19

3 4 0
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw sa mukha ko kaya dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at doon tumambad ang di-pamilyar na kwarto kaya tumayo agad ako, "nasaan ako? Kaninong... kwarto to?"

Kaya pilit kong inalala ang mga nangyari kahapon pero sumasakit lang ang ulo ko. Nagulat naman ako nang may pumasok bigla at nakita ko si Ace na may dalang tray, "mabuti naman at gising ka na, eto kumain ka muna" sabi nito. Sabay lapag ng tray sa harapan ko

"Bakit ako nandito? Anong nangyari kagabi?"

Kaya napakamot siya ng ulo, "wala kang maalala kung anong nangyari kagabi?" Tanong nito. Umiling ako kaya napabuntong hininga siya, "mas mabuting wala kang maalala, sa susunod wag ka nang ulit sasama sa mga pinsan mo dahil ang tingin nila sayo ay tinik na kailangan tanggalin. Sa lugar na ito wala ka dapat pinagkakatiwalaan dahil lahat ng tao dito ay magkakalaban. Always remember that"

At tuluyan na itong umalis kaya napabuntong hininga na lang ako at kumain. Pagkatapos nun ay hinatid na niya ako sa bahay, "tandaan mo ang sinabi ko ah, kalimutan mo na ang nangyari kagabi. Ako na bahala doon, kita na lang tayo mamaya" seryosong sabi nito at tuluyan nang umalis kaya napailing ako at pumasok na sa bahay, nagulat naman ako ng bigla akong niyakap ni Lola

"Charlotte, hija. I'm so worried about you, mabuti na lang tumawag saakin si Ace para sabihin kasama mo siya" naiiyak nitong sabi. Habang nakayakap pa rin saakin

"Lola, ano po bang nangyari kahapon? Sila Luca po nasaan?" Tanong ko pa. Kaya napatigil siya at kumalas ito sa pagkakayakap, "hindi mo alam? Muntik nang may mangyari sayong masama mabuti na lang dumating si Ace"

>"Ano ba! Bitawan mo ako! Luca Lucy tulong" sigaw ko pa pero mukhang wala nakakarinig dahil mashadong malakas ang music

>"Daniel, thankyou for saving me" sabi ko. Bago ako tuluyan mawalan ng malay

Kaya agad akong nanghina at napaupo na lang sa sofa, "paano nila nagawa saakin to...dahil lang sa pwesto gagawin nila ito!" Naiiyak kong sabi. Kaya agad akong niyakap ni Lola para ako'y pakalmahin, "shh, don't worry. Hija hinahanap na ni Ace ang tao sa likod nito hindi ako titigil hangga't hindi ko napapakulong ang mga taong gumawa sayo yan" sabi nito. Sabay halik sa noo ko kaya wala akong nagawa kundi magiiyak

Kaya wala akong ganang pumasok sa office at naupo na lang ako sa swivel chair nang pumasok si Ace sa office, "hi Charlotte meron akong project for you" seryosong sabi nito. Kaya napa ayos ako ng upo, "w-what is it?"

Kaya napabuntong hininga siya at umupo sa tabi ko, "I know nasabi na sayo ng lola mo ang nagyari kaya napagisipan ko na sayo ko ibigay ang project na ito. Diba gusto mong mapalapit sa mga co-workers mo at magpagood shot sa board" panimula nito. tinaasan ko siya ng kilay

"Just straight to the point, Ace. Anong klaseng project ba ang gagawin ko?" Mataray kong sabi. Kaya napangiti siya at umupo sa tabi ko, "may event na gaganapin sa susunod na linggo para ilabas ang mga new products ng make up line. Ikaw na bahala sa concept ng event and don't worry hindi ka mag-iisa sa project na ito dahil kasama mo sila" paliwanag nito at kasabay nun ang pagpasok ng mga kasamahan ko

"Pwede na po ba tayong magsimula? VP" tanong ni Lanie na marketing manager kaya napangiti ako, "O-Oo naman, have a sit" sabi ko. Kaya umupo na sila sa sofa set kaya napatingin ako dito, "thankyou"

"Welcome, excuse me. Aalis na ako" paalam nito. kaya agad akong sumama sakanila para pagusapan ang mg gagawin namin para sa event, "kailangan natin ipakita sa kanila ang quality ng make ups, well I suggest na kumuha tayo ng sikat na make up artist para marami tayong makuhang sales" masayang sabi ni Abby. Kaya tumango ako at sinulat sa maliit kong notebook, "good idea nga yan, Abby"

"Ma'am, I suggest din po na magbigay tayo ng freebies katulad ng tumblers at make ups ganun" sabi ni Marie. Tumango ako, "Or pwede din tayong magbigay ng tips on make up using our new products" singit ko. Kaya tumango sila bilang pag-sang ayon saaking naisip

"I'm glad na marami tayong naisip na magandang ideas, alright, hati-hatiin na natin ang mga gagawin for this event. Sabihin nyo agad kapag may problema ah"

"Yes, VP..."

Kaya napangiti ako at sinarado ko na ang aking notebook, "this meeting is ajoured, update na lang ah" dagdag ko pa. Kaya nagsila alisan na sila kaya napabuntong hininga ako at binuksan ang PC ko para simulan ang aking trabaho

"Oh, kape. Kanina ka pa sa harapan ng PC mo ah" sabi ni Ace at umupo sa tabi ko, "hindi ko pa kasi tapos yung propposal ko, tas hindi ko pa nakakausap yung suppliers ng frebies at iba pa" angal ko. Kaya napailing siya at sinave niya ang gawa kong proposal bago niya ito pinatay

"Bukas mo na ituloy yan, baka magalit Lola mo kapag umuwi ka nanaman ng gabi. Sabihin pa nun mashado kitang pinapahirapan eh" sabi nito. Kaya ngumiti ako at wala akong nagawa kundi ayusin ang gamit ko, "sa tingin mo, Ace. Makukuha ko ba ang pansin ng board sa hinahawakan kong event"

"Oo naman no, ang sipag mo kaya. don't worryna sayo ang boto namin ni daddy ko eh at saka alam kong binigay mo ang 101% mo sa event na ito kaya kaya I'm sure makukuha mo ang pansin ng board" sabi nito. Ngumiti ako

"Thankyou, Ace. Kita na lang tayo bukas" sabi ko. Tumango ito kaya sumakay ako sa kotse naghihintay saakin, "Charlotte, kamusta ang first assignment mo?" Tanong nito

"Ayos lang po, konti na lang at maayos ko na po yung proposal" sagot ko. Kaya ngiting tagumpay ito, "good, eh kamusta kayo ni Ace mukhang nagkakabutihan kayo ah"

Napailing ako, "magkaibigan lang po kami, lola" sagot ko. Kaya napangiti ito, "nako, wag mo akong lokohin. Apo, I've been there ganyan din yung sinabi ko pero naging kami ng lolo mo" sabi nito. Kaya napakamot ako ng ulo

"Ang totoo po yan, Lola. I have a special someone right now" pag-amin ko. Kaya napatingin ito saakin hanag nakakunot ang noo, "Really, sino?" Tanong  nito. Napangiti ako

"Si Daniel po, Lola. Katrabaho ko po siya sa publishing house... he's my assistant editor" sagot ko. Tumango lang siya, "kailangan kong makilala yan, Apo para makilatis ko ng mabuti"

"Makilala nyo din po siya, soon"

Between two of us | ✓Where stories live. Discover now