging katulad mo. Tulad mo na may pusong bato~" kanta ko na agad naman sinundan ng palakpakan ng mga kasamahan ko
"Did you enjoyed? Interact with them" sabi nito. Habang nandito kami sa kotse at pauwi na, "yea, super akong nagenjoy. Sana may susunod pang project" sabi ko. Habang nakatingin sa bintana kaya narinig ko ang tawa niya kaya napalingon ako sakanya
"Mukhang meron pang susunod" sabi nito. Kaya napangiti ako, "sa tingin mo, nagustuhan ng board ang ginawa ko event. Napansin kaya nila?" Tanong ko. Tumango siya
"Tignan natin, bukas kung tataas ang sales ng new products natin but now ang masasabi ko lang you did well, Charlotte. And ng team mo syempre" sabi nito pero wala na siyang nakuhang sagot mula kay Charlotte dahil tulog na ito kaya dahan-dahan niyang hinaplos ang mukha nito. "I'm very proud of you, Charlotte"
YOU ARE READING
Between two of us | ✓
RomanceCharlotte is a aspiring writer but suffers a devastating accident and She became bitter and cold-hearted one until he meet Daniel. If he finds the true love for Charlotte or he ends up falling for her? Date release; June 3, 2022 End; October 15, 2022